1

72 0 0
                                    


"HEY. Nice way to start the morning, lovely."

Mula sa inilalabas na basura ay dumako ang tingin ni Maggie sa ulong nakalitaw mula kabilang bakod na halos 5-feet lang ang taas. Malawak ang pagkakangiti ng bumati habang nakatingin sa bitbit niya pero imbes na pansinin ay dire-diretso lang siya.

"Aw. Ini-snob ang kaguwapuhan ko."

She inwardly puked. Hindi dahil sa hindi ito nagsasabi ng totoo—he's handsome, alright—kundi dahil sa kagandahan ng umaga, ang lakas na naman nitong maka-Yolanda signal no. 10.

Nang pabalik na siya ay nakasilip pa rin ito kaya nagkunwari na lang siyang nagulat. "O, ikaw pala. Akala ko kasi nung una engkanto kaya 'di ko pinansin." Halos mangalay ang panga niya sa lawak ng ngiti. Pinasadahan niya ito ng tingin at napansin niya ang mamula-mulang parte sa noo nito. Napangiwi siya.

Biglang sumimangot si Brennan. "Guwapong engkantong nag-i-english, meron ba n'on?"

Sampung metro yata ang itinaas ng kilay niya. Ang kapal talaga, mas makapal pa sa 10th edition ng Webster's Dictionary! Sarap lang ihampas sa dingding. "Wala. Kaya nga napaka-unique mong lamang-lupa, eh."

Nang hindi ito nakasagot ay nagdire-diretso na siya papasok ng bahay. Abnormal, she thought. Ngunit agad rin niyang pinalis sa isip ang nakakaasar nitong pagmumukha dahil baka madala niya ang pagka-bad trip hanggang sa date niya mamaya. Ayaw pa naman daw ni Lance—ang lalaking katumbas na ni Mr. Right at icing sa ibabaw ng cupcake niya—ng mga pala-simangot na babae. Mas gusto raw nito ang even-tempered, nice, sweet, at soft-spoken na babae. So she'll make sure, she'd be that girl he's looking for.

Magana siyang nagluto at naglinis ng buong bahay. Pagkatapos ay nag-exercise sya saglit bago umakyat sa rooftop para diligan ang kanyang indoor garden. Ngunit nang pababa na siya, agad nahagip ng mata niya ang kadiskusiyong kapit-bahay kanina sa bakuran nito. Nakapatong ang dalawang paa nito sa concrete bench habang nagpu-push ups. At bagaman tagatak sa pawis, parang walang kahirap-hirap dito ang ginagawa. Sandali siyang napatigil at hindi na naiwasang maalala ang nangyari noong nagdaang gabi.

Practically, she and Brennan weren't really friends. They were just two casual neighbors who love to prank each other since the day that they've met. Pero siyempre, walang pikon-pikon, weather-weather lang. Kung panahon niya, kanya. Kung kay Brennan, kay Brennan. Sinumang magseryoso ay talo. Bigay titulo, susi ng kotse at bahay, tapos layas. That's the deal. And so far, for as long as five years, hindi pa naman sila humahantong sa ganoong insidente.

Although sometimes, they tend to unintentionally cause harm. Tulad na lang ng nangyari kagabi.

Pinasok niya ang kuwarto nito, pinatay ang ilaw, at naglagay ng standee ni Sadako sa tapat ng kama nito na nakuha pa niya sa isang kaibigang nagtatrabaho sa mall. Inaamin niyang kinikilabutan din siya habang hawak ang standee ngunit tinapangan na lang nya ang sarili for the sake of annoying him. Then, she pulled his leg to wake him up, turned on the lights again and slipped out of his house quietly. Minutes later, kung anu-ano nang mura ang umalingawngaw sa bahay nito na buong subdivision yata ang nakarinig.

So as early as 12 am, isang police mobile na agad ang nakahinto sa tapat ng bahay nito at nagtatanong. If only he'd seen and heard her hysteric laughs when she saw him come out of the house, carrying the standee, roaring like hell, and with a big hump on his forehead. Nauntog, malamang. Duwag na nga, tanga pa. Laughtrip talaga. Sayang ang kaguwapuhan.

Naiiling na pumasok na siya ng bahay. Pagkatapos ay agad dumiretsong banyo upang maligo na.

Enough about Brennan. Mas natutuwa siya sa upcoming date niya with Lance. Sa tagal nilang nag-uusap ay marami na siya agad na-conclude tungkol sa pagakatao nito. He is witty, professional, magalang, may sense of humor at responsable. Una niya itong nakilala nang aksidente itong ma-wrong send ng e-mail sa kanya. They began chatting since then and now, they've decided to meet. Ilang buwan na rin kasi at parang nanliligaw na rin naman ito.

Little Did She Know (COMPLETED)Where stories live. Discover now