11

45 2 0
                                    

IT HAS already been two weeks since Brennan left. Parang kailan lang, ang saya-saya pa nilang nagtatawanan, nag-aasaran, nagbabarahan. Ngunit napakabilis bumaliktad ng mundo. Now her life was nothing but an empty and a colorless void.

She spends ten hours in the architectural firm she's been working in, five hours watching television and eating, almost four hours mooning and idling about almost everything, and exactly three hours sleeping. Namamayat siya at nagkaroon ng instant wallet sa ilalim ng mga mata. Parang nakalimutan na nga rin niyang makipag-interact sa tao. Walang kinakausap, nasa isang sulok lang, nasa trabaho ang atensiyon. Which is actually so not her. Very far from the Maggie she used to know.

Days then turned to weeks. Weeks turned to months. And in a span of five months, nagmukha na siyang losyang na may sampung anak.

"Girl, anong pausong look ba 'yan?" paninita ni Candy nang minsang sunduin siya nito sa opisina. Manlilibre daw kasi ito sa isang kilalang salon and spa para ma-refresh naman daw siya kaya hayun, pinilit siyang mag-undertime. And her boss was only too happy to let her. Sumasakit na raw kasi ang mata nito sa pagiging overworker niya.

After the session, Maggie's body indeed felt somewhat refreshed. Medyo nakahinga nga siya nang mas maayos. But her state of mind, it was—well—nothing changed. Shattered pa rin ang peg niya.

Habang pauwi, panay naman ang pag-se-cellphone ni Candy kaya nagdesisiyon siyang matulog na lang muna. Ngunit naalimpungatan siya sa malakas na boses ng kaibigan habang may kausap sa telepono. Papasok na sila sa gate ng village.

"Oo nga, okay lang...'wag kang mag-alala, ganoon pa rin siy—kami." Candy paused, then looked at her. Kimi itong ngumiti pagkuwa'y nagmamadali nang nagpaalam sa kausap. "O, s-sige. Mag-iingat ka rin, ah. B-bye. 'Love you."

Natigilan siya sa huling sinabi nito. Kaya nang maibaba nito ang aparato, hindi na niya napigilang magtanong. "May boyfriend ka na?"

Ngumisi ito at pinunasan ang pawis na namuo sa noo. "S-secret."

She took that as a yes. "Buti ka pa." kusang sambit ng bunganga niya na tinawanan nito.

"Maggie, 'wag kang mag-alala. Darating rin ang para sayo. Maybe sooner than you expected, who knows?"

"Ano 'yan, pampalubag-loob?"

"Hindi, ah."

Nakarating na sila sa tapat ng bahay niya. Ngunit nang madaanan niya ang bahay ni Brennan, hindi niya napigilang ma-depress na naman. On a normal person, it would just be a deserted house with all the lights off. Ngunit para sa kanya, it was a house where she could see Brennan almost everywhere. Doing push-ups in the lawn bench, standing in the doorway while grinning mischievously, in the terrace holding a cup of coffee. Even in the window, smiling.

Nakaka-creep out. Mukha na itong multong segu-segundo, oras-oras, araw-araw na dumadalaw sa kanya. And what more, mas lalo siyang namamanhid sa sakit. She doesn't know if it was a good thing. But that's what kept her on going on without breaking down. The numbness.

Bago pumasok ng bahay ay tinanong muna siya ng kaibigan ng araw-araw nitong tinatanong. "Kumusta ka?"

And she replied with her usual answer. "Hindi okay."

"Mahal mo pa?"

"Mas magiging okay sana ako kung hindi. Kaso oo, eh."

Tumango lang ito at nagpaalam na. "Sige. Basta 'wag mo lang maiisipang mag-laslas, matatahimik na 'ko."

Tipid siyang tumango.

"'Bye."

How she hated that word. "'Ingat."

Little Did She Know (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon