Chapter Fifteen

990 18 11
                                    

CHAPTER FIFTEEN

TUNOG ng door buzzer ang gumising kay Mika.  Tinatamad pa siyang kumilos dahil masakit ang buong katawan niya.  Naririnig niya ang lagaslas ng tubig sa shower pero sobra siyang disoriented para pansinin iyon.  Pero napilitan siyang bumangon dahil patuloy ang pagtunog ng buzzer.

Napatitig siya sa blood stains na nasa bedsheet niya nang tumayo siya at hagilapin ang mga damit.  Memories of last night flooded her brains.  Hindi niya napigilang pamulahan ng mukha nang maalala ang mga naganap.  Hindi natapos sa park ang kanilang makeout session.  They continued it in Ricci's car and even at her frontdoor, until it eventually ended on her bed.

Kinapa niya sa sarili kung may nararamdaman ba siyang pagsisisi, after all wala silang commitment.  Wala.  All she could feel was happiness and satisfaction. It was the most beautiful experience she ever had, more wonderful than all of her championships combined.

Kumuha siya ng cotton robe at isinuot iyon bago lumabas ng kuwarto.  Tinungo niya ang main door para pagbuksan kung sino man ang makulit na nasa pinto.

Saktong pinipihit niya na pabukas ang doorknob nang may yumakap sa kaniya mula sa likod.  Napilitan tuloy siyang bitawan ang pinto at harapin ang papansin na lalake sa likod niya.  Hindi niya namalayan na nakalabas na pala ito ng shower at sumunod sa kaniya.

She opened her mouth to say something but he took advantage of it and kissed her full on the mouth. It only took one action from him for the spark to ignite between them. Kusang kumilos ang mga braso niya at ikinawit sa batok nito.

"Ano ba'ng nangyari sa 'yo, bf, at ang tagal-- oh what the fuck?!!"

Agad silang naghiwalay ni Ricci nang marinig ang boses ni Jessey.  Hindi niya namalayang pumasok ito.  Kung pwede lang hilingin na bumuka ang lupa at kainin na siya ay ginawa na niya sa sobrang kahihiyan.  Her best friend just caught her making out... how embarrassing can that be?

"Hi Jess," kaswal na bati ni Ricci sa kaibigan niya.  Nakayakap pa rin ito sa kaniya na parang walang balak siyang bitawan.  Tila bale-wala lang rito kung nakita man sila ni Jessey sa isang compromising situation.

"Hi yourself.  Care to explain what I just saw dahil mukhang napipi na ang bf ko?" mataray na tanong nito kay Ricci.

"I can explain everything, Jess, but not now," sagot nito bago bumaling sa kaniya.  "I gotta go, Queen.  Late na 'ko sa morning training with Dad eh.  I'll call you later.  Rest ka na lang muna 'coz I know you're still sore," he winked before giving her a peck on the lips.

"Bye, Queen.  Bye, Jess," pahabol pa ni Ricci bago tuluyang umalis.

"Okay... what was that?" nakataas ang kilay na baling sa kaniya ni Jessey ilang sandali pagkaalis ni Ricci.

"Bf..." panimula niya.  Pulang-pula pa rin ang mukha niya.

"Dahil inosente pa ang isip ko, hindi ako mag-aassume ng kung ano-ano kahit naabutan kitang naka-robe lang habang basang-basa pa ang buhok ni Ricci at naghahalikan kayo pagpasok ko.  No, I wouldn't make any assumptions," sabi nito.

"Hay, salamat.  Thank you, bf," nakahinga naman siya ng maluwag.

"Isa lang ang itatanong ko sa 'yo..."

"Ano?"

"Did you two just have sex?" nakapameywang pa na tanong nito.

Idol QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon