Kabanata 6

16 4 2
                                    

"He's my friend Tita." pagtanggi ko. Nang mapatingin ako kay Huxley ay nakita kong ngumiti siya pero naalis din agad iyon.

Madami pang kwento si Tita at biglang nagdoorbell. Agad nagpaalam si Tita upang buksan iyon.

"Friend ha?" tanong nito saakin at ngumisi siya.

"Best Friend?" tanong ko pabalik. Ngumuso ito at nagkibit balikat. Ang gwapo talaga niya eh.

"You know what, I like you.." sabi nito at tumaas ang gilid ng labi nito. Muntik na akong mawalan ng sinabi nito. He likes me?

"Uh I mean, I like you to be my friend" sabi nito at parang napansin ang pagkailang ko.

"Ay akala ko pa naman.." mahinang sabi ko at parang hindi naman iyon narinig ni Huxley.

Bumalik ulit si Tita Marifel ngunit nagulat ako sa biglang pag-iyak niya.

Yinakap ko ito at si Huxley naman ay nataranta narin.

"Si Frances naaksidente daw.. Pupunta kami sa Hospital..." sabi ni Tita at umiyak nanaman.

"Ma magiging okay din si Ate" mahinang sabi ni Huxley.

Tumayo na si Tita Marifel at pumunta na sila ni Tito Ramon sa hospital.

Tahimik lang kami ni Huxley at mukhang malalim pareho ang iniisip namin.

"Hindi naman mawawala si ate diba?" tanong ni Huxley at hinilamos ang mukha gamit ang kanyang mga palad. Tumango ako.

Hindi ko inaasan ang pagtulo ng luha ni Huxley. Hindi ko alam ang gagawin ko.

"Come here.." nabigla ako ng ito ang lumabas sa bibig ko.

Lumaput si Huxley saakin at yinakap ako ng mahigpit. Matagal kaming ganoon pero walang nagsasalita.

Humiwalay din si Huxley at ngumiti ito saakin.

"Magdasal tayo." sabi ko. Tumango naman siya.

"Panginoon, huwag niyo pong pababayaan si Ate Frances. Bigyan niyo po siya ng lakas, pati narin po sa mga taong nagmamahal at nag-aalala sakanya. Patawarin niyo din po kami sa mga kasalanan namin. Iyon lang po ang aming hiling, Amen."

Ng matapos kaming magdasal ay hinila na ko ni Huxley sa kusina.

Tahimik lang kaming kumain. Noong tapos na kami ay ako na ang naghugas. Noong una ay hindi pa pumayag si Huxley.

"Alas otso na?" tanong ko kay Huxley habang nanonoos kami ng TV. Tumango ito.

"Kailangan ko ng umuwi Huxley." sabi ko kaya ito napatingin saakin.

"Sige tatawagan ko lang si Mang Roel sa labas. Ihahatid ka namin." sabi nito at pinatay na ang TV. Tumayo si Huxley kaya tumayo na rin ako. At si Huxley naman ay pumunta na sa labas.

Bumalik si Huxley sa loob. "Halika na." aniya nito.

Nagulat akong napatingin sakanya ng bigla nitong hinawakan ang kamay ko. Sumulyap ako kay Huxley pero diresto ang tingin nito pero nakangiti.

Hinayaan ko lang iyon dahil gusto ko rin naman. Ay malandi ka talaga Cassy! Harot mo!

Pati sa sasakyan ay tahimik lang kami pero hindi binibitawan ni Huxley ang kamay ko. Napansin ko din na pangit ngiti rin si Mang Roel.

Tumigil na kami sa bahay at binitawan na ni Huxley ang kamay ko.

"Salamat! Ingat kayo!" sabi ko at lumabas na sa sasakyan. Kumaway ako kay Huxley at Mang Roel. Tumango lang si Mang Roel na pangiti ngiti at si Huxley naman ay kinindatan ako.

Omg! Totoo ba ito?! Ang gwapo!

"Anak hindi ka pa ba papasok?" nabigla ako ng may nagsalita. Nakita ko si Papa.

"Hi pa!" masiglang sabi ko at hinalikan sa pisngi.

Pumasok na kami sa loob at hinalikan ko rin sa pisngi si Mama.

Pumasok na ako sa kwarto at nagbihis na.

Patulog na ako ng may natanggap ako na dalawang mensahe. Si Gab at iyong numero na hindi nakaphonebook sa phone ko. Una kong binuksan yung kay Gab.

"I'm sorry ulit :) See you tom!"

Hindi ko nalang ito rineply'an. Binuksan ko ang isa pa.

"Good Night Cassy! :) -Huxley"

At eto nga ang mensaheng hindi ako pinatulog ng maayos.

Not YetWhere stories live. Discover now