Mission 16

170 10 2
                                    

Nagising ako ng maramdaman ko ang sikat ng araw na sumisilaw sakin.

"Ahhhhhhh!!!!!"

Naitulak ko ang taong nasa tabi ko dahil sa gulat! What the fck sinong pumasok sa kwarto ko?!

"Wtf?! Ang aga aga!"

Napatingala ako kay Ziko na nakasandong puti at jersey short. Nagkakamot sya ng ulo habang inis na inis na nakatingin sakin.

"Bakit nandito ka ha?!"

"Ano bang pinagsasasabi mo?!"

Inilibot ko ang tingin sa buong kwarto. Amf, saka ko lang naalala na nasa condo nya nga pala ko. Hay!

"Ano? Akala mo niloob na kita? ASA! Tsk! Aga aga nambubulabog ka ng tulog!"

"Kasalanan ko ba? Sabi ko sayo diba dun ka sa sala?! Minanyak mo ko no?!"

Tiningnan ko ang sarili ko sa loob ng kumot. Suot ko pa naman ang suot ko kaninang madaling araw pero malay mo! Hindi sya katiwa-tiwala sa ganong bagay! Lalaki parin sya!

"Ano?! Baka nakakalimutan mong kama KO yan! Ikaw na nga lang tong nakikitulog! Saka anong minanyak? Ikaw nga tong manyak! Nangyayakap!"

Niyakap nya pa ang sarili nya na para bang may ginawa akong masama sakanya. Ulul mo leche ka!

"Sinungaling!" Hindi ako ganon! Alam ko yon.

"Sus totoo naman!"

"Malay ko sayo! Aalis na ko bwisit ka!"

Tumayo na ko at inayos ang nagusot kong damit.

"Kadiri ka! Aalis ka ng hindi naliligo?!"

"Paki mo ha? Kayo na nga lang tong makikiamoy magrereklamo pa kayo!"

Arghh! Shit worst morning ever!

Maglalakad na sana ko paalis ng bigla nya kong balibagin! Napatingin ako sa binalibag nya, tuwalya.

Tiningnan ko sya matapos kong pulutin yung tuwalya.

"Maligo ka, kababaeng tao tsk. Papaorder ako ng damit. Bagalan mo nalang ang pagligo baka matagalan."

Tumalikod sya at lumapit sa side table, nagdial ng number sa cellphone nya.

Hindi ko na sya pinanuod, dumiretso na agad ako sa banyo ng condo nya.

Pagpasok ko doon ay halos malula ako! Pucha ba't puro salamin to?! Iba talaga trip nitong si Ziko.

Kada kilos ko ay nagrereflect at nakikita ko. At ng maghubad na ko ay kitang kita ko ang katawan ko, pati ang likod ko. Lahat kasi talaga ay salamin! Jusko!

Kinuha ko yung bagong toothbrush na nandon. At habang nagtotoothbrush ay tinignan ko ang mga panligo na nandon. Puro panlalaki lahat, buti nalang ay gumagamit ako ng ganito minsan.

Nagshower na ko, at yeah masunurin ako kaya naman inabot ako ng isang oras sa banyo. Tinagalan ko ang pagligo.

"Anak ng tipaklong!"

Baka mamaya nasa labas sya, wala akong damit!

Dahan dahan kong binuksan ang pinto at sumilip. Nang wala akong naaninag na Ziko ay binuksan ko na ng tuluyan ang pinto.

"Ay palaka!"

Muntik ko ng mabitawan ang tuwalyang nakatakip sa katawan ko!

Napatingin ako kay Ziko na nanlalaki ang matang nakatingin sakin, sa katawan ko!

"MANYAK!"

Sinapak ko sya sa braso! Dimonyong to nandon lang pala sa gilid!

"Anong m-manyak?!" Nauutal pa talaga ang loko! Bwisit nakakahiya!

PRIVATE MISSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon