Mission 19

134 8 4
                                    

Ziko POV

Malapit ko na syang maabutan ng may narinig akong nagkasa ng baril. Huminto ako sa pagtakbo at inilibot ang paningin sa buong playground.

May isang lalaki na nakaitim na pantalon at coat na nakasumbrelong itim din. Napatingin ako sa hawak nya, baril!

Sinundan ko ang tingin nya, nakatutok ang baril kay Ethel!

"Ethel dapa!" Sinigaw ko yun at kinuha ng mabilis ang emergency gun sa gilid ng sapatos ko.

Binaril ko ang hawak na baril nung lalaki.

"WAAAAAAAH!"

"MOMMMYYYYY DADDDDYYYYY!"

"HUHUHUHUHU!"

"AHHHHHHHHHHHHHHH!"

Sigawan ng mga tao ang umalingawngaw sa buong playground. Tinakbo ko ang pagitan namin ng lalaki. Kukunin na sana nya ang baril nya pero sinipa ko yun at sinipa din sya sa dibdib.

"Ah!"

"Sino ka?!"

"Ziko!"

Napatingin ako kay Ethel na madumi ang t-shirt dahil sa pagkakadapa.

"Tumawag ka kila Markus. Kailangan nating dalhin to."

"Sinong nagutos sayo na sundan kami?!" Nilabas ko ang maliit na kutsilyo na nasa gilid ng sapatos ko at tinutok yun sa pulso nya sa leeg.

"Sumagot ka!" Diniin ko yun kaya nagkaroon ng dugo.

"Papunta na sila."

Sinapak ko ng malakas itong lalaki para mawalan ng malay. Tinanggal ko ang sombrelo nya.

"Kilala mo ba to?"

"Hindi e."

Kinapkapan ko ang lalaki hanggang sa maselang parte ng katawan nya. Wala syang kahit na anong dala maliban sa baril.

"Omayghad anong nangyare?! Sino yan?!"

Napatingin kami sa dumating, si Lenard, Joy at Eka. Ang OA na si Joy ay lumapit agad samin.

"Nagtangkang barilin si Ethel. Hindi rin namin kilala."

Pinagtulungan namin ni Eka na buhatin yung lalaki.

"Bakit nandito kayo ni Ethel?" Usisa nya. Malisyoso to ah.

"Nagdate kami. Paki mo?"

"Hahahaha sa tagal nating magkaibigan ngayon lang kita nakitang nagblush! Ang bakla mo Ziko!"

"Fck you!"

"Hahahaha!"

Tinalian ko yung lalaki at nilagay sa dulo ng van na dala nila.

"Anyway, thanks for saving her."

Tinapik nya ko sa balikat. Hindi ako nakapagsalita ng biglang magring ng sabay ang mini magnet speaker namin. Lumapit din samin yung tatlo at ganun din sakanila, nagriring din.

Sabay sabay naming sinagot ang tawag.

Hikbi agad ang bumungad samin.

"Apple?" Joy.

"Tulungan nyo kami please..."

Apple POV

Habang nakasakay kami sa kotse ni Naomi ay inusisa nya kami  tungkol sa kanya kanya naming buhay.

Habang nagkukwento ako ay sabay sabay kaming napasigaw.

"Ahhh!"

"What the hell?! Bakit binangga tayo ng gagong yan?!" Naomi.

PRIVATE MISSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon