Kabanata 4

20.2K 508 38
                                    

MERRY CHRISTMAS SA INYONG LAHAT!! :)

•••••

Days, weeks and months passed. Ayoko mang isipin ay hindi ko mapigilan. Last year ko na ngayon sa college pero parang gusto kong gawing limang taon ang kurso kong nursing. Pagka-graduate ko kasi ay ipapakilala na ako nila Papa sa anak ng kaibigan niya. I didn't know that they're still keeping their promises to each other na ipapakasal ang mga anak nila which turned out na ako at kung sino man ang lalaking iyon.

"Siguro panget ang anak nila kaya walang girlfriend at umaasa na lang sa irereto." umismid pa ako pagkasabi niyon. "Ang swerte naman niya at isang Amber Amorsolo ang mapapangasawa niya." I snorted.

I never asked about the guy because I'm not really interested although I know that our company needs them right now because it's on the bridge of bankruptcy na sobra nagpapa-stress kay Papa nitong mga nakaraang buwan. Pati si Kuya Kahel ay hindi na rin mabiro. Lalo lang lumala noong malaman nila Kuya at Papa na pinagnakawan ang kumpanya ng ilang milyon na ngayon ay hindi na nila mabawi dahil nawaldas na iyon sa sugal ng isa sa mga board members na ngayon ay nakakulong na. The problem was solved but the loses isn't.

Bumangon ako sa pagkakahiga sa buhangin bago pa ako tuluyang umitim. Kung bakit kasi nakarinig lang ako ng salitang 'beach' ay bigla nalang akong sumama kay Clyde dito sa Caramoan. Sobrang layo at puro bundok ang nakikita. Noong malaman ko na dito kami pupunta ay gusto ko na talagang mag-back out dahil nasa fourteen to fifteen hours ang byahe by land. Mabuti na lang at by air ang naging byahe kaya mabilis lang.

"Miss Amber pinapatawag po kayo ni Sir Dwight."

Tumango ako at ngumiti sa isa sa mga staff ng modelling agency ng mga Telpace. Hindi ko pa rin maisip kung paanong hindi nila malaman kung sino si Dwight at Clyde sa kambal. Sa ngayon kasi, si Clyde ang tumatayo bilang Dwight dahil bigla nalang hindi mahagilap si Dwight.

Dwight and Clyde maybe identical but if you will just look and observe carefully, you'll notice their differences tulad nalang ng mas matangkad si Clyde ng kaunti kay Dwight, mas light ang mga mata ni Clyde, mas madalas rin na nakangiti si Clyde kaysa kay Dwight na normal na ang pagiging suplado at ang pinakamadaling makita ay ang pagiging sobrang neat tignan ni Clyde kumpara kay Dwight na minsan ay hinahabol ng plantsa ang damit at kadalasan ay magulo ang buhok.

Pumasok ako sa tent kung saan ko iniwan si Clyde kasama ang ibang staff at model. Muntik na akong matalisod nung makita ko ang ayos ni Clyde. Tatalikod na sana ako para lumabas pero tinawag niya ako.

"Amber!"

"Mamaya nalang tayo mag-usap kapag tapos na kayo." nakatalikod pa rin ako sa kanya. I even heard someone chuckles kaya mabilis na hinanap ng mga mata ko kung sino iyon and saw a girl with tan complexion, ash-blonde curly messy hair in her yellow stringed bikini.

"So, may nakakatawa sa sinabi ko?" pinameywangan ko pa siya. Nakakainis kasi 'yung ginawa niyang pagtawa.

She's beautiful, alright. Marahil ay nasa five-seven o five-eight ang height dahil mas matangkad siya sa akin ng kaunti. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa and smirked because her only edge in me is her height.

"Wala." tapos ay tinalikuran niya ako pagkatapos akong i-head to foot.

Na-insecure siguro sa ganda ko! Tse!

"Impaktang iyon!" bulong ko na may kalakasan. Eh ano kung marinig nila?

"Amber,"

"Ano ba? Bakit ba tawag ka ng tawag? Magbihis ka nga muna kung gusto mo akong makausap hindi iyang naka-brief ka lang!" tuloy tuloy na akong lumabas ng tent at pinaypayan ang sarili ko gamit ang kamay.

Chasing Hearts (DH 6 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon