Chapter Seventeen

Magsimula sa umpisa
                                    

Bumaling siya dito pagkatapos magsuot ng pantalon.

"Bro, I need you to tell Coach that I might skip today's game. Pipilitin kong makabalik agad but if not..."

"Nababaliw ka na ba, Ricci?! You understand how important this Game Two is, right? Today could be the last game of our collegiate career, bro, and you're telling me that you're going to throw it just like that??"

"Brent, I can't be sentimental right now," saway niya rito.

"You don't need to be sentimental, Cci... just don't be selfish," napipikon na sabi nito. "Alam mo kung ano'ng klaseng hirap ang tiniis nating lahat para lang makarating sa Finals. It's not just about you, man, it's about the team. The kids worked hard, and they still are, para lang makuha itong championship na 'to. We're almost there, isang game na lang. Tapos ikaw na naturingang Team Captain eh handang itapon ang lahat ng pinaghirapan natin para sa isang babae lang??? And to think na 'yang babaeng 'yan eh binasura ka naman for the second time pagkatapos sumama sa ibang lalake!"

"Tangina, Brent! Wala kang karapatang magsalita tungkol kay Mika nang ganyan," galit na sagot niya. "You don't know her that well. And even if you do, I will never allow you to speak to her like that!" sigaw niya rito.

Nakakuyom ang dalawang kamay niya at nagpipigil lang na masuntok ito. Sa tagal ng pagkakaibigan nila ay ngayon lang siya nagalit sa sinabi nito.

Naiintindihan niya na nag-aalala lang ito para sa team pero hindi siya papayag na bastusin nito si Mika.

"Bro, I'm sorry, okay? Worried lang ako para sa 'yo at para sa team," biglang bawi nito nang tila makapag-isip.

Bahagya naman siyang kumalma. Tahimik siyang kumuha ng t-shirt sa closet at hinagilap ang cellphone niya at susi ng kotse. Nasa may pinto na siya nang muli siyang pigilan ni Brent.

"Cci, kailangan ka ng team. Don't do this to us, man!"

Saglit siyang natigilan at nilingon ito.  He gave him an apologetic look.  "Pasensya na, bro pero kailangan kong gawin 'to. Kaya niyo naman kahit wala ako eh.  The team can live without me but I can't live without her," he said.  "I'm not asking you na suportahan ang desisyon ko, Brent, pero bilang kaibigan just let me do this," pakiusap niya.

Napailing na lang ito bago ngumiti nang marahan.  "Fine.  I'll cover your ass later. Basta ipangako mo lang na hindi ka uuwing luhaan mamaya ha?"

"Gago, kailan ba 'ko umiyak dahil sa babae?" he asked with a smug smile on his face.  Inaasar niya lang ang kaibigan pero ang totoo ay gusto niya nang umiyak dahil sa dinadalang problema. Kahit mabigat ang dibdib niya ay nagpapasalamat siya na may totoong kaibigan siyang tulad ni Brent na palaging handa siyang unawain at suportahan. Brent may not agree with his decisions all the time but he supports him nonetheless.

"Eh 'di wow, ikaw na ang heartthrob," Brent smirked as he looked at him. "Sige na, bro. Sibat na para makabalik ka agad. Good luck, lover boy!" sabi nito bago siya pabirong sinaluduhan.

Isang thankful na ngiti ang iginanti niya rito bago tuluyang lumabas ng kuwarto.

----------
TINATAMAD na dahan-dahang bumangon si Mika. Gusto niya pa sanang manatili sa kwarto ngunit marami siyang kailangang gawin ngayong araw. Kung hindi lang siya nakapangako kay Jerome ay nuncang mapahiwalay siya sa higaan. All she wants to do for the past days is sleep.

Idol QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon