Kabanata 38

16.7K 484 18
                                    

          

Kabanata 38: C L Y D E


            "CLAUDIO."

"Claudio."

            "Claudio."

"Shit!" mura ko habang hinihingal. "Why do I have to dream about that woman who loves calling me Claudio?"

Tumayo ako at kumuha ng tubig mula sa refrigerator na nasa aking silid. Pabalik na ako sa higaan ng hindi sinasadyang makita ko si Amber na isinasayaw ang anak niya.

At bakit ba kailangang magkatapat pa ang silid namin ng babaeng iyon? Sumasakit ang ulo ko sa tuwing makikita ko siya lalo na kapag tinatawag niya ako sa buo kong pangalan na tanging siya lamang ang gumagawa.

Sa tuwing sasambitin niya ang pangalan ko, parang may pumipitik sa loob na ulo ko pero gusto ko naman na marinig siyang tinatawag akong paulit-ulit kahit na masakit.

Pinagmasdan ko si Amber kabang pinapatulog ang anak niya. It's already three in the morning and yet, gising na naman siya.

Mula noong dumating sila mula sa ibang bansa ay walang gabi na hindi ako nagigising dahil napapanaginipan ko na tinatawag niya ako at sa tuwing magigising ako ay nakikita ko siyang gising at nagpapatulog ng anak.

"Where is the fucking father of her child? Dapat ay magkasama silang napupuyat dahil sa anak nila hindi ang ganitong ako ang palaging nakakakita ng hirap ng babaeng iyon sa anak niya. Pati ako napupuyat, eh."

Inubos ko ang tubog sa bottled water habang matiim na nakatingin kay Amber.

Marahil ay naramdaman niya ang paninitig ko kaya lumingon siya at parang sumikdo ang puso ko nung ngumiti siya – ngiting hindi umabot sa magaganda niyang mga mata.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa biglaang paglakas ng tibok ng puso ko. Lumakad ako palapit sa bintana at isinara ang blinds.

"Am I falling in love to that woman?" bulong ko bago ibagsak ang sarili sa kama. "And she's getting married in two weeks time but fuck! Why do I have this fucking feeling that I have to stop her?"

Lately, I always find myself thinking about her. Sa tuwing ganoon ang nangyayari ay natatagpuan ko na lamang ang sarili ko na puno ng katanungan habang mabilis na tumitibok ang dibdib ko. May pagkakataon pa nga na parang gusto ng kumawala ng puso ko sa dibdib ko.

What if she was my girl? How does it feel to have her in my arms? Would she let me be a part of her and her son's life?

Fuck! I'm a bachelor and yet, I am so willing to accept a woman with excess baggage.

Inilagay ko ang palad ko sa tapat ng dibdib ko. My heart's still beating erratically because of her and I don't think that thinking of her is healthy. Sumasakit ang ulo ko.

Kinaumagahan, si Dwight kaagad ang una kong hinanap dahil sa lahat ng tao sa bahay na ito ay siya lamang ang madalas na kausap ni Amber. They seemed close and I don't like it even a little. Jealousy's starting to consume me and I am admitting it!

"Gienelle!" tawag ko sa bunso kong kapatid. Though I'm not sure kung siya ba talaga si Gienelle.

Ngumuso ito. "It's Frences, Kuya C."

Yumuko ako at hinalikan siya sa noo. "I'm sorry, baby. My memory's still blurry."

Tumango-tango ito pero halata pa rin ang lungkot sa cute nitong mukha. "It's okay. I understand. But Kuya C, are you okay about Ate Amber, marrying another guy than you?"

Chasing Hearts (DH 6 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon