Confession 9: Fall

77 2 0
                                    

Short update~

__________________________

Confession 9: Fall

Friday ngayon. Sa wakas, last day na at mapapahinga ko na ang utak ko. Matatahimik na rin ang buhay ko kahit panandalian lang.

Kaya kahit tinatamad, heto ako ngayon naglalakad papasok sa school. Maganda ang umaga. Wala lang sanang sisira.

"JA!" Napapikit ako. Kasasabi ko lang na wala sanang sumira eh. Boses pa lang, alam ko na kung sino.

Huminto ako sa paglalakad at nilingon ang tumawag sa akin, si Xien. Umikot pa nga yung mata ko sa sobrang inis. Ang aga-aga kasi, guguluhin na niya agad ako. Medyo inaantok pa naman ako. Napahaba kasi yung kwentuhan namin ni papa kagabi. Ang daming naitulong ni papa sa akin. Pero puro about lang sa babaeng gusto ko. Hindi kasali yung about sa sabit, hindi damay yung tungkol kay Xien.

Ang balak ko, hihintayin ko na lang makalapit sa akin si Xien. Pero anak ng gulo nga naman itong babaeng ito. Sukat tumawid bigla. Para akong nagising sa nangyari. Sa totoo lang, hindi ko na nga masyado alam yung ginagawa ko. Basta ang alam ko lang, nakalapit na ako sa kanya at yakap-yakap ko na siya ngayon. Mabilis ko rin siyang nahatak sa gilid ng kalsada.

"May mga balak ba kayong magpakamatay? Kay aga-aga, aksidente agad ang gusto niyo. Mga bwiset!" Singhal ng driver ng jeep na muntik ng mahagip si Xien kanina.

Hindi ko na nasagot ang driver dahil umalis na ito agad. At hindi ko na rin halos marinig ang nasa paligid ko. Yung lakas ng kabog sa dibdib ko, iyon lang ang tangi kong naririnig ngayon. Ni hindi ko nga alam kung bakit ko ito nararamdaman.

Inilayo ko sa katawan ko si Xien. Sinipat ko ang buond katawan niya. "Ayos ka lang?"

Tumango siya at ngumiti ng malawak. "Salamat, JA."

Parang nainis ako sa naging reaction niya. Muntik na nga siyang masagasaan at halos mamatay ako sa kaba sa nakita ko tapos ngingiti lang siya ng ganyan?

Binitawan ko ang pagkakahawak sa kanya at tinalikuran siya. "Ipaputol mo na yang napakahaba mong bangs. Hindi mo na nakikita ang daan nang dahil diyan." At naglakad na ako papasok ng school.

Naramdaman ko ang pagsunod niya sa likod ko. Pero hindi niya ako hinabol para sabayan ako sa paglakad. I turned around and saw her walking with her head lowered.

I sighed. I walked towards her and took her left hand. Nakita kong nagulat siya. Hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Ngayon, magkasabay na kami habang hawak ko pa rin ang kamay niya.

"Sorry.." Narinig ko pang sinabi niya habang naglalakad kami.

"Bakit ka nagso-sorry?"

"Eh kasi pinag-alala kita. Sorry.." Nakayuko niyang sagot.

Bigla akong natauhan sa sinabi niya. Pinag-alala niya ako? Hindi naman ako nag-alala. Hindi nga ba? Ay ewan!

Nang marating na namin ang building namin, sakto namang nakita ko si Jaira. Ewan ko kung namamalikmata lang ba ako o talagang nagkatinginan kami? Parang napansin ko ring napasulyap siya sa magkahawak naming kamay ni Xien. Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero kahit alam kong nakita niya iyon, hindi ko pa rin binitawan ang kamay ni Xien.

Mas lalo ko pang hinigpitan ang hawak ko dito at nagpatuloy sa paglakad. Nilagpasan namin si Jaira.

Don't get me wrong. Hindi ko gusto si Xien. Feeling ko lang kasi nagseselos si Jaira sa amin kaya naisip kong hayaan na lang. Gusto kong malaman ang magiging reaction niya kapag nagpatuloy ito.

Kaya lang nadismaya ako dahil nagpatuloy lang din sa paglakad si Jaira. Ni hindi niya kami nilingon nung lagpasan namin siya.

