"I'm sorry." Iyon nalang ang naisagot niya sa akin.
He's sorry. Of course, he is. Ganoon naman palagi. He's sorry, but once he's fucking horny, he'll do it all over again. He'll cheat on me once again.
Mabilis kong kinuha ang bag ko at halos tumakbo ako palabas ng condo niya sa kakamadali ko. Ni-hindi ko siya magawang lingunin, kaya hindi ko alam kung binalak ba niya akong sundan.
Paglabas ko sa lobby ng condo niya ay saktong dating ng isang taxi na magbababa din sa condo na iyon. I immediately hopped in nang makababa ang babaeng laman nito. "Sa Pasig po, manong." Sabi ko sa driver.
Saktong andar ng sasakyan ng makita ko si Troy na nagmamadaling lumabas ng lobby ng condo niya, siguro ay para habulin ako, hindi ko alam.
Habang nasa daan ay panay ang ring ng cellphone ko. It was Troy. Paulit-ulit kong pinapatay ang tawag pero paulit-ulit din siyang tumatawag.
"Stop calling me." Sagot ko sa tawag niya. Kilala ko siya, hindi iyon titigil hangga't di ako sumasagot sa tawag niya.
Panay tunog ng busina ang naririnig ko sa kabilang linya. "Let's talk please. I love you, I made another mistake I know, pero mahal kita Mira. So please, magusap muna tayo." Anito.
I shook my head. "Wala na tayong dapat pag-usapan." Sabi ko at agad na pinatay ang tawag. "Manong, sa Quezon City nalang po pala." Sabi ko sa driver.
Tinuro ko sa driver ang daan patungo sa condo ng bestfriend ko na si Trina. Hindi muna ako uuwi sa bahay, sigurado ako na doon pupunta si Troy at ayaw ko pa siyang makausap nor makita.
Panay ang tulo ng luha ko habang naglalakad ako sa lobby ng condo ni Trina kaya naman hindi ko namalayan na may kasalubong na pala ako. Malakas ang naging bungguan namin. "Ouch." I hissed as my butt landed on the floor.
"Sorry, miss." Sabi ng isang pamilyar na boses.
Pinunasan ko ang mga luha ko bago ko angatin ng tingin yung nakabungguan ko. "Adam?" Gulat kong tanong.
"Miracle?" Tanong din niya bago ako alalayan patayo. I felt something nang hawakan niya ang kamay at bewang ko para alalayan ako, something weird. "I'm sorry I was in a hurry, di kita napansin. Did I hurt you that bad?" Sabi niya kaya biglang nawala yung something weird na feeling.
I shook my head. "I'm fine, medyo masakit lang yung hips ko." Sabi ko at pinunasan yung pisngi ko dahil may iilan pa palang basang parte galing sa pag-iyak ko.
"You're fine, but you're crying. That means you're not fine, Miracle." Sumimangot ito ng bahagya bago haplusin ang ibabang parte ng likod ko, sa may bandang bewang. "Saan ba masakit, dito?" Anito.
I shivered with his touch. "No, I'm fine, really. Well atleast physically, I am." Sagot ko sakanya. "Dito ka nakatira?" I asked him, basta ang alam lang kasi namin ji Tine sa QC siya nakatira, we didn't know na sa condo pala siya nagsstay.
He nodded. "My cousin's letting me use his condo unit dahil nasa states naman siya." Sabi niya. "Ikaw, anong ginagawa mo dito? Hindi ba tiga-Pasig ka?"
"Yeah, but dito muna siguro ko magsstay sa bestfriend ko." Sabi ko at nagpaalam na akong aakyat na dahil masakit parin ang bewang ko.
Hinawakan niya ulit ako sa bandang bewang. "Ihahatid na kita sa unit ng bestfriend mo. I'll help you walk, masyado atang malakas impact ng pagkakabangga ko sayo." Sabi ni Adam.
Hindi na ako nakipagtalo dahil tama naman siya, masyadong malakas yung impact ng pagkakabagsak ko sa sahig kaya medyo mahirap pa maglakad dahil sa bewang ko.
Pagdating namin sa floor ni Trina ay agad akong kumatok sa may unit niya pero walang sumasagot kaya naman nagpaalam na ako kay Adam. "Here's her unit. Pwede ka na mauna, diba sabi mo nagmamadali ka din?" Sabi ko sakanya at kumatok ng isang beses pa sa pinto ng bestfriend ko.
"It's fine. Hihintayin na muna kita makapasok bago ako umalis." Aniya.
I shrugged and knocked once again pero wala talagang sumasagot. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ko si Trina. "Open up, bes. Kanina pa ko kumakatok." Sabi ko agad pagsagot niya ng tawag ko.
"Ha? Nasa condo ka? I'm out of town. Di ka naman nagsabi ng maaga, gaga ka." Ani Trina sa kabilang linya.
Napailing ako sa sinabi niya. "Ano ba yan, nasan ka? Wala naman kasi akong plano, bes. Pero yung magaling kong boyfriend." Napalingon ako kay Adam dahil ramdam ko yung titig niya sa akin. Tumalikod ako at hininaan ang boses ko. "Nagloko na naman." I told her.
"Subic. Sinasabi ko na kasi sayo, iwan mo na si Troy, diba? Kaibigan ko siya pero bestfriend kita, pero di ibig sabihin nun na ipupush parin kita sa manloloko na yun." Ramdam ko na naman yung galit sa boses ni Trina.
I sighed. "Pag-usapan natin pagbalik mo ng Manila." Sabi ko sakanya. "Baka maghotel nalang ako tonight, ayoko pa umuwi, for sure nandon yung si Troy." Dagdag ko pa.
Nagpaalam narin si Trina after non, at sinabing mag-ingat ako. Hinarap ko si Adam matapos kong ibaba ang tawag. "Wala pala yung bestfriend ko." Sabi ko kahit na sigurado naman akong narinig niya yung usapan namin.
Tumango siya. Tinuro niya ang isang unit, unit 525. "That's my unit, right there. You can stay in for the night. Gabi narin, eh. And it's a Friday." Sabi ni Adam.
Napalunok ako sa offer niya. It's tempting. Kasi nga naman, hindi na ako aalis para maghanap ng hotel na tutuluyan. Tapos tama siya, gabi na, at Friday pa, punuan narin siguro ang hotels by now. "Hindi na, nakakahiya. May mahahanap naman siguro akong hotel." Pagtanggi ko sa offer niya dahil nakakahiya naman talaga din kung makikitulog ako sa condo niya.
Tumawa siya at bahagyang umiling. "C'mon, Miracle. Wala naman akong gagawing masama, not unless gusto mong may gawin akong masama." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya kaya mas lalo siyang natawa.
Sinimangutan ko lang siya sa pagtawa niya. Damn, Adam! "I'm kidding. Ano ba, loosen up. But seriously, pwede ka magstay sa condo ko. I'll let you borrow my bed. Sa couch nalang ako. Plus, may beer ako, in case you need a drink."
Humugot ako ng malalim na hininga bago tumango. "Fine, beer plus pahiram ako ng kama mo for tonight."
He smirked. "Share tayo sa kama?" Anito.
Hinampas ko siya sa braso. "Share ka jan, may boyfriend ako!" Sabi ko sakanya.
"Yeah, right. A cheater one."
YOU ARE READING
All Strings Attached (PUBLISHED UNDER PHR)
FanfictionWhen men cheat, they cheat for sex. But when a woman cheats, it's something more. Because unlike men, women cheat for love, and affection. (Published under PHR. Available in Precious Pages Stores and National Bookstore.)
Chapter 4 - Condo Unit
Start from the beginning
