Mission 6

230 14 10
                                    

Mula ng malaman kong si Sev at si Ziko ay iisa hindi na ulit ako bumalik pa sa kulungan. Hinayaan ko nalang si Rama at Papa ang umasikaso sa dalawang yon.

Ako mismo ang nagimbestiga kay Ziko, pumunta ko sa Bar na pinagtrabahuhan nya, nakakuha ako ng impormasyon, kung saan sya nakatira. Nakatira sya sa isang dorm. Pinuntahan ko rin yon pero ang sabi ng may ari ay wala daw Sev o Ziko na nakatira don.

Ang pamilya namang iniimbestigahan ni Papa ay mailap parin. Hindi ko nga alam pero parang naguguluhan ako, sobrang pribado ba ng mga taong yun kaya kahit pasundan ay hindi nila magawa?

Naglalakad ako ngayon papunta sa CCTV room para magpasama kay Rama, isang buwan na ang nakalipas at enrollment na.

Hindi ko pa nabubuksan ang double door ay nakaawang na ng konti ang pinto nito kaya naman nasilip ko si Rama na nakaharap sa may bintana at may kausap sa cellphone.

Hindi muna ako pumasok dahil gusto kong marinig.

"Yes, Private Klinton. Hindi pa ko sigurado kung galing nga sila sa Olivia Org. I'll do my best, Private. Ofcourse! Thankyou. Bye."

Pinaimbestigahan ni Papa sila Ziko at Eka kay Rama? Anong Olivia Org? Akala ko ba ay voice detector ang gamit ng Olivia Org? Voice detector ba ang nakita nila kay Ziko?

Sinarado ko ng tuluyan ang pinto ng makaupo si Rama at binuksan ulit.

"Oh? Why are you here?"

Nagulat ba sya? O natakot dahil baka narinig ko ang mga sinabi nya? Tss

"Magpapaenroll na ko. Syempre kailangan mo kong samahan."

"Oo nga pala. Tatawagin ko lang si Enzo."

"Sure, I'll wait here."

Tumayo sya at pumunta sa double door. Humarap ako sa monitor at nakita ko syang pumunta sa kulungan, nakaupo si Ziko habang nakatingala, si Eka ay nakaupo habang nakayuko.

Ang iba pang Private ay nakatayo doon at nakaposisyon. Nandon si Enzo, nagbabantay.

"Ikaw muna sa CCTV room, magpapaenroll kami ni Ethel."

"Sige."

"Bantayan nyong mabuti ang dalawang yan."

Tumango ng dalawang beses ang mga private, lumabas na si Rama at Enzo.

Napatingin ako kay Ziko, zinoom ko ang video. Bakit may pasa sya sa pisngi?

"Huy!"

"Ay pusang kalabaw!"

"HAHAHAHA!"

"Gago ka ba ha?! Bat ba nanggugulat ka?!"

Dimonyong Sean to. Sarap bigwasan. Kiniliti ba naman ako!

"Hahaha! Crush mo ba yan ha? Kung makatitig ka wagas e! Hahahaha hindi ko alam na magugulatin ka pala!"

"Fck you!"

"Easy! Hahahaha! Pfft. Okay okay hindi na ko tatawa. Gusto ko pa mabuhay."

Pinagcross nya na naman ang kamay nya ng akmang susuntukin ko sya.

"Ano bang problema mo ha?"

"Wala naman. Nilapitan lang kita kasi seryosong seryoso kang nakatingin sa monitor. Pinapatawag kase ko ni Private Ric."

"Pinapatawag ka pala e. Lumayas ka na nga! Bwisit ka!"

"Easy! Hahaha okay bye!"

Tumakbo sya papunta sa kanang daan kung saan ang sala at ang office ni Private Ric.

PRIVATE MISSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon