"Nagdala kaba ng madaming damit?" walang reaksyon na tanong niya. Napatingin ako sa kaniya.

Damit?

"Uhm...kakaunti lang po ang nadala ko boss. Hindi naman po siguro tayo magtatagal, diba?" sigurado akong bukas na bukas din ay uuwi na kami.

Madalas kasi na nauwi agad si Boss pagkatapos ng business meeting niya. Kaya kakaunti lang ang dala kong damit. Dalawang pirasong damit na formal at dalawang panty at bra.

"One week tayo sa Cebu. Siguro naman sapat na ang konting damit na dinala mo" nakapikit na sabi niya.

Hinihilot niya ang sintido n'ya. Masakit ba ang ulo niya? Gusto niya ba ng gamot? Mayroon ako dito. Napatulala pa ako ng ilang segundo sa kaniya.

"Huh?"

Ay langya ang gwapo niya lalo tuwing pumipikit siya. Oh my yummy!

"One week" maikling sagot niya.

"Sus, one week lang pala tayo doon, boss. Mabuti na lang mabil--" napatigil ako sa pagsasalita nang ma-realize ko ang sinabi niya.

O-one week? Tama ba ang rinig ko?

"P-p-po? One week, s-seryoso po kayo?" nauutal na tanong ko.

Nagmulat siya ng mga mata pagkatapos ay tumingin siya nang seryoso sa akin.

"Mukha ba akong nagbibiro" napalunok ako sa sinabi niya.

"Hindi?" napalunok ako nang hindi oras. Lagot tig-dadalawa lang na damit ang dala ko.

Sobrang bitin ang dala kong damit para sa isang linggo. Anong gagawin ko? Wala akong dalang pambili ng damit saktong pangbili ng pagkain lang ang dala ko. Ang saklap.

"Boss, bakit hindi niyo agad sinabi sa akin na isang linggo pala tayo sa Cebu. Waaahhh! Paano 'yun, Boss? Sobrang unti lang ng dala ko. Hindi aabot ng pang isang linggo. Bakit hindi mo sinabi? Bakit?" ma-dramang kong sabi.

Sinamaan niya lang ako nang tinggin at sabay inirapan.

"Seriously, Stop making that face. Mukha kang tanga at bakit nagtanong ka ba? It's not my fault it’s yours, okay?" napalabi ako sa sinabi niya.

Ang sama talaga ng ugali niya. Kasalanan ko bang nawala sa isip ko na tanungin siya. Kasalanan ko bang naging excited ako sa pagpunta sa Cebu.

Hello! First time ko lang kasing mag-travel. Pati pagsakay sa eroplano ay first time din. Masisisi niya ba ako?

Pwede pa siguro kaming bumalik sa bahay ko? Ay, tama tatanungin ko siya.

"Boss, pwede ba tayong bumalik sa bahay ko? Kukuha lang ako ng damit. Pwede po ba?" nagpapa-cute na tanong ko.

"Are you out of your mind, Miss Buencamino? We can't. Hindi na tayo pwedeng bumalik dahil mag-iisang oras na tayong nasa byahe at malapit na rin tayo sa airport. Kung babalik pa tayo, we're going to be late in our flight. Got that?" naiinis na sagot niya.

"P-pero-"

"No more buts, Miss Buencamino. It's just a clothes, kung wala kang sapat na pera para bumili ay pahihiramin kita. Okay? Huwag mong problemahin ang isang bagay na madaling solusyunan."
Napanguso ako.

Edi wow.

"Ang bait mo talaga, Boss" hulog ka ng langit. Insert sarcastic tone here.

Binalik ko na lang ang tingin ko sa labas ng bintana. Nakakasilaw kasi ang kagwapuhang taglay ni Boss.

Baka mamaya hindi ako nakapagpigil at may magawa akong hindi maganda tulad na lamang ng pagtataklob ko sa kaniya ng panyo para hindi ko makita ang mukha niyang nakakasilaw sa kagwapuhan.

Napaismid ako sa naisip. Ma-i-try kaya minsan dahil paniguradong masaya 'yun. Napahagikhik ako kaya napatingin si boss sungit sa akin.

"May nakakatawa ba?" kunot noong tanong niya.

Hindi ko na nasagot ang tanong niya dahil napansin ko na agad na malapit na kami sa airport.

Atlast, makakababa na rin ako. Paniguradong hindi na mananakit ang pwet ko. Konting tiis na lang at makakatayo na rin ako.

Napanganga ako nang may nakita akong pataas na eroplano sa langit. Ang laki niya.

"Wow" nagningning ang mga mata ko ngayon dahil sa sobrang tuwa.

"Tss! Parang bata" binelatan ko siya.

Kasalanan ko bang matuwa dahil nakita ng eroplano sa malapitan. Puros maliliit na eroplano kasi ang nakikita ko at ang masaklap pa ay nasa langit ito.

Hindi ko napansin na tumigil na pala ang sinasakyan namin. Naunang bumaba si Boss sa akin kaya dali-dali ko s'yang sinundan.

Halos matapilok pa nga ako sa paghabol sa kaniya. Ang bilis niyang lumakad. Palibhasa ang laki ng mga bias niya hindi tulad sakin na maikli lang. Hustisya!

Hindi ko na pansin na nasa mismong paliparan na pala kami. Nanlaki ang mata ko nang makita ko kung saan tumungo si Boss. Sa isang malaking eroplano.

TEKA, HINDI BA ILLEGAL ANG GINAGAWA NIYA? DIBA KAILANGAN PA NAMING PUMILA SA LOOB AT IPAKITA ANG PASSPORT NAMIN?

Tatawagin ko na sana s'ya para pababain doon pero hindi ko nagawa agad dahil may napansin ako.

Halos manlaki ang mata ko nang makita ko ang nakasulat sa eroplano.


T. SANDOVAL AIRLINES


Putahamnida! Kaniya ito? Huwag niyang sabihin na airport niya din ito. Slow motion akong tumingin sa likuran ko para makita ang naka-paskil na logo sa taas.


T. SANDOVAL AIRPORT


Napanganga ako. Ang laki ng ano ni Boss. Ang laki ng eroplano niya grabe! Sobrang yaman niya talaga.

BAKIT HINDI KO ALAM NA MERON DIN PALA SIYANG AIRPORT? AKALA KO BA RESTAURANT AT HOTEL LANG ANG BUSINESS NIYA? Iyon pala ay may airport din siya. Grabe lang. Nakakagulat. Anong klaseng sekretarya ako. Wala akong masyadong alam kay Boss. Waaaahhh! Nakakapanlumo naman.
Napabalik lang ako sa realidad nang biglang sumigaw si Boss.

"Miss Buencamino, Are you coming with me or not?" naiinis na sigaw niya.

"UHM, I'M COMING BOSS" namula naman siya sa isinigaw ko.

Bakit siya nag-blush? Ang cute niya.


CussMeNot

The Billionaire's SecretaryOù les histoires vivent. Découvrez maintenant