Hate Love: One.

305 11 3
                                    

Hate Love: One.


--~

Another busy day of his busy life.

He's riding his motorcycle, thinking about the paydays. Iniisip ang mga naka line-up niyang sched.

Papunta siya ngayon sa bakeshop na pinagtatrabahuan niya.

Though, iniisip niyang hindi naman siya ganoong ka-busy, people surrounding him doesn't see it that way. He has a lots of part-time jobs. Limang taon na niyang sinusuportahan ang sarili niya Sa pag-aaral, pang-araw araw na pangangailangan, pati ang rental fee sa apartment. He has to shoulder everything.

Why?

Sarili na lang kasi niya ang inaasahan niya.

As soon as he parked his motorcycle, removed his helmet, his friendly, one and only friend approached him.

"Ace naman. Bakit nandito ka? 'Di ba ang sabi ko, magpahinga ka muna? Nilalagnat ka kahapon," he said, annoyed.

Ace fixed his helmet, "Right. Kahapon. Move on, bro." Nilagpasan na niya ang kaibigan niyang ngayon ay nakabusangot at sumunod sa kanya.

He went straight to the personnel room, wore his apron, hairnet. He's already wearing his uniform, he doesn't have to change.

"Kapag ikaw hinimatay dahil sa lagnat na 'yan, ikaw magbabayad ng hospital bills ko 'pag hinimatay din ako." Makulit talaga ang kaibigan niya. Matigas ang ulo. Parang siya.

Nginitian lamang siya nito bago tumungong kusina. Baker siya rito.

Matapos ang ilang set ng tray, na may iba't ibang klase ng tinapay, umupo muna siya. Napahawak siya sa sentido, Argh, this headache.

Bago magsimulang muli, may narinig siyang bumagsak sa labas. Wala sana siyang pakialam kaso naisip niyang mababawasan ang trabaho niya kapag may mangyaring hindi maganda sa bakeshop at masisante siya.

He decided to take a look.

Paglabas ng kusina, "Ace!" natatarantang lumapit sa kanya si Patrick sabay yakap sa braso niya. "Natumba. Wala pa tayong customer." Nanginginig niyang sabi sabay turo sa isang lamesa.

Ace sighed. May nakikita siyang babaeng balingkinitan ang katawan, puno ng make up ang mukha, na masamang nakatingin sa takot niyang kasama.

He doesn't know her relationship with his friend. Hindi niya ito namumukaan. Pero may kutob ito kung bakit ito nandito. And one thing's for sure, the ghost in front of them is mad. He can almost see smoke coming out from its nose.

"Labas ka muna. Bili ka insenso." Ace said as he remove his hairnet.

Nag-alinlangan pa si Patrick nung una pero wala na rin siyang nagawa, nagmamadali siyang umalis. Ace did that dahil hindi alam ng kaibigan niya na nakakakita siya ng multo. Ayaw niyang madagdagan ang sakit ng ulo, dahil sigurado siya na kapag nalaman nito ang kakayahan, mas lalo itong mangungulit at hindi siya tatantanan.

Sinundan siya ng tingin ng babae. The ghost is about to follow Patrick pero pinigilan niya ito. He held her wrist.

Nakatingin lang sa labas si Ace, kunwari ay walang alam. Nakikita kasi ang loob ng bakeshop mula sa labas, salamin kasi ang pagitan.

"You can see me?" hindi makapaniwalang tanong nito.

He lowered his gaze, " Anong ginawa sa'yo ng kaibigan ko?" he asked instead. Gusto lang niyang mawala sa paningin ang multo, wala siyang balak na makipagchitchat dito.

Nag-iba ang aura ng multo. Lalong nagalit. "Ang sabi niya, mahal niya ako! Pero after a week, nakita ko siyang may kasamang ibang babae and said the same thing!" Poor girl, nabiktima ng karisma ng ugok, he thought.

Hate Love GhostsWhere stories live. Discover now