Chapter 25: Separated

78 16 8
                                    


25.

Separated

Jenchi's POV

***

"Guys? I don't think this was a good idea! You guys don't have a proof! Baka mali ang akusa niyo sa kanilang dalawa!" Bulalas ko kanila Alley.

Tinalian kasi nila ng lubid ang mga kamay at paa nila Ara at Pamela.

"Hindi lang ako ang nakakita kuya! May hawak silang nga patalim at hila-hila pa nila ang bangkay ni Detective Chanter!" Depensa naman ni Alley sa sarili.

"That doesn't mean they are the killer! Kayo na nga ang nagsabi na hinabol kayo ng salarin kanina diba?" Giit ko dahil hindi talaga ako sang-ayon sa ginagawa nila.

"What if kasabwat sila ng killer?" Sabi naman nang umiiyak na si Eralane.

"No. Hindi namin magagawang pumatay! We just want to solve the mystery here kaya kinakalap namin ang mga pwedeng susi para malaman kung sino ang mga gumagawa nito!" Tinignan ko si Ara. Walang tigil sa pagpatak ang mga luha niya. Alam ko, nararamdaman kong nagsasabi siya ng totoo.

"Okay then let's split. Sumama ang gustong sumama sa'kin. Isasama ko sila Ara at Pamela. Magkakaklase kayo pero bakit niyo 'to ginagawa sa kanila?" Sabi ko nalang sa mga kasama ko dito sa room four.

Sila Rheisel, Jimwell, Ara, Pamela, Alley, Eralane, Ramond ang mga kasama ko dito.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nilapitan sila Ara para kalagan ang pagkakatali sa kanila.

"No! We need to stay as a group! Hindi tayo pwedeng maghiwa-hiwalay!" Bulalas ni Ramond na may benda ang magkabilang braso dahil sa tinamong sugat galing sa salarin.

Jelich classmates are bunch of worse type of students. Lumalabas ang mga nakatagong sungay ng ilan sa kanila.

"Okay fine. Sorry if I treated them as my suspects. Nakakaloko kasi ang mga ginawa nila." Giit ni Alley at tinulungan ako sa pagkakalas ng mga tali nila sa kamay at paa.

"Bababa tayo sa ground floor sa ayaw at sa gusto niyo. Kailangan ng bawat isa sa atin na kumain. Kailangan natin ng lakas para makasurvive." Sambit ko habang patuloy na tinatanggal anv tali sa mga kamay ng dalawa.

Nang matapos ko 'tong gawin ay sinabihan ko silang kumuha ng nga bagay na magagamit nila if ever na makasalubong namin ang salarin sa labas.

Isa-isa kaming lumabas. Pinauna ko si Ramond na siyang pinakamatapang sa mga kasama ko. Nagpahuli talaga ako sa kanila para naman masubaybayan ko silang lahat at malaman na kompleto ang mga kasama ko.

Mabilis lang naman kaming nakapunta sa pinakababang palapag. Nagulat ako sa bumungad sa'min.

May mga kadena at mga susing nakakalat sa sahig malapit sa isang kahoy na kahon.

Nahinto ako sa paglalakad nang makita ang dalawang estudyanteng nakahandusay sa sahig.

Kapwa sila walanv buhay at naliligo sa sariling dugo.

Damn! Psychotic killer! Anong motibo niya para pumatay! Nakakainis!

Nagdiretso kami sa kusina.

Nahinto ako sa paglalakad ng biglang kumalampag ang isang pinto.

Papunta ata 'yon sa basement.

Hinayaan ko na silang mauna at agad kong pinuntahan ang pintuang may nakaharang na malaking tabla at tinadtad ng pako. Gusto ko mang buksan, hindi ko magawa dahil wala man lang akong martilyo o ano para mabuksan ang pintuan.

Ensorcelled Eyes (Unedited)Where stories live. Discover now