“It’s not a joke.” he’s staring at me.

“What?” I’m confused and I don’t know what he’s talking about.

“The sexy and gorgeous thing! Oh f*&k don’t make me say that again!!” and I think he’s pissed off.

“Enough with the English! Di bagay!” natatawa kong sabi sa kanya.

“Ikaw kaya English ng English dyan. Feeling ko isa ka na sa mga conyo dito sa school. Nakakasuka!” humawak pa sya sa tyan nya.

“Excuse me! I’m unique! I’m different and I’m not like – ” tumingin muna ko sa paligid kasi baka may nakakarinig sa’kin.

“Alam mo bakit di ka na lang magpakatotoo? Eh ano kung magwala ka dyan, sumigaw, manuntok magmura. Who cares? Dahil maganda reputation mo lilimitahan mo na yang sarili mo. Ang tanong, nageenjoy ka ba sa pagiging pretentious? Alin ba ang totoong ikaw? Yung halimaw na aswang o yang paconyo style mo?” wow, nabuwisit na ko sa mom ko dadagdagan pa ng goon na ‘to. Well he has a point pero sana hindi na lang nya pinagsabay.

“I was talking to my mom. Hindi ako pwedeng maging careless. You don’t know my parents. And besides nakasanayan ko na ‘to. Pero – pero nakakapagod din. I wanna try something new. Something remarkable. Yung maalala nila ko hindi dahil role model ako pero dahil may ginawa akong hindi nila makakalimutan.” Nakita kong napangiti si goon. “What?”

“Wala. May gustong kumausap sa’yo.” Hinawakan nya ko sa kamay at hinila papunta sa hindi ko alam.

“Please stop doing that?” medyo naiilang kasi ako.

“Doing what?” he smirked.

“Playing with my hand. I’m not comfortable.” I rolled my eyes.

“Okay your majesty!” yun ang sabi nya pero hindi pa din nya tinitigilan ang paglalaro sa kamay ko.

Hindi ko alam kung san nya ko dadalhin at kung sino ang gustong kumausap sa’kin. Tumigil ako sandali at hinigit ko ang kamay ko.

“Oh wait. Nandito ba ang parents ko? Pinapunta mo sila dito?” naeexcite na ko ng makita kong ang laki ng ngiti ni goon. Please say yes. Yes lang at mayayakap ko sya.

“You wish!” parang gusto kong manakit ng tao. “Di ko nga kilala parents mo dadalhin ko pa sila dito. Isa pa ikaw nga hindi mo sila mapapunta dito sariling anak ka na nila ako pa kaya. Nag-iisip ka ba!” hinigit nya ulit ako. Nagdabog-dabog na ko paglalakad. Oo nga naman tama sya. Bakit hindi ko nga naman naisip yun. “Nandito na tayo.”

“Sa parking lot?” tumingin ako sa paligid pero wala naman akong makitang kakilalang possible na gustong kumausap sa’kin. “Look goon, if this is some kind of a joke I’m not buying it!”

“Hindi ako nagbebenta ng joke kaya shut up! Ang conyo-conyo mo! Isa pa naku maghahanap na ko ng ibang babaeng liligawan!”

Perfect Haters Book 1 (Part 1 Published under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon