Kabanata 11

10 2 0
                                    

Naglakad lakad pa ako pagkatapos ng aming pag-uusap ni Jamie. Nag-isip isip ako tungkol sa mga sinabi  niya. Sa ngayon, I need to talk to my friends.  Para maliwanagan pero hindi na magbabago ang aking desisyon na pupunta sa America. Kailangan kong panindigan iyon.

Tinawagan ko na si Sophia at agad naman niyang sinagot.

"Gosh! Cassy! Look! Sorry please let-" agad kong pinutol ito.

"Pumunta kayo sa bahay mamaya. Magkita nalang tayo doon. Bye." at ibinaba ko na ang tawag.

Nagmadali na akong umuwi at ng nakauwi ako ay nakita kong nandoon na sila sa bahay. Pagpasok ko ay nakita ako ni Alexa kaya agad siyang tumayo at sumunod naman si Donna na nagtangkang lumapit saakin pero pinigilan ko.

"Umupo kayo." sabi ko at inilagay ko yung bag ko sa mesa. Nakatingin lang sila saakin at walang nagsasalita. Tinanggal ko iyong sapatos ko at sumulyap sakanila.

"Salita." sabi ko at umayos ng upo.

"Look Cassy. I'm sorry..." sabi ni Donna ngunit tiningnan ko lang siya.

"Noong nakita mo kami nag-uusap lang kami doon." pagpapatuloy niya.

"Bakit hindi niyo sinabi saakin? Talagang nag-uusap lang kayo doon?" tanong ko sakanila. Nagtinginan silang tatlo.

"Aaminin ko, inaya niya akong magdate kami at gusto niya akong makilala pa daw ng mas matagal. Sasabihin ko din naman. Sasabihin din naman namin." pagpapaliwanag ni Donna. Ngumisi ako at umiling.

"Alam niyo? Wala namang magbabago. Aalis din ako. Iiwan ko din kayo." sabi ko aalis na sana ako ngunit pinigilan ako ni Alexa.

"Cassy... wait." tumingin ako sakanila.

"Hindi ako galit pero aalis pa din ako..." sabi ko. Napasinghap ako ng may yumakap sa aking likuran. 

Pagtingin ko ay si Gab iyon. Itinulak ko ito. At nakita ko ang kalungkutan sa kanyang mga mata.

"Aalis ka? Iiwan mo ako?" mahinang sabi niya. Hindi ko namamalayan na tumulo na ang luha ko. Mahirap para sa akin ito. Pero nakapagdesisyon na ako at para rin kay lola ito.

"Cassy naman eh.." hinawakan niya ang aking mga kamay at tumingin siya sa aking mga mata. Iniwas ko iyon at binitawan siya.

"Huwag niyo naman akong pahirapan." pakikiusap ko sakanilang lahat. Umiling lamang si Alexa, si Donna naman ay umiiyak na at si Sophia nakayuko lamang. Dumaan ang katahimikan sa aming lahat. Tila ang huni lamang ng hangin at ang mga tao sa labas ang naririnig. Walang gustong magsalita. Wala.

Umiling lamang ako at iniwan sila sala. Umakyat na agad ako sa kwarto ko. Ayoko munang lumabas. Masyado akong nasasaktan.

Pero hindi nila ako hinayaan na magkulong sa aking kwarto. Agad akong nakarinig ng katok ng kakaupo ko pa lamang sa kwarto.

"Buksan mo naman Cassy. Please." pagmamakaawa ni Gab. Umiling ako pero sa huli ay tumayo ako at binuksan ang pinto.

"Sorry..." sabi ni Sophia pero ang nakaagaw ng pansin ko ay iyong sabi ni Donna.

"Alam mo Cassy? Napakababaw ng iyong rason upang magalit saamin. Napakaarte mo." umirap ito at umalis na. Napansin kong nagulat sila sa tono ng pagsasalita ni Donna.

"Napakaarte ko daw. Aalis na din ba kayo?" Tumawa ako at umiling. Nagkatinginan sila.

"Aalis muna kami. Baka sakaling makapag-isip isip tayong lahat." sabi ni Alexa. At nauna siyang umalis na sinundan ni Donna at Gab.

Napaiyak ako pagkaupo ko sa aking kama. Naguguluhan ako sa nangyayari. Kasalanan ko ba lahat? Hindii ko na alam. Sobrang mabilis ang pangyayari ngayon. Hindi ko aakalain na magkakagulo bigla itong buhay ko. Sobrang makasarili ba ako? Ako ba ang nagkamali?

"Ayoko na.." mahinang sabi ko. Gusto kong magpahinga. Gusto kong pagkagising ko ay magiging maayos na ang lahat.

Ako na nga ay pumikit at pilit na kinakalimutan ang mga nangyayari ngayon.

Not YetWhere stories live. Discover now