Confession 6: Her Story

58 2 0
                                    

Confession 6: Her Story

"JA.." Tawag sa akin ni Xien. Kanina pa kami nandito sa rooftop pero wala pa rin akong nasasabi sa kanya. It's been almost 10 minutes since we arrived here.

I faced her. Pero wala pa ring gustong lumabas sa bibig ko. Bakit ba hindi ko masabi sa kanya? Bakit parang ang hirap-hirap naman nito?

Pero bago pa man ako makapagsalita, inunahan na niya ako. "Pwede bang magkwento muna ako sa'yo bago mo sabihin kung anuman ang sasabihin mo sa akin?"

"Osige." Mabilis ang pagpayag ko dahil hindi ko pa rin alam kung paano sasabihin sa kanya ang mga maling nagawa ko sa kanya. Mas mabuti sigurong ihanda ko muna ang sarili ko bago ko tuluyang sabihin sa kanya. After niya na lang sigurong magkwento.

Umupo muna kami sa may bench na nandito sa rooftop bago siya magsimulang magkwento. "Last year was my worst year in my life. Last year was the year were my parents died on a car accident. November 3, 2012, that was the exact date of their death. Wala akong nagawa kasi wala ako sa tabi nila that time. Bakit ba kasi ang aga nagtapos ang sembreak? Bakit ba kasi ang aga kong pumasok ng araw na iyon? Hindi tuloy ako nakasabay sa kanila. Kung sana nandoon ako kasama nila, siguro hindi ako naghirap sa loob ng isang taon." I could see that she was in pain and still in pain right now.

Sandali siyang huminto. She looked at me. "Alam mo ba yung feeling na mag-isa ka na lang? Yung feeling na wala kang aasahan sa loob ng isang taon? Ang hirap, ang hirap-hirap." Tumulo ang luha sa mata niya. Medyo nataranta ako at hindi ko alam ang gagawin. Pero mabilis niyang pinunasan iyon at ipinagpatuloy ulit ang pagkukwento.

"Pinilit kong tanggapin, pero hindi ko kaya. Pinilit kong kayanin, pero parang hindi pa rin sapat. Araw-araw, nagdudusa ako. Araw-araw, wala akong makausap. Nilayuan na ako ng mga tao. Wala ng gustong kumausap sa akin kahit pa yung mga kaibigan ko dati. Daig ko pa ang may sakit kung layuan nila ako. Wala ng may pakialam sa akin. But then you came," She smiled. "Kung dati, nawawalan na ako ng pag-asa. Ngayon, parang kaya ko na ulit magsimula ng bago. Kaya talagang nagpapasalamat ako sa'yo, JA. Kung hindi ka siguro dumating that day, baka wala na ko dito."

Nagtaka ako sa sinabi niya. "What do you mean?"

Instead na sagutin niya ako, ngumiti lang siya at umiling. "Basta, salamat talaga, JA. Salamat kasi handa kang makinig sa kwento ko. Salamat kasi may kasama na ako tuwing lunch break. Salamat kasi nandito ka."

Hindi ako nagsalita. Hindi dahil wala akong gustong sabihin sa kanya kundi dahil nagi-guilty ako. Nagi-guilty ako dahil sa mga kasinungalingang nasabi ko sa kanya. A lie that gave her hope to continue her life.

Paano ko na aaminin sa kanya ang pagkakamali ko sa ganitong sitwasyon niya? Hindi ko alam kung nananadya ba ang tadhana o ano eh. Nakakagago lang kasi.

"Sorry..." Iyon lang tanging salitang lumabas sa bibig ko.

Nilingon niya ako. "Bakit ka nagso-sorry?"

"Ewan. Basta, sorry." Hindi ko kayang umamin sa kanya ngayon. Ang hirap ng sitwasyon ko.

"Ano na pala yung sasabihin mo sa akin kanina?" Tanong pa niya.

Umiling ako. "Wala. Kalimutan mo na."

"Ha? Sigurado ka?" Tumango lang ako bilang tugon.

"Tara. Ihahatid na kita." I offered. Hindi ko alam pero parang naawa ako sa kanya after hearing her story.

Umiling siya. "Hindi na. Kaya ko namang umuwi mag-isa."

"Pero-"

"Wag kang mag-alala, okay lang ako. Ang totoo nga niyan, mas gumaan ang pakiramdam ko ngayon. Salamat sa pakikinig sa kwento ko, JA." She smiled.

Wala na akong nagawa so I nodded my head in agreement. Nauna siyang umalis. Nagpaiwan muna ako dito sa rooftop. Gusto kong mag-isip. Ito ang kailangan ko ngayon.

Paano na ngayon? Ano nang mangyayari sa akin kung ganito kagulo ang sitwasyon? Paano na si Jaira? Ano bang dapat kong gawin?

"Pare!" Natigil ang pag-iisip ko nang marinig ko ang boses ni Paulo. Tumatakbo siyang palapit sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya.

"Anong nangyari?" Tanong niya. I sighed.

"Nakita ko si Xien, umiiyak. Sinabi mo na ba sa kanya?" He asked me again.

Nagulat ako sa sinabi niya. "Ano? Bakit siya umiiyak?"

"Pare naman, bakit ako ang tinatanong mo? Hindi ba dapat ikaw ang may alam ng sagot diyan sa tanong mo? Ano? Inamin mo na ba sa kanya ang totoo?"

Umiling ako. "Wala akong sinabi sa kanya. Hindi ko inamin."

"Eh bakit siya umiiyak?"

"Ewan ko. Teka, susundan ko." Patakbo na sana ako nang bigla ulit nagsalita si Paulo.

"Hindi naman talaga siya umiiyak." Napahinto ako sabay tumingin sa kanya. "Ano? Niloloko mo ba ko, Paulo?"

Tumawa siya. "Ang sarap mong pagtripan."

"Gago!" Bwiset na ito ah!

"Hindi siya umiiyak pero kahit natatakpan ng napakahaba niyang bangs ang mga mata niya, nakita ko pa ring namumula iyon. At alam kong galing siya sa pag-iyak. Akala ko tuloy umamin ka na."

"Nagkwento siya sa akin tungkol sa nangyari sa kanya a year ago. Kinuwento niya ang nangyari sa parents niya. Ayun, naiyak siya kaya siguro namula ang mga mata niya." Paliwanang ko.

"Naawa ka kaya hindi mo nasabi sa kanya ang totoo. Tama ba ako, Jake?"

I sighed. "Nanghina ako pagkatapos kong marinig ang kwento niya. Sinabi niya pang naging masaya siya dahil gusto ko siya. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ko, malamang gagawin mo rin kung ano ang ginawa ko."

"Kailangan mo lang ng tamang tiyempo. Wag mo munang sabihin ngayon. Ngayon pa lang ulit bumabalik ang saya niya, wag mo munang ipagkait iyon sa kanya."

"Pero kailan ba ang tamang tiyempo? Masyado ng magulo ang sitwasyon eh. Ayoko ng ganito."

"Bakit hindi mo na lang totohanin?"

Tumingin akosa kanya. "Anong ibig mong sabihin?"

"Bakit hindi mo na lang totohanin ang sinabi mo sa kanya? Bakit hindi mo na lang pag-aralan na gustuhin si Xien?"

"What?! Baliw ka na ba, Paulo? Alam mo naman kung sino talaga ang gusto ko di ba? Hindi ko pwedeng gustuhin si Xien. Alam mo yan."

"Si Jaira na naman ba, Jake? Ni hindi mo nga magawang makausap yung tao tapos siya na naman ang dahilan mo?"

"You know she's always my reason, Paulo. Kahit anong gawin ko, siya lang talaga ang gusto ko. Si Jaira lang."

"Naiintindihan naman kita. Ang akin lang, nandyan na yung taong gusto ka. Paano na lang kung bigla siyang mawala? Mahirap magsisi sa huli."

Natigilan ako saglit sa sinabi niya. "Hindi ko siya gusto, Paulo." Mahina ngunit mariin kong sabi.

"Kilalanin mo muna siya, Jake. Malay mo, biglang magbago ang isip mo. Malay mo makalimutan mo bigla si Jaira."

"Hindi na magbabago ang isip ko. Sinabi ko na sa'yo, si Jaira lang ang gusto ko. Kaya tigilan mo na ang kapipilit sa akin kay Xien. Mabuti pa samahan mo na lang ako. Gusto kong uminom."

"Niloloko mo ba ako? Hindi ka naman umiinom." Nakataas kilay niyang sabi.

"Oo nga. Pero ngayon, iinom ako. Baka dakaling makatulong iyon sa akin. Ayoko munang mag-isip masyado. Masakit sa ulo eh."

Natawa siya. "Mas okay ka pala kapag may problema ka eh."

"Tsk! Tara na!" Nauna na akong naglakad. Sumunod rin naman siya.

Gusto ko munang makalimutan ang nagawa kong mali. Gusto kong lunurin sa alak ang sarili ko para matigil ang utak ko sa pag-iisip. Bigla tuloy sumagi sa isip ko, love is so complicated. Wala pa man akong girlfriend, ang gulo na agad ng sitwasyon.

Kilalanin ko daw muna si Xien? I'm not interested. Kalimutan si Jaira? That's not going to happen.

I'm sure of it... or maybe not.

Wrong Confession [ON HOLD]Where stories live. Discover now