25

697K 8.3K 1K
                                    

A/N

Yey! Nareach ko na ang target ko na 100K reads. Thank you all. Next 200K naman. #5 pa din tayo sa Teen Fiction pero #9 na tayo sa Humor. Bumaba agad, pero okay lang yan. :) Push lang tayo pag may time. :)

Anyways, ilike ang fan page ng Perfect Haters. Click lang ang external link ---------->
Vote, comment and follow. And please, wag naman puro "update please" ang icomment. :P Sabi sa inyo student teacher ako so di ako madalas makakapagupdate, please understand.

Thank you. Please share this story to your friends on fb, twitter and real world. Haha.

You're all amazing! <3

megladiolus (mela)

******************************************

ZAK’S POV

Naramdaman kong tumigil sya sa paggalaw. Sh*T! Ano ba yung sinabi ko? Anong sasabihin ko sa kanya? Tsk! Kusa na lang lumabas sa bibig ko yun. Hindi ko yun pinlano.

“Bitawan mo na ko please.” Mahina nyang sabi. Kalmado na sya ngayon. Hindi ko alam kung bibitawan ko na ba sya o hindi pero dahil sinabi nya ginawa ko na lang.

Nakatungo lang sya at walang imik. Tumalikod sya sa’kin at naglakad papunta sa tabihan ng lake at tsaka umupo sa damuhan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Napahawak ako sa ulo ko at hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung dapat ba akong magkwento sa kanya o dapat ko ba syang pagkatiwalaan. Minsan na kong nagtiwala pero nabalewala lang lahat. Natatakot ako na kapag nalaman nya lahat bigla syang lumayo o umiwas. Pero dun ko din makikita kung mabuti nga syang tao, kung dapat ko ba talaga syang magustuhan.

F*&K! Sinabi ko bang magustuhan? Tsk! Bakit nahihirapan ako? Hindi ko kasi alam kung anong mga susunod na mangyayari kapag nagopen up ako sa kanya. Bahala na nga.

Naglakad ako papunta sa tabihan nya at umupo. Pareho kaming nakatingin sa malayo. Wala pa din syang imik kaya naman tiningnan ko sya. Natuyo na ang luha sa pisngi nya pero ang ganda nya pa din. Nagulat ako ng bigla syang tumingin sa’kin.

“Tititigan mo na lang ba ako magdamag?” bigla akong napaiwas ng tingin. “Hindi mo naman kelangang magkwento kung ayaw mo!”

Nakakainis, bakit parang hindi ako makatanggi sa kanya. Sinabi nya ngang kung ayaw ko pero ang ibig sabihin naman nun wala akong ibang choice kundi ang magkwento sa kanya. Kung makikinig man sya o hindi wala na kong pakialam. Minsan ko lang ‘to sasabihin sa iba. Kung pagtawanan man nya ako bahala sya at kung gagawin nya yun hindi na ko magdadalawang isip na saktan sya kahit babae sya. Una dahil pinagkatiwalaan ko sya, pangalawa nag-iiba na yung pakiramdam ko para sa kanya at kung madidisappoint lang ako dahil ijajudge nya ko dahil sa mga nangyari sa’kin baka hindi ko sya mapatawad.

Kumuha ako ng bato at inihagis ko sa lake bago ang magsimulang magkwento. I took a deep breath.

“Perfect na ang family ko dati para sa’kin. Si mommy, si papa at Cia. Masagana din ang buhay namin. Meron kaming family business at si papa ang president ng company. Pero kahit maganda ang buhay namin never kaming kumuha ng maids. Si mommy at ako ang naglilinis sa bahay kaya sanay ako sa lahat ng gawain. Hindi dahil mayaman ka hindi ka na pwedeng matuto ng mga gawaing bahay. Magkakaibigan ang mga families namin nila Tuck. Magkababata naman kaming lahat. Wala na nga kong mahihiling pa lalo na nung dumating si Natalia sa buhay ko. Feeling ko kumpletong kumpleto na ko. Hanggang isang araw umuwi ako ng bahay galing school at nakita kong umiiyak s Cia. Kasabay ko ding dumating si papa kaya lang lasing sya dahil galing daw sya sa birthday ng isa sa mga board of directors. Nalaman namin nagcollapse si mommy habang nagluluto sya kaya pinuntahan agad namin sya ni papa.” Bigla akong napatigil dahil ayokong maalala ang mga susunod na mangyayari. Naramdaman ko ang kamay ni Alexa na humawak sa’kin pero hindi ko sya tiningnan. Pumikit lang ako at itinuloy ko ang pagkukwento.

Perfect Haters Book 1 (Part 1 Published under POP FICTION)Where stories live. Discover now