Confession 8: My Parents

60 1 0
                                    

Confession 8: My Parents

Lumabas na ako ng classroom dahil kahit anong gala ko ng mata ko, wala akong Xien na makita. Ang bilis naman niyang nawala?

Mabilis akong naglakad papunta sa exit gate. Inaasahan kong maaabutan ko pa siya pero wala. As in wala talagang Xien doon. Hindi naman siya ganito the first day we met. Madalas siya ang lumalapit. Pero bakit ang bilis niyang nawala sa paningin ko?

BUUUUGS!

Napatingin ako sa nabangga ko. Halos mataranta ako nang makita ko kung sino ito. Napaupo siya sa sobrang lakas ng pagkakabangga namin. Agad-agad ko siyang nilapitan, "Ayos ka lang, Jaira?"

"O-okay lang." Isa-isa niyang pinulot ang mga librong nalaglag sa sahig. Tumulong na rin ako.

"Pasensya na. Hindi ko sinasadya. Hindi kasi kita napansin eh." I apologized.

"Ayos lang. Alam ko namang hindi mo yun sinasadya." Inalalayan ko siyang tumayo at para akong nakuryente sa sandaling magkadikit ang mga balat namin.

Nagkatitigan kami. Biglang tumahimik ang paligid. Walang gustong magsalita. Parang biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo. Sana tumigil ang oras. Kahit gaano ko pa siya katagal titigan, ayos lang. Hinding-hindi ako magsasawang titigan ang maganda niyang mukha. Sana lang, walang umepal.

"Jaira, tara uwi na tayo!" Automatic akong napabitaw kay Jaira. Pareho kaming nag-iwas ng tingin sa isa't isa at nilingon ang taong nagsalita.

Nakita kong patakbong lumalapit sa amin si Mae, Jaira's bestfriend. Kasasabi ko lang kaninang wala sanang umepal, naku naman. Ang ganda na ng nangyayari eh, may eepal pa. Badtrip.

Humarap ulit sa akin si Jaira. "Sige na Jake, mauna na kami." Ang sarap pakinggan kapag siya ang tumatawag ng pangalan ko.

Wag muna! Gusto kong sabihin sa kanya pero hindi ko iyon ginawa. Tumango lang ako. "Sige. Ingat ka. Sorry ulit sa kanina."

Ngumiti siya, "Wala na iyon. Sige na, bye." Saktong nakarating na rin si Mae sa direksyon namin kaya sabay na silang naglakad palabas ng school.

Nilingon ko pa sila. Likod na lang nila ang nakikita ko. Ngumiti ako't pabulong na sinabi, "Bye, crush. Ingat ka."

Masaya akong naglakad pauwi. Ni hindi ko na nga naalala yung gagawin ko bago kami magkabanggaan ni Jaira. Sa buong paglalakad ko, si Jaira lang laman ng isip ko. Yung nangyari kanina sa amin, yung pagtititigan namin sa isa't isa. Napapangiti na lang ako mag-isa. Alam kong para na akong tanga dito pero wala akong pakialam. Ayokong may sumira ng araw ko dahil masaya ako ngayon.

Pero nawala ang ngiti ko nang maalala ko yung eksena kanina sa bahay bago ako umalis. Oo ng pala, kakausapin pa ako ng magulang ko. Patay ako nito. Wag naman sana silang magtanong ng marami. I sighed.

Marahan ang pagbukas ko ng gate nang marating ko ang harap ng bahay namin. Marahan at maingat din ang pagsara ko dito nang makapasok na ako sa loob.

Huminto pa ako saglit sa tapat ng pinto ng bahay at malalim na nagbuntong-hininga. Kaya ko ito. Sasagutin ko lang naman ang mga tanong nila. Wala akong dapat ikakaba.

Isa pang buntong-hininga bago ko tuluyang binuksan ang pinto. Naabutan kong naghahanda na ng hapunan si mama habang si papa at ang kapatid ko ay nakaupo na sa hapag-kainan. Sabay-sabay ang paglingon nila sa direksyon ko. Yung tingin ni mama, parang nangungusap.

Magsasalita na sana ako nang unahan ako ni papa. "Isara mo na yang pinto at lumapit ka na dito nang makakain na."

Sinunod ko ang sinabi ni papa. Pero pagkaupo ko pa lang, nagsalita ulit siya. "Pagkatapos kumain at saka tayo mag-uusap."

Wrong Confession [ON HOLD]Where stories live. Discover now