7

26 0 0
                                    

PALABAS na si Maggie nang kusina nang mahagip ng mata niya ang toyo at suka sa may cupboard. Kasabay niyon ay ang pagtawag sa kanya ni Brennan mula sa sala.

"Ano 'yon?" She called back.

"Magdala ka ng drinks."

Umiling na lang siya at muling napabaling sa suka't toyo. Tila naman awtomatikong may lumitaw na imaginary bumbilya sa tuktok ng ulo niya at umilaw. Natawa siya sa naisip.

Makalipas ang limang minuto ay lumabas na siya ng kusina bitbit ang tray ng inumin at pagkain. Napataas ang kilay niya nang mapansing pinatay nito ang lahat ng ilaw pero agad ring napasimangot nang madatnan niyang kampanteng-kampante nang itong nakaupo sa couch at nakatutuok na ang atensiyon sa pinapanood.

"Ang daya nito, o!" Reklamo niya at inilapag ang tray sa coffee table bago umupo sa tabi nito.

He leaned forward to get a handful of fries. "Hmmm..." He munched on the food.

"Masarap?" sarkastiko niyang tanong. Ngunit imbes na sumagot, humiga ito at komportableng umunan pa sa hita niya! "Ang bigat mo!" He didn't budge. "Brennan!"

"Sarap." Nang-aasar lang itong ngumuya.

She rolled her eyes and pinched his shoulder kahit parang wala namang epekto rito ang kurot niya. "Tuwa ka na niyan?"

"Yeah. You want?" Iniumang nito sa bibig niya ang isang fries. Umiling naman siya at kumuha ng para sa sarili.

"Hala. Nagpaka-choosy pa si ateng." Wika nito sa pinabaklang tinig.

Nagsalubong ang kilay niya. "Yung totoo? Beks ka, 'no?"

Tumaas naman ang kilay nito at nakisakay sa sinabi niya. "Ay naku, manay! Babae, oki? Not jokla, not beks, not juding. Gurl po."

Natawa na siya. "Homaygad, Brennan. Confirmed ka na?"

Nawala naman ang kabaklaan sa aura nito at bumalikwas ng bangon, seryoso na. "Sa guwapo kong 'to? Baka umiyak ka kung sakaling bakla nga ako."

Umakto siyang nasusuka at pabiro itong tinampal sa braso. "As if. Hindi ako pumapatol sa gay, 'no."

Nginisihan siya nito at biglang yumuko upang ilapit ang mukha sa kanya. "Eh, kung halikan kaya kita ngayon?"

Natulala naman siya bigla sa telebisyon. Ang lakas ng tambol ng puso niya sa sobrang pagkakalapit ng mukha nila at ramdam niya maski ang paghampas ng hininga nito sa kaliwang pisngi niya. Parang bigla siyang nakalunok ng isang buong pakwan at hindi nakapagsalita. Konting baba na lang talaga...lips na!

"Are you blushing?"

"Ha?!" Marahas siyang napaharap dito upang tumanggi nang bonggang-bongga. Ngunit nagsisi siya agad dahil ngayon, halos magkapalit na sila ng mukha.

"Ahm," tanging nasabi niya. Pakiramdam talaga niya, nauubusan na siya ng oxygen sa lungs.

Mabuti na lang at nagbawi na agad ito ng tingin. Narinig niya ang paghinga nito nang malalim at mabilis na pag-abot sa baso na may lamang coke.

Oh, wait. Coke nga ba?

Nasagot iyon nang bigla na lang itong napabuga nang malakas. Pagkatapos ay parang tangang hinagod-hagod ng kamay ang dila. Nagmura pa ito. "What the heck is that shit?! T-that's just...damn, it tastes awful!"

Tila nag-evaporate lahat ng tensiyong nararamdaman niya at hindi nakatiis na tumawa.

"Maggie!" Dumagundong ang napipikong boses nito sa buong sala ngunit mas lalo lang siyang natawa. He glared at her.

Little Did She Know (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant