Kabanata 2

52 7 3
                                    

Nagising akong may kumatok sa room ko. Agad akong bumangon at tiningnan kung anong oras na. It's already 6:30 and i need to go to school before 7. Argh! Damn.

"Cassy? Get up..." narinig ko ang mababang boses ni Gab. Maaaring sabay kaming papasok. Close naman sina mama at papa kay Gab. Kaya pinapayagan nilang pumunta si Gab saamin kahit anong oras at kahit kailan.

"Yes, wait for me nalang sa sala.." inaantok na sabi ko. Agad din naman akong bumangon at nag-ayos ayos na.

Nang bumaba ako at nakita ko sina mama at papa na masayang kakwentuhan si Gab. Maingat akong naglakad papunta sakanila.

"Good morning!" singit ko at napatingin silang tatlo saakin. Bumeso ako kay mama pati kay papa. Nakita kong sumulyap si Gab saakin.

"Tara na Gab..." ani ko sakanya.

"Hindi ka kakain?" tanong ni Mama. Umiling nalang ako. Ngumisi naman si Papa.

"Nagdi-diet iyan!" natatawang sabi ni Papa.

"Aba nagpapaganda ang anak natin." sabi ni mama at tumawa naman si papa. Umiling na lamang ako.

Tumayo na si Gab at lumapit saakin. Patuloy ang pang-aasar nina mama saakin kaya ngumuso ako.

"Mauna na po kami tita, tito." magalang na sabi ni Gab at tumango naman si Papa.

Naglalakad na kaming papunta sa school ng maalala ko ang pang-aasar nina mama. Napasimangot ako dahil doon. At napatingin si Gab saakin.

He stared at me at pinag-aaralan ang mukha ko. The he chuckled. "You're cute."

"Matagal na Gab.." mahinang sabi ko at ngumisi. Malapit na kami sa school ng may tumawag kay Gab. Kaya napahinto kami sa paglalakad. Sinagot niya iyon.

"Bakit.. ha? O sige... anong oras tayo babalik?... sa tanghali nalang daw?... sige." binaba ni Gab ang cellphone niya at napatingin saakin.

"Sino yon? Ano sabi?" tanong ko sakanya.

"Wala daw tayong pasok ngayong umaga may meeting ang mga guro natin." sabi niya at hinila ako at lumiko kami.

"Teka saan tayo pupunta?" tanong ko ng hindi na siya nagsalita.

Ngumuso siya at tumingin saakin. "Hindi ka pa kumakain.." sabi niya at saktong huminto kami sa isang Restaurant.

"Delevigne's Restaurant..." hindi ko namalayan ay napalakas ko ang pagbasa nito.

"hmmm.." ngumiti si Gab saakin.

"Sainyo to diba? Hindi pa ako nakakapunta dito. Ang mahal eh." sabi ko at tumawa naman siya. Gwapo talaga to ha.

"Yes saamin iyan.." maikling sagot niya at pumasok na kami.

Agad kaming pumasok at magaling na bumati ang mga staff doon. Nginitian ko lang ito.

Habang hinihintay namin ay saktong lumabas sa opisina ang mama ni Gab. Agad akong tumayo ng makita kong papalapit siya saamin.

"Hey, darling..." bati ni Tita Grace saakin. Nakipagbeso beso siya saakin.

"Good morning tita!" sabi ko at tumingin naman siya kay Gab.

"Wala kayong pasok iho?" tanong niya at umiling si Gab.

"Wala ma." sagot nito.

Tumango si Tita Grace "Aalis na muna ako..." nginitian ko naman siya. At si Gab naman ay hinalikan ang pisngi ng ina. Naks ang sweet ni Gab ah.

Ng umalis na si Tita ay tinusok ko yung pisngi.

"Aw.. What did I do?" kumunot ang noo ni Gab.

"Ang sweet mo pala sa mama mo!" nang-aasar na sabi ko.

"Ganyan din ako sa magiging future girlfriend ko.." mahinang sabi niya at kumindat saakin.

Not YetWhere stories live. Discover now