Confession 3: Concern

34 1 0
                                    

Confession 3: Concern

"Naks pare! Ang sweet mo naman kay Xien." Agad na banat sa akin ni Paulo pagkabalik na pagkabalik ko sa upuan ko.

"Tigilan mo ako sa pang-aasar mo." Inis na sabi ko bago ako umayos sa pag-upo.

"Eh bakit? Totoo naman ah. Akala ko talaga kanina para sa'yo yung binili mong dalawang sandwich. Biruin mong para pala sa babae mo iyon." Sabay pa siya tumawa.

"Sige lang, pagtripan mo lang ako."

"Baka naman may gusto ka talaga kay Xien. Siguro palusot mo lang na nagkamali ka ng pag-confess sa kanya no? Siguro para sa kanya na talaga iyong mga sinabi mo?"

Tiningnan ko siya ng masama. "Gago! Sinabi nang pagkakamali lang yung nagawa ko kaninang umaga eh."

"So pagkakamali lang din ba ang ginawa mo ngayon-ngayon lang?"

Natahimik ako. Para akong natauhan sa tanong niya. Ano nga bang dapat kong isagot sa tanong niya? Kumunot ang noo ko sa naiisip ko. "Concern lang ako sa tao." Matipid kong sagot. Pero iyon talaga ang dahilan ko.

"Concern? Naks! Gaano na ba kayo ka-close para maging concern ka sa kanya?"

Hinarap ko siya. "You don't need to get close to a person to make yourself concern to them. May konsensya at awa kasi ako. Hindi katulad mo." Naiinis na ako sa mga tanong at usisa niya.

"Easy, pare! Nagtatanong lang ako." Pero tatawa-tawa pa rin siya.

"Tigilan mo yang tawa mo, baka SANA ma-empacho ka."

Tinawanan niya lang ulit ako. Mabuti na lang at hindi na ulit siya nagsalita pa. Baka maupakan ko na siya ng wala sa oras. Lakas mang-asar eh. Nakakagago lang!

Saktong dumating na rin ang filipino teacher namin which is a good thing dahil matatahimik na talaga ng tuluyan ang pang-aalaska sa akin ni Paulo.

Pero magsisimula pa lang ng klase si Ma'am nang biglang kumunot ang noo niya at nagsalita. "Ms. Lazaro, tapos na ang oras para kumain. Katatapos lang ng lunch, kumakain ka pa rin?"

Lahat ng atensyon ng klase, natuon kay Xien. Kahit ako napalingon sa gawi niya. Halos hindi pa nangangalahati ang isang sandwich na hawak niya. Yung isa naman, nakalapag pa sa desk niya.

"Sorry po." She apologized habang binabalik sa plastic ang kinakain niya kanina lang.

"Mabuti pa sigurong ubusin mo muna yang kinakain mo sa labas. Bumalik ka na lang sa klase ko pag natapos mo na yang pagkain mo." Naranig pa naming sabi ni Ma'am sa kanya.

Pero umiling siya. "Hindi na po Ma'am. After class ko na lang po kakainin."

Hindi ko alam pero bigla na lang akong napatayo sa sinabi niya. "Anong problema, Mr. Alvarez?"

Ngayon, nasa akin na ang atensyon ng buong klase. Nakita ko pang tinaasan ako ng kilay ni Paulo. Hindi ko masyadong makita ang reaction ni Xien, natatabunan kasi ng bangs niya ang mga mata niya. As usual.

"Mr. Alvarez?" Hinihintay na ni Ma'am ang isasagot ko. Ganoon din ang mga kaklase ko.

"Hayaan na lang po natin si Xien kumain sa klase. Hindi pa po siya nakakapag-lunch. Masama po magpalipas ng gutom, di ba po Ma'am?" Kating-kati na ang dila ko kaya nasabi ko na ang kanina pang gustong lumabas sa bibig ko. Hindi ko rin alam kung bakit ginagawa ko ito.

Alam kong nagulat ang karamihan o marahil lahat ng kaklase ko sa sinabi ko. Maging si Paulo, mukhang hindi rin inaasahan ang ginawa ko. Kahit naman ako eh. Pero ewan ko ba. Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko. Habang pinipigilan ko, lalo lang akong hindi mapapakali. Mabuti na rin at ginawa ko ito. Hindi ko ito ginagawa dahil gusto ko ang babaeng iyon. I'm just concerned to her as one of my classmates. That's all.

Wrong Confession [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon