8

34 1 0
                                    

"MAGGIE, sorry na. Kailan mo ba 'ko papansinin?"

Never. As in never.

"Maggie, kausapin mo naman ako. Joke lang 'yun eh. 'Wag ka namang ganyan."

Bakit, ano ba 'ko?

"Maggie, please? Sorry na. Patawarin mo na ako."

Ayoko.

"Mags...di ko na talaga uulitin, promise. Pansinin mo na ako."

Bahala ka sa buhay mo.

"Anette Margarette, I. Am. Sorry."

Kahit gayahim mo pa tono ni GMA, hindi kita kakausapin.

Bumuntong-hininga ito nang tuloy-tuloy na lisanin niya ang sala at nilagpasan lang ito. "Maggie, just please..." Iika-ika itong sumunod sa kanya sa kusina. "Mags," tinangka nitong hawakan siya sa braso pero pinalis niya ang kamay nito. She washed the dishes in silence.

"So hindi mo talaga ako kakausapin?"

Kunwari wala siyang narinig. Hindi.

"Kahit pansinin man lang?" Para na itong batang nakasimangot pero hindi pa rin niya ito tinapunan man lang ng sulyap.

"Maggie naman! I said I'm sorry! Ano bang gusto mo, lumuhod pa 'ko dito?"

This time, napataas na ang kilay niya. "Kung kaya mo."

Napanganga ito bigla. "Shit, nagsalita ka!"

Natigilan naman siya nang ma-realize ang ginawa. Shit, oo nga, nagsalita ako.

Napabuga siya ng hangin sa sobrang iritasyon. Hindi niya napanindigan yung silent treatment. Ang kulit kasi ni Brennan. Nakakairita, ang sarap kutusan.

"Maggie, sorry na, ha? Bati na tayo?" Nakangiti nang pakli nito.

Itinigil niya ang paghuhugas ng plato at pumihit paharap dito, naniningkit ang mata. "Sino namang nagsabi sayo?"

"Nagsalita ka na, eh. Ibig sabihin, hindi ka na galit."

"Sa tingin mo ganoon kadali 'yun?" Mas pinapormal niya ang boses para pigiln ang sariling mahawa sa malawak na ngiti nito. Leche, makangiti. Nakaka-distract!

"Maggie, ilang taon na kitang kilala. Kapag napangunahan ka na ng bibig mo, ibig sabihin, naiinis ka na lang kasi naisahan kita."

Mas lalo siyang napikon. Because he was right.

"S-so?" tangi niyang nasabi.

"So ibig sabihin, pikon ka lang kasi nakita kitang halos mag-tumbling na kanina." Pagkatapos ay binuntutan nito iyon ng napakalakas na tawa.

"Ah, ganoon?" Umusok yata ilong niya sa sobrang inis.

"Hindi, ganito."

"Punyeta."

"Ay, bad na. Don't say bad words."

"Leche."

"Maggie...didn't you hear me?" Tumayo ito at lumapit sa kanya. Until he was standing just in front of her. "Don't say bad words."

"Buwisit."

"Isa pa, hahalikan kita." Banta nito.

Umismid lang siya. "O talaga, 'tol?" Sarkastiko niyang sikmat. "Hindi ako takot sayo." It was the second time he threatened about a kiss. Wala namang nangyari. Bakit, nag-aasam ka bang meron?

Asa.

Bigla itong ngumisi. "Uy, nawala 'yung mura. Natakot."

"'Lul."

Little Did She Know (COMPLETED)Where stories live. Discover now