5

36 0 0
                                    


MULA sa isinasalansang mga damit ng mahal na pasyenteng si Brennan, napadako ang tingin ni Maggie sa nakabukas na TV at sa nakahigang bulto nito sa kama. Nagsalubong pa ang kilay niya nang matantong naghihilik na pala ito.

"Hindi man lang pinatay yung TV. Ang mahal-mahal na nga maningil ng Meralco!" Himutok niya at nakasimangot na sinara ang telebisyon. Nilapitan niya ito kapagkuwan at namewang sa harap ng nahihimbing nitong anyo. "Ano? Tutulog-tulog ka na dyan samantalang ako, wala pang pahinga. Ang usapan nurse lang, 'langya ka eh, ginawa mo 'kong all-around yaya!" He didn't even stir so she decided to move closer, her face inches from him. She sighed as she stared at his face. "Sayang talaga 'yang pagmumukha mo, naku. Nagtataka lang ako kung bakit sayo pa ipinagkaloob 'yan. Nung nagpasabog siguro si Lord ng kaguwapuhan at charm, drum 'yung binitbit mo, 'no?" Umiiling-iling siya. "So typical of you."

She continued to gawk. Bakit ba? Wala namang makakakita.

Mula ulo hanggang sa paang walang pilay, wala talagang kapintas-pintas kay Brennan. Ganda ng mata, ang tangos ng ilong, tapos Diyos na mahabagin, ang sexy ng labi! Ang perfect pa ng jawline, ang tikas ng dibdib, may evenly-distributed na muscle, may abs, tapos...

Hindi niya mapigilang mapatingin sa land down under. "Mmp, ikaw na talaga!"

Hoy, Maggie, ano ba? Tigilan mo nga yang kamanyakan mo!

"Hindi mo siya minamanyak, okay?" Parang tanga lang na pangungumbinsi niya sa sarili. Eh, ano? Pinagnanasaan lang?

Hah! Ako? Duh, eh baka siya pa nga nagnanasa sa'kin. Naalala niya ang nangyari kahapon. She couldn't really believe that she just made him...feel that way. Pero nakita mismo ng mata niya ng ebidensya. At nang mahimasmasan na siya makalipas ang ilang minuto ay gusto talaga niyang tumawa. Like that evil laugh he gave her when he made fun of her with the cockroaches. Ano ito ngayon? Ipinagkanulo ito ng mismong alaga nito!

So proud ka na niyan? Pang-aasar ng isang bahagi ng utak niya.

Oo, proud siya. Ang hot ko kaya.

Muli niya itong pinagmasdan. At habang ginagawa niya iyon ay isang kalokohan ang pumasok na naman sa utak niyang butas. Iniisip pa lang niya, natatawa na siya.

Dahan-dahan siyang tumayo at tinungo ang aparador na kinakitaan niya ng pulbo kanina. Nang makuha niya ang kailangan, bumalik uli siya sa tabi ni Brennan at nilagyan ng sandamakmak na pulbo ang nakalahad nitong kanang kamay. Ni hindi ito gumalaw.

Nag-evil laugh siya sa utak.

Pagkatapos ay bumunot naman siya ng isang feather sa Dream Catcher nito sa ibabaw ng kama. Bago gawin ang binabalak, kinailangan pa niyang kagatin ang dila para lang hindi mapahagalpak ng tawa.

Huminga siya ng malalim pero sumasakit talaga ang tiyan niya sa pagpipigil ng tawa.

Slowly, she drew the feather inside his nose. Pero hindi pa nga niya gaanong napapasok, ang bilis agad ng reflex action nito.

Pasampal na sinapo ng kanang kamay nito ang mukha para palisin yung feather. At nang makita ang kinalabasan ng mukha nito ay hindi na talaga niya napigilang humagalpak ng tawa.

Agad naman itong napabalikwas nang maramdaman ang pagbuhos ng pulbo sa buong mukha.

Mas lalo tuloy siyang natawa at napaupo pa sa sahig.

"Dammit!"


INDEED, it was a great day to go out.

So Maggie fought the urge to extend the alarm for another five minutes and got up. Mabilis siyang naligo at nagbihis.

Nang makontento sa hitsura, nakangisi niyang tinalunton ang daan patungo sa bahay ng kapit-bahay at dumeretso sa kuwarto nito dala ang takip ng kaldero at isang sandok. Pagkatapos ay nagpaka-little drummer girl siya.

Little Did She Know (COMPLETED)Where stories live. Discover now