Chapter 5: Killer's order

167 35 40
                                    

5.

Killer's Order

Killer's POV

***

Pasipol-sipol akong naglakad patungo sa bahay ng baliw na si Marina.

Buti nalang talaga at malalim na ang gabi. Wala nang nagkalat na tao sa daraanan at kung meron ay, may buena mano na sana ang kutsilyo ko!

Nang makarating ako sa harap ng bahay nila na akala mo e multo na ang nakatira.

Pumulot ako ng bato saka ko binato ang bintana ng bahay niya dahilan para mabasag ito.

Ang galing! Ang sarap-sarap talagang manira ng mga bagay-bagay. Sa mga susunod na araw, mukha naman nila ang sisirain ko gamit ang aking matalim na kutsilyo. Sisiguraduhin kong mahahati sa dalawa ang kanilang mga mukha at babaon 'to sa mga mata nila.

Nakita kong bumukas ang ilaw kaya agad akong nagtungo sa harap ng pinto.

Kahit nakamaskara ako ay hindi ko maiwasang mapangiti. Ang saya-saya kasi ng mga mangyayari. Yipee!

"Sino 'yan---" walang buhay niyang pagkakasabi and as expected, nahinto siya dahil ako ang bumungad sa kanya.

I'm wearing a weird human skin face mask na may tahi-tahi pa ang bibig nito. Saktuhan ang mga butas sa mata para sa dalawang mata ko. Then isang puti at mahabang damit na siyang nagsisilbing panakip sa buo kong katawan. Siguro, kung hindi ako nakamaskara ngayon ay, baka napagkamalan niya pa akong white lady nang dahil sa mga suot ko.

 Siguro, kung hindi ako nakamaskara ngayon ay, baka napagkamalan niya pa akong white lady nang dahil sa mga suot ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Here's the mask that the killer's wearing)

"What's with that look?" Tanong ko as I played the knife on my hand.

"S-sino ka?!" Nauutal niyang tanong kaya bigla na lamang akong napatawa.

Hindi niya kasi makilala ang boses ko dahil sa ginawa kong voice changer. Galing 'no?  Ako  'to eh! Wahaha.

"Ako? Sino nga ba ako?!" Napansin kong humahakbang siya patalikod sa akin.

Her reaction was so priceless! Ang saya-saya niyang pagmasdan habang takot na takot na nakatitig sa akin.

"Kilala mo ako e. Kilala rin kita. Uy! Kilala ko kaya kayong lahat!" Sabi ko. Buti nalang pinatapos niya muna ako sa pagsasalita bago niya marahas na isinara ang pinto. Sorry! Napigilan ko kasi siya. Tsk tsk tsk. Ayan! Hindi tuloy nasara.

Nagtatatakbo na siya paakyat ng kwarto niya kaya dali-dali ko siyang hinabol.

"Kahit kailan talaga napakatanga-tanga mo!" Usal ko nang mahakblot ko ang makapal at itim na itim niyang buhok.

Ensorcelled Eyes (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon