Kabanata 24.

15.8K 403 20
                                    


I'd like to say we gave it a try
I'd like to blame it all on life
Maybe we just weren't right,
But that's a lie, that's a lie

And we can deny it as much as we want
But in time our feelings will show

'Cause sooner or later

We'll wonder why we gave up
The truth is everyone knows


Emote na emote pa si Jess habang kumakanta sila ni James na akala mo walang problema. Si Mitchie at Baxter ay nagsasayaw na parang mga tanga habang ako ay umiinom lang at bagot na bagot na.


"Anyway, thanks for coming over, Amber. Did you have a good night sleep last night?"


I walked out after hearing that. Hindi ko talaga kinaya iyong sinabi ni Drae na iyon. It's like, he confirmed that something really happened that night. Nakakainis pa yung ngisi niya nung araw na iyon.


It's been two weeks since our last encounter. He's been calling me since his accident and I keep on avoiding his calls. Natatakot akong makita siyang muli and at the same time, nahihiya ako.


Imagine, I confessed my heart problem to him that night and then after that, we had sex! I ruined our friendship just like that.


Hindi yata talaga pwedeng maging magkaibigan ang isang babae at isang lalaki lalo na kung parehong single. I mean, kung single ang isa. At paano nalang pala kung hindi ko ibinigay kay Clyde ang sarili ko bago kami nagkita ni Drae? God! Baka sa ibang tao ko pa naiwala ang virginity ko at hindi sa lalaking talagang mahal ko.


And speaking of Clyde. Medyo nagui-guilty ako dahil sa pag-iwas na ginagawa ko sa kanya. Although hindi naman talaga niya ako kinukulit dahil palagi lang siyang nakatingin mula sa malayo, sobrang nakokonsensya pa rin ako.


I badly needed to fix my mess with Drae so I can come back to him again. Iyong ako nalang. Iyong wala ng nakasabit sa akin na pangalan ng ibang lalaki – ni Drae.


If I could change the world overnight
There'd be no such thing as goodbye
You'll be standing right where you were
And we'd get the chance we deserve oh


Tumayo ako at lumabas. Ang sakit sa tenga ng boses ni James. Isa pa ay parang pinapatamaan nila ako sa kanta.


Sumenyas ako kay Mariz na magba-banyo lang ako at tumango naman siya bago muling humilig sa dibdib ni Baxter. Di ko talaga inakala na iyong mga dating manliligaw ko ay boyfriend na nila.


Nasa isang KTV bar kami kung saan may mga kwarto para sa mga gustong magwala at magpaka-feeling singer na tulad nila Jess at James. Sa labas ng mga silid ay ang pinaka-bar at medyo siksikan na dahil weekends.


Nakabibinging ingay, neon lights, amoy ng sigarilyo, pawis at iba't ibang inumin ang bumungad sa akin paglabas ko. Maraming nagsasayaw na parang ibang sayaw na ang ginagawa. Bakit ba kasi sumama pa ako kila Mariz, eh. OP lang naman ako dahil mag-isa ako.


Lumapit ako sa bar counter at umorder ng panibagong inumin. I decided to sit on the corner para wala masyadong makaabala sa akin. I sighed.

Chasing Hearts (DH 6 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon