Confession 5: Decision

43 2 0
                                    


I changed all the characters' names.
Jake Panganiban - Jake Alvarez
Ailee Moreno - Jaira Ramirez
Sulli Asuncion - Xien Lazaro
Paulo Alvarez - Paulo Garcia
____________________________________

Confession 5: Decision


Napabuntong-hininga ako nang makalabas na sila Paulo. Alam kong nagulat siya sa sinabi ko pero hinayaan niya na lang ako. Paniguradong tatanungin ako non mamaya. Baka nga asarin pa ako eh.

Pero ang hindi talaga mawala sa isip ko ay yung naging reaction ni Jaira. Halos hatakin niya na palabas si Mae pagkatapos niyang marinig ang sinabi ko. Bigla tuloy akong napaisip. Hindi kaya may gusto rin sa akin si Jaira? Hay naku, nag-aassume nanaman ako.

Natigil ang pag-iisip ko nang mapalingon ako sa gawi ni Xien. Hindi pa rin nagbabago ang ayos niya simula kaninang nandito pa sila Paulo. Nakakalumbaba pa rin siya at malayo ang tanaw sa bintana.

Parang kusang kumilos ang mga paa ko papunta sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero parang may kung ano sa akin na gusto siyang kausapin. Na para bang hinahatak ako papunta sa direksyon niya.

Saktong nasa harapan na niya ako nang mapalingon siya sa akin. Halata ang pagtataka sa mukha niya. Umupo ako upuan sa harap niya at humarap muli sa kanya. Naghihintay siyang magsalita ako pero dinaig ko pa ata ang pipi dahil sa hindi ko malaman kung ano ba ang dapat sabihin. Ni hindi ko alam kung bakit ba ako nagpaiwan dito kasama niya. Dapat kasi sumama na lang ako kay Paulo. Ano ba naman ito.

"Hindi ka ba kakain?" Nauna na siyang nagsalita.

Umiling lang ako bilang sagot sabay tanaw sa bintana. Ramdam kong nakatitig parin siya sa akin. Although nakaharang pa rin ang mahahaba niyang bangs. "Masama ang magpalipas ng gutom. Di ba iyon ang sinabi mo sa akin?" Muli siyang nagsalita.

Nilingon ko ulit siya. "Eh bakit ikaw?"

Nag-iwas siya ng tingin. Walang siyang salitang ibinalik sa akin. Namagitan ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. I studied her face and I swear, it's hard to read. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi.

"Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo. It's better to let someone hear you than keeping it by yourself. Mahirap magpigil. Hindi masamang mag-open-up." Teka, bakit ko ba nasabi iyon? Bakit feeling ko nagiging ibang tao ako sa tuwing kasama ko ang babaeng ito?

This time, nilingon niya na ulit ako. "Jake, bakit mo ba ako nagustuhan?"

Her question surprised me. Hindi ko ine-expect na tatanungin niya ako ng ganyan. Isa pa, ang hirap sagutin ng tanong niya lalo pa't wala naman talaga akong feelings sa kanya. Kung ano man ang nasabi ko sa kanya kahapon, lahat iyon pagkakamali lang.

"Jake, bakit mo ba ako nagustuhan? Sa dinami-daming babae, bakit ako ang napili mong gustuhin?" Muli pa niyang tanong. Ano bang dapat kong isagot?

Tumitig ako sa kanya ng panandalian. Natatakpan man ang mga mata niya ng bangs na nakaharang dito, kita ko pa rin ang pangungulila sa kanya. Alam kong magsisinungaling nanaman ako sa isasagot ko pero kahit na. Alam kong kailangan niya ang sagot ko at alam kong gagaan ang pakiramdam niya sa magiging sagot ko sa kanya.

"Walang dahilan para hindi kita magustuhan. Basta ang alam ko, gusto kita."

Nakita ko siyang ngumiti. Napangiti rin tuloy ako. Hindi ko alam pero parang ang gaan sa pakiramdam na makita siyang ngumiti. At least alam kong nakatulong ako kahit papaano. Kung ano man ang mangyari sa mga susunod na araw, bahala na.

"Salamat, Jake. Salamat talaga." Hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi niya. She's really happy and satisfied with my answer. Kung alam lang niya, nagsinungaling nanaman ako sa kanya. Sobrang dami ko nang kasalanan. Sana lang mapatawad niya pa ako.

Wrong Confession [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon