Chapter 37 - Conflicts of Interest 1.

Start from the beginning
                                    

"I'm sorry, but i thought si Lyndsay ang girlfriend mo?" After a while, the doctor asked.

Hindi alam ni Roxanne pero natawa sya.

Parang nalilito na tiningnan sya ni Nikko, tapos kinausap yung doctor. "What? Of course not. Never na naging kami nun." He answered automatically at hinapit sya sa bewang

"Ah! Okay, i'm sorry." The doctor smiled at her.

"It's okay." Sabi naman ni Roxanne.

"Who told you that? It's insane." Sabi pa ni Nikko.

"Aries. Naikwento nya sakin nung last time na nag party daw kayo sa condo nya. You were talking about a girlfriend. Eh before that, sinabi ni Lyndsay kay Aries na dating status daw kayo. So when you got drunk, he called Lyndsay using your phone." The doctor stated, then shrugged his shoulders.

Napayuko si Nikko na parang may iniisip.

"Damn."

"What's wrong?" Tanong ni Roxanne.

"That's it." Parang may naalala si Nikko. "Thank you, Dan." Nikko smiled at the Doctor.

They left the clinic with Nikko being cheerful.

"What happened?" Tanong ni Roxanne ng makalabas na sila.

"Remember nung makita mo kami ni Lyndsay on my bed? Oh, scratch that, don't remember. I mean, that night, uminom kami sa condo ng pinsan ni Dan na si Aries. It's a bachelor party for us friends. Aries thought na si Lyndsay yung girlfriend ko so he called her para sunduin ako."

She remembered. It's the freaking reason why they broke up.

"Oh. So pinagkakalat ni Lyndsay na kayo?"

"I guess.." Kibit balikat na sabi ni Nikko. "That bitch."

"Enough. Hayaan mo na. Hindi naman nila alam. Pero.. may nangyari ba sa inyo?" She needed to ask.

Bigla ay parang nalito si Nikko. "I-i don't know. Black out ako. Oh God."

She bit her lip. "Sana wala."

"Of course. Bakit ko naman papatulan yun."

"You were drunk. I would understand.." She said honestly. It's all behind them now anyway.

He kissed her then hinatid na sya nito sa office.

After maihatid si Roxanne, dumiretso si Nikko sa condo nito.

He never felt contented before.

Even after all of the fame, being rich and all, alam nya sa sarili nya na may kulang noon pa man. But then, Roxanne came. Sino ba mag-aakala na magkakagustuhan sila?

Sya, na walang interes sa pakikipag relasyon, at si Roxanne na noon pa man ay hindi apekatdo ng charms nya. But it all went well. Hindi sya nagsisisi kahit na medyo madami na silang hindi pagkakaunawaan ay nagawa nilang makayanan.

He's determined na pakasalan na ang babae.

Nabuo na sa isip nya na ihanda na ang sarili sa pagpasok sa company nila. Sigurado na matutuwa ang Daddy nya, lalo na si Roxanne. Bagamat may modeling stints sya, he still considered his self a bum specially na may naghihintay sa kanyang kumpanya na dapat nyang pamahalaan.

He smiled as he sat on the couch, got the remote and started to look for a channel to watch.

But then, his phone rang.

An unknown number registered.

Kibit balikat na sinagot nya iyon.

"Who is this?" Agad na tanong nya na nakatutok pa rin sa tv ang atensyon.

Faking It (Published)Where stories live. Discover now