Chapter 23: Let's play a game

60 17 27
                                    


23.

Let's play a game

Third Person's POV

***

Dahan-dahang iminulat ng hilong-hilong si Nestor ang kanyang mga mata.

Agad na nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto kung ano ang kanilang kalagayan.

Sila Noel, Clark, Andrei, Marvin, Kim at pati narin siya ay may nakapalupot na makapal na bakal sa kanilang leeg na nakakonekta sa isa't-isa. Para ba silang mga asong may collar.

Si Clark ay nakakonekta ang kadena kay Kim. Si Nestor naman kay Marvin samantalang si Andrei at Noel ang konektado ang kadena sa isa't-isa.

Oras na may gumalaw sa magkakapareha ay tuluyang mahihila ang isa papalayo hanggang sa mahila siya nito papataas sa pader ng pangalawang palapag. Nakaikot kasi ang makapal na kadena sa metal railings sa ikalawang palapag.

Ibig sabihin, sa kanilang anim ay tatlo nalang ang maaaring mabuhay dahil ang natitira pang tatlo ay tuluyang masasakal dahil sa pagkabigti ng collar sa kanilang leeg.

Silang anim, sila ang mga estudyante sa kusina na nakainom ng mga tubig na may pampatulog.

"Guys! Gising! Gumising na kayo!" Pambubulabog ni Nestor sa mga natutulog na kasamahan.

"Thanks Nestor!" Biglang nahinto ang binatang si Nestor nang makarinig siya ng napakalalim na boses mula sa ikalawang palapag.

Mula do'n ay nakamasid sa kanila ang salaring nakasuot ng maskara na parang tunay na mukha ng tao, Killer Creeper.

"Hintayin nalang natin ang iba na magising para maumpisahan na natin ang laro. Okay ba?" Nakangising sambit ng salarin saka siya naglike sign kay Nestor na ngayon ay hindi na halos makapagsalita sa takot.

Sunod-sunod na nagising ang iba.

Humalakhak ang salarin dahilan para mapalingon sa kanya ang mga binata kahit na hilong-hilo pa ang iba sa kanila.

Some of them cursed the killer. Other's shocked and nervous.

"Okay! Here's the mechanics." Masiglang giit ng salarin pagkatapos ay itinuro niya ang isang malaking kahon ilang metro ang layo sa kanila.

"There's thousands of keys there. I'm giving you 5 minutes to search your key of your collar and be free. The weaks always be the losers." Gusto makisali ni Nestor sa pag-angal ng iba pero kinalma niya na lamang ang sarili at nakinig sa mga sinasabi ng salarin.

"Lahat ng maabutan kong humihinga ay tatanggalan ko ng ulo. Okay, timer's starts now!"

Tatlo ang umatras tatlo rin ang umusad.

Lahat sila ay pinaglalaban ang kanilang buhay.

Sa puntong 'to ay tila ba hindi nila kilala ang bawat isa. Para bang wala na silang mga pinagsamahan. Ang tanging nasa isip nila ay mabuhay.

Si Andrei, Clark at Marvin ang nauuna. Si Noel, Kim at Nestor ang nahila pabalik.

Lahat sila ay walang tigil sa pag-ubo. Kulang nalang ay umubo na sila ng dugo sa bigat ng kanilang mga hinihila.

Ensorcelled Eyes (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon