Kabanata 5

19.1K 490 28
                                    




"Dwight, virgin pa si Clyde?" Kalabit ko kay Dwight.


Nasa gym kami at nanonood ng basketball. Sumama lang ako kasi wala rin naman akong klase. Besides, si Dwight itong nagyaya. Panoorin ko raw si Baxter na matalo. Practice game lang naman iyon at hinati sa dalawang team ang basketball team. Sa pagkakaalam ko, mas magaling daw iyong ace player ng basketball at wala iyon sa team ni Baxter ngayon.


"Ha? Ano bang sabi niya?"


Nilingon lang niya ako saglit tapos bumaling na ulit sa mga naglalaro ang tingin niya. May pinag-uusapan sila nung mga kasama niya. Nagpustahan yata.


"Shit! Magsho-shoot si Baxter!"


Napalingon naman ako sa sinabi ni Dwight. Indeed. Hawak nga ni Baxter ang bola at parang balak mag-three points. Napataas ang kilay ko. He's the captain so I know, he can shoot that ball.


Tahimik ang gym dahil last twenty seconds na ng game at kapag nai-shoot iyon ni Baxter, lalamang sila ng isang puntos.


"Amber tawagin mo si Baxter!" Utos ni Dwight.


"Ano? Bakit?"


"Just do it! Bilis!"


Without thinking, I called out his name.


"Baxter!"


Hindi ko alam kung malakas ba ang sigaw ko sa pangalan niya o sadyang tahimik lang ang buong gym dahil lumingon sa gawi namin si Baxter at naagawan siya ng bola nung number nine na siyang ace player nila.


Nagsigawan at parang tuwang tuwa sila Dwight dahil sa nangyaring iyon. Nag-hi five pa sila at pati ako ay isinali.


Fast break ang ginawa nung kabilang team at ang bilis nilang nakarating sa ring nila. Grabe talaga ang nagagawa ng mahahaba nilang mga hita at binti.


"Fuck you, Telpace!" Sigaw ni Baxter sa gawi namin pagkatapos nilang matalo. Nung bumaling ang tingin sa akin ni Baxter ay nag-thumbs up lang ako sa kaniya bago dahan-dahang binaligtad ang kamay ko.


Tumawa si Dwight sa ginawa ko at inakbayan ako bago igiya palabas ng gym. This is what I like about Dwight. Palagi niya akong isinasama sa mga kalokohan niya unlike Clyde na sobrang protective na wala naman sa lugar.


"Iyong tinatanong ko, Dwight." untag ko sa kaniya.


"Kung ano'ng sinabi niya, iyon na 'yon." Sinoot pa niya sa akin yung cap niya. Mainit kasi sa lalakaran namin.


"By the way, Amber..." baling sakit ni Jacob na classmate nila Dwight. "I'm sure Baxter will go after you after what happened. Kung kailangan mo ng back-up, nandito lang kami."


Tumango lang ako. Wala akong balak makipag-chikahan dahil ninanamnam ko pa ang pagkaka-akbay sa akin ni Dwight. Prenteng nakapatong lang naman ang braso niya sa balikat ko but still, akbay pa rin iyon.


Nagkakatawanan kami dahil sa mga dirty jokes nila Dwight nang harangin kami ni Clyde na kunot ang noo. Diretso siyang nakatingin sa kakambal niya hanggang sa unti-unting dumako ang tingin niya sa braso ni Dwight na nasa balikat ko.


Huminto si Dwight kaya napahinto rin ako. Nagpaalam iyong mga kaklase nila na mauuna na sa coffee shop na tinanguan lang ni Dwight.


"When will you stop playing around, Dwight?"


Napataas ang kilay ko dahil sa iritasyon sa boses ni Clyde nang mga sandaling iyon. Kulang nalang ay mag-isang linya ang mga kilay niya habang nakaharap sa amin at nakapamulsa.


Chasing Hearts (DH 6 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon