2

37 0 0
                                    

INAAMIN ni Maggie na medyo below the belt din naman ang naging pagganti niyang iyon kay Brennan. Naapektuhan kasi nang husto ang lalaki sa pakikipagkalas ni Clara. Halos ilang araw na nagkulong lang sa bahay at hindi humarap sa tao. Walang ligo at ahit. Animo monghe na nagkuta sa isang high class subdivision.

Ni hindi nga siya kinompronta. Tinititigan lang siya nang masama tuwing magkikita sila sabay irap. So somehow, she felt guilty. Pero ito rin naman ang may kasalanan. Lalaking handa na sana niyang mahalin ang inilayo nito sa kanya. And to think na ni wala nga siyang ginagawa rito na ganoon ka-harsh.

Although she admitted she was not hurting the way he does, wala na. Nagawa na niya at nagkagantihan na sila. Wala nang ibang magagawa kundi ibaon na lang ang nangyari sa limot at mag-move on.

Only, earlier's happenings just proved that none of them has still moved on. At gaganti ulit siya. If it's the last thing she'll do.

Hindi na nga niya masyadong pinag-isipan ang prank na gagawin kay Brennan. What matters to her is the result it would produce.

Anyway, her plan was simple. In fact, inspired by a notorious gang she just watched on TV. At sa unang pagkakataon ay pinagana niya ang kanyang criminal mind. Wala na siyang pakialam kahit ang cheap, as long as it would satisfy the itching vengeance within her.

She had to wait a good one week before executing her plans, though. Because in her case, timing is everything. Aanhin ang magaling na paraan, kung mali naman ang pagkaka-timing, diba?

So the next morning, she woke up early and prepared her weapons.

Cellphone and a new sim card. And then she proceeded on dialing Brennan's number.

Umagang-umaga kaya malamang ay tulog pa ito. Luckily, it just took five rings before he picked up. "Hello?" He asked lazily. Saglit pa siyang natigilan nang marinig ang malamyos na boses nito sa kabilang linya, still ditched in sleepiness and daze. Para ngang nanaginip pa. Ang ganda ng bedroom voice!

Dafak, Maggie?

"Hello? Who is this?" Ulit nito kaya natauhan na siya.

She cleared her throat and focused on what as needed to be done. "Ahm, sir? Is this Mr Brennan Arevalo of Greenacre Residences?" She queried, changing her voice into something sweet and professional. Like that of a nurse.

"Yes?"

"Sir, this is the Nurses' Station of Tatlonghari Memorial Hospital. Isang pasyente po rito namely Sylvia Arevalo ang nag-request ho sa presence niyo." Lihim na pinalakpakan ni Maggie ang sarili dahil sa magandang pagkaka-deliver ng linya. Parang totoo talaga!

"What?" Nadinig niya ang pagbalikwas nito. "Anong ginagawa diyan ni Mama?!"

Humalakhak siya nang walang tunog. Mukha tuloy siyang tanga."Mr Arevalo, isinugod po siya dito kaninang umaga. She specifically requested for you earlier before she had another, uhm...a-attack." Napangiwi siya at napakatok nang tatlong beses sa headboard ng kama. "The next could be fatal, sir... " So might as well get your ass in here.

"Oh, shit..." Nanlumo ang boses nito. "W-where did you say again? God, please tell her to hold on. I'm on my way." Rinig na rinig niya ang panic sa boses nito. "Miss, what hospital did you say again?" Impatience was raking in his voice. Halatang tarantang-taranta na ito. Tarantado eh.

"Tatlonghari Memorial Hospi—"

"Got it." And he cut the call.

Mabilis na tinakbo ni Maggie ang bintana at sumilip doon. Nakita niya ang tulirong anyo ni Brennan habang patakbong lumabas ng gate—hindi pa parehas ng tsinelas!

Little Did She Know (COMPLETED)Where stories live. Discover now