"J-JA, masakit.." Napatingin ako kay Xien. "Yung hawak mo sa kamay ko, sobrang higpit."

Mabilis akong napabitaw sa kamay niya. Namumula na iyon. Napadiin ata talaga ang hawak ko dahil sa inis ko. "Sorry.."

"Okay lang." Sabi niya habang hinihilot-hilit ang kamay niya.

Inabot ko ulit iyon. "Sorry talaga. Hindi ko sinasadya. Ang pula tuloy."

"Hindi. Okay lang talaga." Kukunin na sana ulit niya yung kamay niya pero pinigilan ko. I kissed it, "Sabi nila, nakakaalis daw ng sakit ang kiss."

Nakita ko ang pagpula ng mukha niya habang nakangiti. Napangiti na din ako.

"Ehem ehem.. May klase pa tayo, Mr. Alvarez and Ms. Lazaro. Mamaya niyo na ituloyang ligawan."

Napabitaw ako sa kamay ni Xien. Ganon din siya, bunawi niya rin ang kamay niya nang masita kami ng teacher namin.

"Pumasok na kayo sa loob." Dinaanan kami ni Ma'am at nauna ng pumasok sa loob ng classroom. Sumunod na rin kaming dalawa ni Xien.

"Bakit ang pula ng mukha mo, pare?" Salubong na tanong ni Paulo sa akin.

"Sinong namumula?"

"Ikaw nga, pare. Tila kamatis yang mukha mo sa pula. Anong nangyari sa'yo?"

Nag-iwas ako ng tingin. "Wala lang ito."

"Imposible naman. Baka may sakit ka?" Hahawakan na sana niya yung noo ko pero inilayo ko agad ang kamay niya. "Wala nga kasi ito. Wag mo na lang pansinin."

"Tsss!"

Nagstart ng magcheck ng attendance si Ma'am kaya natahimik na rin itong si Paulo.

"Where's Ms. Rivera?" Napatingin ako sa upuan ni Jaira dahil sa tanong ni Ma'am. Tama nga siya, wala pa si Jaira. Saan naman kaya nagpunta iyon? Kanina lang nakasalubong namin siya.

Sakto namang bumukas ang pinto sa likod. Si Jairaang pumasok. "Where have you been, Ms. Rivera?"

"I'm sorry Ma'am. I forgot something from Guard's ward."

"Did you get it now?"

Tumango si Jaira. "Yes Ma'am." She showed her Mathematics book.

"Well then, go back to your seat. Mas okay na yan kaysa naman sa nakita kong nagliligawan sa labas ng classroom. Right, Mr. Alvarez and Ms. Lazaro?"

At lalopa akong namula sa pagpuna ulit ni Ma'am. Ganon din si Xien. Napuno ng tuksuhan sa loob ng classroom habang ngingiti-ngiti lang si Ma'am. Madalas seryoso si Ma'am pero bakit parang nakikisaya pa siya ngayon sa klase?

"Naks pare! Lumelevel up ka na ah. Nanliligaw ka na pala kay Xien. Hanep! Iba ka pare! Idol!" Tatawa-tawang asar ni Paulo.

Hindi ko na lang pinansin ang pang-aasar niya. Napalingon ako da direksyon ni Xien. Namumula siya. Feeling ko mas mapula pa ang mukha niya sa akin. Pero kita ko rin ang ngiti sa labi niya.

Nabaling ang tingin ko sa babaeng nakaupo sa harap niya, si Jaira. Nakayuko lang siya at nakabagsak ang mahabang buhok. Hindi ko makita ang reaction niya. Pero parang wala naman siyang pakialam.

Bumalik ang tingin ko kay Xien. Mabuti pa siya, ang dali akong nagustuhan pero bakit ikaw Jaira, parang ang hirap-hirap akong tingnan man lang?

Bakit ba kasi ipinipilit ko ang sarili ko sa'yo, Jaira? Bakit nga ba hindi ko na lang ituon ang sarili ko kay Xien? At least she'll catch me if I fall. Hindi katulad ni Jaira, ang tagal ko nang nahuhulog, wala pa rin. Hindi pa rin niya ako masalo-salo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 04, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Wrong Confession [ON HOLD]Where stories live. Discover now