Mission 14

163 9 4
                                    

"Ano pong kailangan nyo Private Ethel? Bakit po nandito kayo ng ganitong oras?"

Yun agad ang bungad sakin ng isa sa mga pitong bantay dito sa kulungan.

Ngayong madaling araw na ang plano namin para ilabas si Kuya Eka dito. Madaling araw para tulog na ang ibang Private.

"Nagkakagulo ang lahat ng Private ngayon sa parking lot! Dumiretso kayo don, ako ng magbabantay dito! Bilis!"

Umarte akong parang natataranta.

"Ha? Anong gulo? Halika na! Maiwan ang dalawa---!"

"Huwag na! Ako ng bahala dito! Pumunta na kayong lahat doon! Bilisan nyo baka kung ano ng nangyayari don!"

Nagmamadali silang lumabas ng kulungan at ng tuluyan silang makalabas ay pumasok ako sa transparent na kwarto kung nasaan si Kuya Eka.

"Akala ko ba ay noong nakaraan nyo ko itatakas?"

"Nadelay, nagdududa na kasi si Klinton."

Tinanggal ko ang posas sa kamay at paa nya pati narin ang kadena na nasa tiyan nya.

"Let's go!"

"Yeah thanks!"

Nagmadali kaming tumakbo papuntang CCTV room. Naabutan namin si Rama na nagtatanggal ng mga plug ng monitor.

"I'm done! Let's go!" Mahinang sabi nya ng maramdamang nandoon kami.

"Paano ang ibang private?!" Tanong ni Kuya Eka.

"Just shut your mouth, baka tulog na ang mga yon."

Nang makarating kami sa basement ay pinasakay ko agad si Kuya Eka sa motor ko. Si Rama ay maiiwan para maibalik sa dati ang CCTV at maiaaos ang gulo.

Binilisan ko ang pagpapatakbo papuntang V Org. Mabuti nalang talaga ay best actress ako.

Nang makarating sa Org nila ay bumaba sya agad. Sinabit ko naman ang helmet ko sa motor.

"Akala ko ba ay alam na ng Olivia ang totoo? Bakit hindi ka nagsasalita?"

"Iniisip ko lang kung anong nangyayari na don. Baka pumalpak ang plano."

Totoo yon. Baka may isang private ang nagising at malaman ang nangyari.

"Tiwala lang. Salamat pala sa pagtulong."

"Always welcome, Kuya."

Pumasok kami sa loob ng Org. Alam ng lahat dito na ngayon namin itatakas si Kuya Eka kaya naman pag pasok namin ay...

"WELCOME BACK EKAAAA!!!" Sabay sabay nilang sigaw.

Wtf? Anong pakulo to? Biglang may mga confetting sumabog at hindi lang yon. May banner pang pahaba na may nakasulat na 'Welcome back Eka!'

Napatingin ako kay Kuya Eka. Nakangiti na sya, syempre matutuwa sya. Masaya pala talagang magkaroon ng MGA TUNAY na kaibigan.

"Salamat guys. Na-appreciate ko."

Lumapit sya sa mga nandoon at isa isang niyakap. Nang matapat sya kay Mary Joy ay umiwas ito. Luh? Anong nangyare?

"Iww, hindi ka pa yata naliligo yayakapin mo ko? Bumawi kanalang pag nakaligo ka na!"

Natawa na lang kami dahil sa kaartehan nya. Hahaha!

"Arte mo. Kahit hindi pa ko naliligo gwapo parin ako no!"

"Ang yabang mo! Parehas kayo ni Ziko!"

Bigla ay may nagsalita sa likuran ko.

"Oh ako na naman? Gwapo talaga ko hindi ko yon ipagkakaila."

PRIVATE MISSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon