Confession 1: The Confession

90 2 1
                                    

Confession 1: The Confession

November 3, 2013.

Classes are resumed today. Katatapos lang November 1 at ngayon, kailangan na ulit bumalik ng mga estudyante sa school.

Marami sigurong tinatamad pang pumasok sa ngayon pero kabaliktaran naman ang nararamdaman ko. I'm excited yet nervous. Nakakatawa nga dahil kung iisipin niyo, ito ang kadalasang nararamdaman ng mga estudyante kapag first day of school. Hindi naman first day ngayon dahil halos kalahati na ng school year. Pero eto ako ngayon, parang ewan.

Today is the first day of classes after the sem break. But today is also the day I'm planning to make a confession to her, Jaira Ramirez. Kaya naghahalo ang pagka-excite at kaba sa akin.

This is the first time that I'm going to do this and I hope it will be the last too. Kabado ako, iyon ang totoo. Hindi naman madali sa akin na sabihin ang nararamdaman ko sa taong napaka-espesyal sa puso ko.

Halos tatlong taon ko na rin itong tinatago sa kanya. At sa tingin ko, halos tatlong taon na rin akong nagsisinungaling sa kanya. Hindi ba't pagsisinungaling ang hindi pagsasabi ng katotohanan? At ang katotohanang gusto ko si Jaira ay hindi ko masabi dahil sa wala akong lakas ng loob. Mahina ako.

Pero ngayon, I'm strong enough to confess. Hindi naman talaga dapat katakutan na malaman ang katotohanan. Takot man akong malaman ang isasagot niya, dapat akong maging malakas, matatag, at handa sa kung anuman ang ibigay na sagot sa akin ni Jaira.

Naging duwag ako sa loob ng halos tatlong taon kaya nangangako akong sa araw na ito mawawala lahat ng pagkaduwag ko. Naturingan akong lalaki tapos napakaduwag ko pagdating sa babae.

Pero gaya nga ng sinabi ko, hindi na ko duwag at hindi na magiging duwag pa. Special ang araw na ito kaya naman maaga akong pumasok. Alam ko kasing maaga rin pumapasok si Jaira at kadalasang nasa rooftop yun ng school kapag hindi pa nag-iistart ang klase.

So here I am, I'm now heading to the rooftop. Kaunti pa lang ang mga estudyante dito sa school dahil na rin sa maaga pa. Mas pabor sa akin dahil mas tahimik, mas okay. Isipin ko pa lang na maraming tao kahit na wala sila sa paligid ko, parang pinanghihinaan na ko ng loob. Baka maduwag na naman ako. Wag naman sana...

Third floor. Dalawang floor na lang at malapit na ko sa kanya. Para akong unti-unting nauubusan ng lakas sa tuwing gagawa ako ng hakbang pataas. Unti-unting humihina ang mga ingay na naririnig ko sa paligid habang lumalakas naman ang kabog sa dibdib ko.

Fourth floor. Isa na lang. Bumabagal na ang mga hakbang ko at ramdam ko na rin ang bahagyang panginginig ng kamay ko. Para akong umaakyat sa bundok na pagkataas-taas na habang papalapit ay bumabagal ang paglakad at kapos ang hininga.

Fifth floor, rooftop. At last! Hindi ko pa matanaw. Muli akong humakbang ng ilang beses hanggang sa mahagip ng mga mata ko ang isang babaeng nakatalikod. Her arms are resting in the railings. Medyo nakaangat din ng bahagya ang mga paa niya mula sa tinatapakan niya. Halata rin na nakatanaw siya sa baba dahil medyo nakayuko siya. I'm sure, that girl is Jaira.

Muli akong gumawa ng hakbang at sinigurado kong magpo-produce ng ingay iyon. Mukhang nagawa ko naman dahil napansin ko ang pagkabigla niya nang umayos siya ng tayo at lumapat ang paa niya sa flooring. Haharap na sana siya sa akin pero mabilis ko siyang napilgilan.

"Wag... W-wag kang haharap." Medyo nauutal na sabi ko. Hanggang ngayon kabado pa rin ako at nadagdagan pa iyon dahil nandito na ko ngayon, nagbabalak na sabihin na sa kanya ang nararamdaman ko.

Pero bakit parang walang gustong lumabas na salita sa bibig ko? Nagsimula na kong pagpawisan. Malamig naman ngayong umaga pero bakit parang biglang uminit?

Wrong Confession [ON HOLD]Where stories live. Discover now