Mission 3

301 17 1
                                    

Nagising ako dahil sa alarm na sinet ko kagabi bago ako matulog. Tinignan ko ang wall clock ko, 3:15 am. Pinlano ko ang paggising ng maaga ngayong araw. Walang masyadong sasakyan at imposibleng madetect ako kung bubulong man ako.

Nagbihis ako ng pantalong itim na fitted at sando at jacket din na itim. Kinuha ko ang caliber 35 kong emergency gun sa cabinet ng kwarto ko. Papasok lang naman ako at magpapabook. Yun ang plano ko. Sisilipin ko lang kung may kahina-hinala.

Lumabas na ko ng hotel room ko dala ang isang pambabaeng purse na kulay itim din,naglalaman yun ng credit card na gagamitin ko pambayad. Pati narin ang isang maliit na dagger na nakalagay sa lagayan ng shades. Ang baril ko naman ay nakalagay sa batok ko ng sa ganon ay pag kinapkapan ako ay walang makapa saakin. Ang sando kong suot ay hanggang leeg kaya may suksukan ako ng baril.

Sumakay na ko ng elevator at bumaba sa basement. Sumakay ako sa Motor ko at nagjacket. Mga kalahating oras ay makakarating na ko dun kung walang masyadong sasakyan, sigurado naman yun.

Pinaandar ko na ang motor ko. Ang ipinagtataka ko ay kung bakit nila ko tinatago? Ano bang koneksyon ko sakanila? E ano kung malaman ng mga yun na nasa Private Z ako? May koneksyon ba ko sakanila?

Habang nagiisip ay napatingin ako sa measurement ng gas ko. Malapit ng mag- E. Nang may madaanan akong gasolinahan ay inabot ko lang ang saktong bayad at nagokay sign.

"Lahat po ito?" Tanong ng gasoline man.

Tumango ako at hinintay syang matapos sa ginagawa.

Sinarado ko ang compartment at sumakay na. Dire-diretso na ang pagpapatakbo ko hanggang sa makarating sa Olivia Hotel.

Tinignan ko yun mula sa tawiran na kinalalagyan ko. Halos kasing taas lang ng Hotel Z. Nang matitigan ko na ay sumenyas ako sa paparating na sasakyan saka tumawid papuntang Parking ng Hotel.

Bumaba ako sa Motor ko at naghubad ng jacket, nilugay ko rin ang kulot kong buhok. Naglagay din ako ng konting make up kanina bago ako umalis para magmukhang mayaman pag pasok ko dito.

Naglakad na ko papasok ng Hotel habang nasa kaliwang braso ko ang jacket at nasa bulsa nun ang purse ko.

Kinapkapan ako ng Guard. Tinaas ko ang kamay ko at sinenyasan nya ko ng 'Go'. See? Wala syang nakapa sa batok ko dahil sa bewang lang sila nagkakapkap.

Lumapit ako sa Hotel Receptionist at nagpabook ng kwarto, tinype ko pa yun sa cellphone ko dahil bawal nga akong magsalita.

Tumango lang sya at naglahad ng kamay, nilagay ko sa palad nya ang credit card na bigay sakin ni Papa.

"Okay na po, Ma'am. Room 303 po. 47th floor."

Nginitian ko sya at tinanguan. Lumakad na ko papuntang elevator. Nang makasakay ay ginala ko ang mata ko kung may kamerang nakakabit. Wala akong nakita kaya naman hinawi ko ang pindutan ng elevator, katulad ng sa Hotel Z ay nandon din ang secret button papuntang Org. Ibig sabihin tama nga ako. Nasa ilalim nga nito ang pribadong organisasyon nila. Nandito ang mga taong humahanap sakin.

Nang tumunog ang elevator hudyat na nakarating na ko sa floor ko ay binalik ko sa dati ang secret button.

Lumabas na ko at inosenteng tinignan ang mga kwarto at ng makita ang Room 303 ay binuksan ko yon.

Maaliwalas at malinis, halatang pangmayaman talaga. Iginala ko ang paningin ko at nakita kong may camera sa sala. Pumasok na ko sa kwarto at iginala muli ang paningin, walang camera.

Nilabas ko ang cellphone ko at binuksan ang website na ginagamit ni Rama. Inoff ko ang CCTV sa kwartong ito. May free wifi. Kumonek ako at nagbukas ng e-mail. May isang e-mail na nagsasabing nabawasan ng pera ang credit card ko.

PRIVATE MISSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon