Confession 7: In Love?

56 2 0
                                    

Confession 7: In Love?

"JA, gumising ka na. Ano ba!" Naramdaman ko ang paggalaw ng kama pati ang banayad na pagyugyog sa katawan ko. Hindi ako dumilat because I couldn't open my eyes. I'm still sleepy right now.

"Ano ba, JA. Bumangon ka na dyan! Male-late ka na sa klase mo." Narinig ko pang muli ang boses ni mama kasabay ng pagyugyog niya sa katawan ko.

Napalakas ang pagyugyog niya this time kaya naman pinilit kong idilat ang mga mata ko. Dahan-dahan akong bumangon. I groaned as I suddenly felt my head hurts. Napahawak na rin ako sa ulo ko dahil sa sobrang sakit.

"Nakung bata ka! Kailan ka pa natutong mag-inom? Hindi ka naman ganyan ah." Nakasimangot na bati sa akin ni mama. I saw disappointment all over her face. I feel sorry for her.

Walang lumabas sa bibig ko. Hindi ko alam kung ano bang dapat sabihin sa mga ganitong sitwasyon.

Umalis si mama sa kama ko bago ulit nagsalita. "Bumaba ka na't mag-breakfast. Mag-uusap tayo pag-uwi mo, pagkatapos ng klase mo. Maliwanag ba, JA?"

"Opo." Lumabas na siya at sumunod na kang ako.

Naabutan kong nagbabasa ng diaryo si papa pagbaba ko sa sala. Napansin kong naramdaman niya ang presensya ko nang itiklop niya ang diaryong hawak at ilapag sa table sa may harapan niya. Patay! Day-off nga pala ni papa ngayon.

Nilingon niya ako. Ibinuka ko ang bibig ko para sana magpaliwanag pero pinangunahan niya na ako. "Mamaya tayo mag-uusap. Kumain ka na muna at maghanda. Baka ma-late ka pa sa klase mo." Tumayo siya at nilingon ang nakababata kong kapatid na si Jane na kalalabas lang mula sa kwarto niya. Nakaayos na ito. "Tara na Jane, anak. Ihahatid na kita sa school."

"Opo!" And they left.

Pumunta ako ng kusina at naabutang nagtitimpla ng kape si mama. Nakatalikod siya sa akin. "Nakahanda na ang pagkain mo. Kumain ka na at maligo pagkatapos."

"Ma, sorry."

"Mamaya na yan. Pag-uwi mo na lang tayo mag-uusap kasama ang papa mo. Baka ma-late ka pa." Tumango ako bilang tugon before I settled myself on the dining area and started my food. Naligo ako pagkatapos gaya ng sinabi ni mama sa akin. I stepped out the house without adding any word to my mom. Kagaya ng sinabi niya at ni papa, mamaya na lang kami mag-uusap-usap.

Sakto akong nakarating sa classroom namin. Mabuti na lang at hindi ako na-late. Kundi strike 3 na ako kay Ma'am.

"Kamusta, pare? Okay ka na?" Salubong sa akin ni Paulo pagkapasok ko pa lang ng classroom.

Dumiretso muna ako sa upuan ko bago ko siya sagutin. "Okay ako pero sa mga magulang ko, ewan ko lang."

"Bakit? Sinermonan ka ba pagkauwi mo kagabi?"

I sighed. "Kagabi? Wala akong narinig na kahit ano sa kanila. Pero ngayong umaga? Nakaramdam na ako. Nag-sorry ako kay mama pero ang sabi nila ni papa, mamaya na lang daw kami mag-usap-usap pag-uwi ko."

Tinapik niya ako sa balikat. "Good luck, pare." I sighed again.

"Eh kamusta pala, nakatulong ba ang pag-inom mo sa problema mo?"

Sasagutin ko pa lang sana ang tanong niya nang bigla namang nagbukas ng sabay ang harap at likod na pinto. Hindi ko alam, pero automatic na napalingon ako sa likod na pinto. Inilabas nito si Xien. Kumakaway siyang ngumiti sa akin. Tumango lang ako bilang pagsagot at sabay nilingon naman ang harapang pinto. Si Jaira ang inilabas nito. Nakatingin siya sakin pero hindi ko siya mabasa. Mabilis din siyang umiwas ng tingin at diretsong lumakad papunta sa upuan niya.

Nilingon ko ulit si Paulo. "Mukhang ako lang talaga ang makakatulong sa sarili kong problema." I sighed for the third time.

"Good luck talaga sa'yo, pare." Naiiling niyang sagot sa akin. After that, siya namang pasok ng teacher namin.

Wrong Confession [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon