6

30 0 0
                                    

PAGKAALIS na pagkaalis ni Sean ay sinuntok agad ni Maggie sa braso si Brennan. Natatawa namang tinanggap nito iyon at hindi nagreklamo. Pagkauwi ay isinaayos niya ang mga pinamili at sinubukang linisin ng kaunti ang magulo nitong bahay. Nagluto siya ng pinakamabilis na lutuing ulam para sa pananghalian nila. Hinugasan niya ang pinagkainan at nagpalipas ng oras sa panonood ng TV at pagpatak ng alas-dos, halos mamatay-matay na siya sa boredom.

Buti na lang nakakita siya ng mga baraha sa isa sa mga drawers ni Brennan. Life saver!

Actually, playing cards have always been one of Maggie's favorite pastime. Una siyang natuto noong vacant time nang high school pa lang siya at walang magawang matino ang mga kaklase niya. Tinuruan siya ng mga ito kung paanong mag-pusoy dos, poker, pekwa, at maski tong-its hindi pinalagpas. Wala rin naman siyang magawa nung time na 'yon kaya nakilaro na rin siya kahit pulos mga lalaki ang kasama niya.

Umupo siya sa harap ni Brennan at pinilit itong maglaro. Nagpaunlak naman ito ngunit nang maka-limang laro na sila ng tong-its ay nagreklamo na.

"Dinadaya mo yata ako eh," Wika nito at kinamot ang puting-puting mukha. Napagkasunduan kasi nilang bilang consequence sa matatalo, lalagyan ng pulbos sa anumang parte ng mukha. Halos magmukha na tuloy itong espasol.

Tinawanan lang niya ito. "Gamitin mo rin kasi yang utak mo minsan. Mag-strategize ka." Muli niyang binalasa ang baraha at nag-distribute na naman ng panibagong sets.

Umiling na ito. "Wait lang. Ayoko na ng tong-its." Masama siya nitong tinitigan. "I really feel that you're cheating on me."

Pinanlakihan niya ito ng mata at inirapan. "Wow, ah. Ang feeler mo lang. FYI, hindi ko na kailangang mandaya para manalo, 'no. Excuse me."

"Eh, bakit lagi na lang akong talo kahit ginawa ko na lahat?" Sumimangot ito at sumilip sa hawak niyang deck.

"Aba malay ko sayo! Tanong mo sa brain mong one percent lang yata gumagana."

He eyed her sharply. "Para sabihin ko sayo, di hamak na mas matalino ako kaysa sayo 'no! At magna ako nang magtapos ng college, excuse me." wika nito at ginaya pa ang tono ng pag-e-excuse me niya kanina. Hindi naman niya iyon pinansin at napatuon sa halip, sa sinabi nito.

"Magna? Seryoso?" Di makapaniwalang tanong niya. Grabe ka Maggie, kung makapanlait kasi akala mo ikaw na pinaka-perfect sa mundo. Ayan, na-sample-an ka tuloy.

Nang hindi na siya nito pansinin ay napaingos na lang siya upang takpan ang pagkapahiya. "Magna daw. Baka naman magnanakaw." Bulong niya sa sarili.

Unfortunately, "Narinig ko 'yon." He said.

Napilitan tuloy siyang ngumiti at tumawa ng pagak. Strike two na siya. "A-ano...e-eto na lang laruin natin." Nahihiyang kumamot siya sa pisngi. "Yung a-ano, ungguy-ungguyan, alam mo ba 'yon?"

Brennan just stared at her. Then slowly, he managed a smile and shook his head in amusement. "You're cute."

Nangingiti na lang siyang napakagat-labi. "Ewan. Ayoko na nga." Ibinato niya ang mga baraha sa mesa. Gumaya ito.

Then, they both fell quiet. Bigla naman siyang inantok kaya nag-slide siya pababa ng sofa at umupo sa carpet, resting her head on the soft cushion of the seat. Brennan shifted. Then stood suddenly. "Call of nature." He explained. Hindi na ito nagpaalalay kaya nang maiwan mag-isa ay ipinikit na niya ang mata.

Pero hindi pa nga siya nakakarating ng dreamland, bigla na lang may nag-vibrate sa may bandang ulunan niya kaya halos mapatalon siya sa gulat. When she checked, it was just Brennan's phone. "Putspa, naimbyerna tulog ko dahil lang sayo?" Asar niyang wika habang dinadampot ang telepono. Ngunit agad napakunot ang noo niya nang makita ang tumatawag. Sino si Bebe Sissy?

Little Did She Know (COMPLETED)Where stories live. Discover now