Chapter Thirteen

701 17 13
                                    

"It's hard for me to say
I'm jealous of the way
You're happy without me."

CHAPTER THIRTEEN

NAPAANGAT ang tingin ni Mika mula sa screen ng laptop niya papunta sa taong umupo sa visitor's chair nya.

Tahimik na nakaupo roon si Ricci.  Walang expression ang mukha nito habang may kalong-kalong na bulaklak.  Nang mapansin nitong nakatingin siya ay inabot nito sa kanya ang bouquet ng flowers.

Kikiligin na sana siya kung hindi niya nakilala ang mga bulaklak.

"Bakit nasa 'yo 'yan?  I gave that to Mich para kunwari sa 'yo galing," tanong niya rito.

"Tss kaya pala galit na galit sa 'kin kanina," nakasimangot na sagot nito.  Ipinatong nito ang bouquet sa ibabaw ng desk niya.

"What?!  Bakit siya magagalit eh binigyan mo na nga ng flowers?" nagtatakang tanong niya.  "Saka ang sweet pa nga ng message na nilagay ko du'n eh."

"She's allergic to flowers that's why," he smirked.

"Oh my God, I didn't know!" natampal niya ang noo.

"Uso kasi magtanong."

"Sorry na, Cci..."

"Tinutulungan mo ba talaga ako o pinaghihiwalay mo kami secretly?  May gusto ka pa sa 'kin, no?"

Napanganga siya rito.  Ang lakas ng kabog ng dibdib niya.  Gosh, pa'no niya nalaman na may gusto ako sa kaniya?

Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong nito.

Bigla naman itong tumawa.  "Ang lala ng facial expression mo!" sabi nito sa pagitan ng halakhak.  "Binibiro ka lang, Miss," pang-aasar pa nito.

"Gago ka talaga kahit kailan," naiiling na sabi.  Relieved na napangiti siya.  Akala niya ay nabuko na nito ang nararamdaman niya.

"Pero seryoso, Miks, stay out of it na.  Puro palpak din naman eh."

"Makasabi naman 'to ng palpak," she pouted.

"Eh totoo naman kaya," natatawang sagot nito.  "Last week you gave her chocolates, 'di ba?  What happened?" nakataas ang isang kilay na tanong nito.

She rolled her eyes at him.  "Diet daw siya kaya ibalik ko raw sa 'yo 'yung mga binigay 'mo'."  She ended up eating the chocolates dahil sa kaniya rin naman binigay ni Ricci ang mga iyon.

"And then?" he asked in an amused expression.

"I asked you to buy the cute dog stuffed toy I saw sa isang store.  Malay ko ba namang may trauma pala si Michelle sa dog 'di ba?  Ni hindi ka man lang nagreact nu'ng pinabili kita," sita niya rito.

"Malay ko bang kay Mich mo ibibigay."

"Eh kanino pa naman po kaya?"

"Akala ko naglalambing ka sa 'kin at gusto mong ipabili so I bought it."

Napakurap siya dahil sa sinabi nito.  "B-Binili mo para sa k-kin?"  Pinipilit niyang pakalmahin ang dibdib.

"Why not?  I'm a generous person, Miks.  Kahit naman nu'ng tayo pa--I mean, kahit itanong mo pa kay Miss Joy," sabi nito.  Nahuli niya ang awkward na ngiti nito sa pagkakadulas patungkol sa nakaraan nila.

"I always give her stuff because I'm sweet like that," pabirong dagdag nito.

Ngumiti na lang siya at pilit inaalis sa isip ang sinabi nito.  Ayaw niyang patuloy na paasahin ang puso niya.

Idol QueenOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz