Confession 4: Love Triangle

37 3 0
                                    

This is actually an update last Saturday but I got busy with my final exams that time so I'm sorry for not updating last week. For now, enjoy this chapter. Votes and comments are much welcome :)

______________________________

Confession 4: Love Triangle

Mabilis natapos ang gabi pati na rin ang pagdating ng umaga. Medyo nahirapan ako sa pagtulog kagabi dahil sa napakaraming nangyari kahapon. And worst, Jaira was not there.

Maraming naglalaro sa isip ko simula pa kagabi. Paano kaya kung hindi umabsent si Jaira kahapon? Siya kaya ang makikita ko sa rooftop nung umagang iyon? Magagawa ko rin kayang mag-confess sa kanya gaya ng pinlano ko? Pakikinggan niya kaya ang bawat salitang bibitiwan ko sa kanya? At matatanggap niya kaya ang lahat ng maririnig niya mula sa akin

Gusto ko malaman ang mga sagot sa tanong ko. But I'm too late now. Because of my wrong confession yesterday, naubusan na ako ng lakas ng loob para sabihin pa kay Jaira ang nararamdaman ko para sa kanya.

Kung sana pwede ko pang ibalik ang oras, ginawa ko na. Kaso hindi eh. Sadyang minamalas ata talaga ko pagdating sa ganitong bagay. Love is really unfair to me. Hindi lang man ako hayaang magkaroon ng magandang love life.

Ano ba ito! Parang ang bakla ko magsalita. Tch.

"May balak ka bang pumasok o gusto mo na lang umupo diyan buong araw? Ha, JA?" Automatic na bumalik ako sa realidad nang marinig ko ang boses ni mama.

Ngayon ko lang na-realize na oras na nga pala para pumasok. Nakakain, nakaligo at nakabihis na ko't lahat lahat pero eto ako ngayon, nakaupo sa may sala at ang lalim ng iniisip. Kay aga-aga, ang dami kong iniisip. Ano ba naman kasi itong nagawa ko. Hay...

"Ano ba JA, uupo ka na lang ba talaga diyan buong araw?" Narinig ko na namang sabi ni mama. Ay, oo nga pala! Di kasi matapos itong pag-iisip ko eh. Bwiset kasi.

"Eto na po papasok na." Sagot ko habang isinusukbit ang bag sa balikat ko.

"Pasabay ako, kuya." Napatingin ako sa may kamay ko kung saan nakahawak ang nakababata kong kapatid na si Jane.

Sinunod kong nilingon si mama. "Ihatid mo muna siya school niya bago ka pumasok."

"Nasaan ba si papa?" Tanong ko kay mama.

"Maagang umalis. Kailangan kasi nilang pumasok ng maaga ngayon kaya hindi niya maihahatid si Jane. At alam mo namang hindi ko pwedeng iwan itong bahay natin di ba? Ikaw na muna maghatid sa kanya ngayong araw, JA."

Nilingon ko ulit si Jane na siya paring nakahawak sa isa kong kamay. Nakatingin lang din siya sa akin at hinihintay ang isasagot ko. Ngumiti ako, "Osige. Tara na."

"Yehey!" Napatawa lang ako sa reaction ng kapatid ko. Close kasi kami kaya siguro naexcite siyang sumabay sa akin. Gusto ko rin naman talaga siyang isabay sa akin lagi kaya lang ang problema, magkalayo ang school namin sa isa't isa. Simula sa bahay namin, magkaiba ang way ng school ko at ang school niya.

Pero wala naman akong choice kundi ang ihatid siya bago ako pumasok. At iyon nga ang ginawa ko. Ang kaso, konti na lang ang oras ko para makaabot sa first subject ko. Kung minamalas ka nga naman oh! Malas na nga kahapon, pati ba naman ngayon?

Halos habulin ko ang hininga ko patakbo sa school. Pero bigla na lang akong napatigil sa pagtakbo nang may tumawag sa akin. "JA!"

Mabilis akong lumingon sa likod pero iba ang bilis ng tibok ng puso ko nang makita ko ang babaeng gusto ko. Oo, nakikita ko ngayon si Jaira. Nagtama pa ang paningin namin at hindi ko maalis ang mata ko sa kanya, ganon din ang sa kanya.

Wrong Confession [ON HOLD]Where stories live. Discover now