Kabanata 34

16K 405 9
                                    

A/N: Baby Clive Warrick on the multimedia.

***

Philippines.

Huminga ako ng malalim bago pinindot ang doorbell sa gate ng mga Telpace. It's been a year since I last saw this huge gate of them. Ngayon ay bagong pintura iyon pero hindi binago ang kulay na rusty gold. Sa gilid ng bakod ay naroon pa rin ang cadena de amor na hindi nawawalan ng bulaklak at hinahayaan lamang na gumaray sa bakod.

"Hi Gracie!" bati ko sa isa sa mga kasambahay nila na siyang nagbukas sa akin ng gate.

"Ate Amber!" halatang nagulat ito ng mapagbuksan ako pero kaagad rin akong pinatuloy sa loob ng bahay ng mga Telpace.

"Ahm... nandito ba si Clyde?" for the past four months, sinubukan kong i-contact siya pero walang nangyari. Kaya noong masiguro ko na maayos naman ang kalagayan ni Baby Clive ay ipinasya kong bumalik sa Pilipinas pansamantala.

"Naku, wala po."

"Amber?"

Nilingon ang mommy ni Clyde na pababa ng hagdan mula sa ikalawang palapag. She still looks sophisticated even in the simplest dress she wore. No wonder, their one of the top in the world of fashion.

"Tita Eli," Kaagad akong niyakap ng ginang at hinagkan sa magkabilang pisngi.

"I'm so glad to see you again, Amber. Halos isang taon kang nawala! Saan ka ba naglagi na bata ka?" Niyakag niya ako kaagad sa front porch at ilang saglit lamang ay hinatiran na kami ng meryenda ni Gracie.

"Sorry po, Tita Eli. I need to do that to sort things out." Ngumiti ako ng pilit at pasimpleng inililibot ang tingin sa paligid.

Inabot ni Tita ang kamay ko ay bahagyang pinisil bago ako binigyan ng malungkot na ngiti and I know from that moment, hindi ko magugustuhan ang susunod niyang sasabihin.

"Clyde's been looking for you for the past months, Amber. And even though he's not telling us, I know he didn't stop looking for you. Alam natin na sa kanila ni Dwight, si Clyde iyong masayahin but since the moment you left, he changed bit by bit. He became someone so unreachable now that even we didn't know what he's been doing lately."

"I'm sorry, Tita. I know, it was my fault kaya nga po ngayon ay hinahanap ko si Clyde. I need to tell him a lot of things but for the past four months, I can't reached him that's why I decided to came back here in the Philippines."

"What exactly is going on between the two of you, Amber? Ang tanging alam lang namin ay may relasyon kayo ni Clyde – kung paano nangyari iyon gayong alam namin na si Dwight ang gusto mo ay hindi naming alam at inirespeto namin ang desisyon ninyo dahil malalaki na kayo at may sariling isip. And we trusted our son's decision because we knew, Clyde is the smartest between my boys." Napailing si Tita Eli at bahagyang ngumiti. "Pero pagdating sa babae, pare-pareho lamang silang tatlo nila Axl at Dwight."

"Totoo po na si Dwight ang gusto ko. Siguro kasi nakikita ko sa kanya iyong buhay na wala ako – carefree." I sipped on the orange juice to wet my throat. Pakiramdam ko kasi ay ang hirap magsalita. "Mula po ng magkaisip ako, itinatak na sa akin ni Papa at Mama na pagdating ko sa tamang edad, makikilala ko ang lalaking mapapangasawa ko – ang anak ng kaibigan ni Papa.

"One of the reasons why I go for Dwight is because I know that no matter what, we can't be together. I mean, he doesn't see me as a woman at all. Tanging kaibigan lamang ang turing niya sa akin while Clyde likes me more than a friend and I realized, the reason why I kept on running away from Clyde is because I am afraid to hurt him in the end – which happens.

Chasing Hearts (DH 6 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon