Chapter Thirty Nine - ABDUCTED Part II

Start from the beginning
                                    

Dahil nga wala naman akong maisip na ibang magagawa, sinundan ko nalang yung mga ilaw kung saan man nila ako dadalhin.

Hindi ko tuloy mapigilang matawa. Kanina kasi napalaban-laban pa ako, tapos pinatulog pa ako. Yun pala, may ganitong mangyayari lang? Pakiramdam ko talaga baliw yung nagpadukot saakin e, yung parang mga nasisisiraan na villain sa mga movies ganon.

Ilang minuto narin siguro akong naglalakad nang may maaninag ako na parang archway. Nung una hindi ko siya masyadong makita, naaaninag ko lang siya. Di pa ganun kasapat yung mga ilaw sa paanan ko para makita yung arko. Pero naikkikita ko na yung silhouette niya, inunahan ko na yung mga ilaw na nag-g-guide saakin sa paglalakad, agad na akong tumakbo papasok doon.

Wrong move.

Pagdating ko kasi sa archway, di ko napansin yung tali sa paanan nito kaya natisod ako. Natisod pero hindi ako nadapa, nagawa ko pa kasing mapaupo  imbis na masubsob sa sahig. Mapapamura na sana ako ako dahil sa sakit ng impact, pero napigilan ako ng pagbagsak ng maraming bagay saakin.

Napapikit ako by reflex,  akala ko kung ano nang bumagsak. Pag mulat ko ng mata ko, nagulat at nagtaka ako sa mga nakita ko.

 Rose petals.

 

 

 

Hindi ko alam kung anong uunahin ko sa mga nararamdaman ko. Yung pagtataka, gulat, saya o inis ba? “Jed, nakakainis ka talaga.” Tuluyan ko nang nasabi kasabay ng pag-iyak. Hindi ko alam, isa na ata talaga akong certified iyakin pagdating sa g*gong yun. “Lumabas ka na. Bwiset ka.” Dagdag ko pa.

Siya may pakana neto, alam kong siya. Gumaganti siguro siya sa mga ginawa ko dati sakanya. Kung ano mang binabalak niya, hinaluan talaga niya ng mga paandar. Peste, nagawa pa akong mapabsubsob. Maganda naman e, may parose petals pa siyang nalalaman. Yun nga lang, ang bigat ng pgabgasak nila. Balde-balde ata yung nilagay niya e. “Langya ka, anong alam mo.”

Hindi parin siya lumabas. Mukha na ata akong tanga kakasalita mag-isa kaya may lumapit na saakin. Hindi ko alam kung bakit pero alam kong hindi si Jed yung papalapit. Alam ko din na wala na silang gagawing masama kung sino man sila dahil si jed lang naman ang may pakana ng lahat ng mga nangyayari. Isang gay at isang babae ang lumapit sakin at tinulungan akong tumayo. Nahalata ko na bakla siya nung ini-offer niya sakin yung kamay niya para alalayan ako sa pagtayo.

Naunang naglakad ang babae at dumeretso lang ito. Ganun din naman ang ginawa nung bakla, yun nga lang hawak-hawak niya ko sa kamay, kaya napapasunod nadin ako kung saan man sila pumupunta. Mukha namang alam nila yung dinadaanan nila.

Narating na naming ang sa tingin kong pinupuntahan nilang dalawa. May mga usok kasi at bubble effects. Hindi ko tuloy mapigilang matawa. Ang corny ni Jed, hindi niya bagay.

Tinignan naman ako nung babae, yung tingin na parang nagtataka kung bakit ako natawa. I just shrugged as an answer. Hindi sila nagsasalita, ang graceful din nilang gumalaw. Mukhang may inaayos lang sila, hindi ko na makita dahil sa usok. Mabuti na lang at walang amoy yung smoke. Babanatan ko talaga sa mukha yung lalaking iyon kapag may pinalanghap nanaman sakin mga tauhan niya.

Athena: The Goddess of ViolenceWhere stories live. Discover now