Chapter 12: The Killer Clowny

72 24 17
                                    

12.

The Killer Clowny

Sir Loi's POV

***

Medyo malayo ang nilakad namin para mapuntahan ang malinis na ilog kaya gano'n nalang ang tuwa namin nang makarating kami ro'n.

"Sir! Pwede naman maligo dito diba?" Tanong ni Ramond.

Tumango naman ako.

"Kahit nakabold pwede parin?" Nakangising niya pang tanong kaya naman napapoker face nalang ako. Haist! Gago talaga!

Tinanguan ko siya saka ako tumalikod upang harapin si Naishel my bebe. No time for his bullshit jokes. Kay bebe ko nalang ilalaan ang atensiyon ko.

"Gawa tayo ng mga pamingwit!" Suhest'yon ko sa kanya and I found a sweet smile forming on her lips. God! Thank you for giving me this girl! Thank you that I found her. Thank you for making the two of us a sweet love story. Thank you for everything. Thank you! Thank you!

Wala narin akong nagawa pa kundi ang ngumiti nang hawakan niya ang dalawa kong kamay. I best known for being the smiley guy in campus no'ng mga panahong nag-aaral pa ko kaya naman 'yon. Nakasanayan ko nang ngumiti all the time plus may dumagdag pa sa inspirasiyon ko. This smiling girl in front of me. Ang ganda niya talaga kahit saang anggulo.

"Sige! Sige! Tara gawa na tayo ng pamingwit! Yieh! Excited na ko!" Tuwang-tuwa niyang saad at halos hilahin na ko sa kung saan man but then, nahinto siya sa pagtangkang paghila nang makarinig nanaman kami ng sigaw.

Halos lahat siguro kami rito ay napalingon sa sumigaw.

For the second time around, Rheisel. Ano nanamang problema?

Papalapit na sana ako sa kanila nang makarinig nanaman ako nang sigaw. It's from Eralane's voice. Huh? Bakit sila sumigaw?

Hindi na ko nag-atubili pa at nagtungo na ko sa lugar nila.

Habang nag-lalakad ako, patuloy na nasusundan ang sigaw na inumpisahan ni Rheisel. Nag-umpisa naring magkumpulan ang ibang estudiyante kung saan sumigaw ang dalaga.

Nakisiksik pa ko sa mga estudyante para makita ang pinagkakaguluhan nila and one word came out of my mouth nang makita ko kung ano ba 'to.

"SHT!" Hindi ako makapaniwala sa nakikita.

Nakalutang sa ilog. Hati sa dalawa ang katawan. Kitang-kita ang nagsisilutangang lamang loob habang patuloy na napula ang tubig dahil sa dugo nito. Kung hindi ako nagkakamali. Mukhang kakatapon pa lang nito sa ilog.

Marahil isa sa'min dito ang gumawa sa kanya niyan.

Kawawa naman si manong guard na naghatid sa amin. Tsk tsk. Karumaldumal!

"GUYS! EVERYONE! MAGPUNTA KAYO KAY MA'AM NAISHEL! BABALIK NA TAYO SA MANSION! KILOS NA!!" Hiyaw ko habang pinipigilan ang sarili na maiyak.

After I saw that bloody scene, it just reminds me of my brother. My dead brother and the murder he had.

***

Killer Clowny POV

Dahil sa nangyaring insidente ay agad na pinabalik ni sir Loi ang lahat sa mansion.

Ensorcelled Eyes (Unedited)Where stories live. Discover now