Kabanata 5

20 5 0
                                    

Kinabukasan ay maaga akong pumasok. Agad akong sinalubong ng aking barkada sa gate.

"Cassy!!! We miss you!! We texted you kahapon ng umaga para makabonding tayo, kaso hindi ka nagreply." nagtatampong sabi ni Alexa at yinakap nila ako.

"I'm sorry girls. Hindi ko pa nachecheck ang phone ko, and kasama mo si Gab kahapon..." malambing na sabi ko sakanila. Ngumuso naman sila.

"Nagkaroon lang ng Gab ha.." nagtatampong sabi ni Sophia. Napatawa naman ako at umiling.

"We're just friends." pagtanggi ko dahil alam ko ang gusto niyang iparating.

Nagkulang ang oras namin sa kwentuhan ng nagring na yung bell. Agad akong nagpa-alam sakanila at pumasok na sa classroom namin.

Nginitian ko si Gab ngunit hindi ako pinansin nito. Anong problema nito?

"Hey... what's your problem?" tanong ko ng makalapit sakanya. Sinimangutan lang ako at hindi pinansin. What the hell?

"Hey.. talk to me.. dadating na yung teacher natin." Pero hindi ako pinansin. Hindi na ako nagsalita dahil pumasok na nga ang aming guro.

Ng lunch na namin ay hinila ko si Gab ng tumayo nalang siya at hindi parin ako kinakausap.

"What's wrong with you?" Naiinis na tanong ko sakanya.

"Wala." maikling sagot at umalis na ito. Damn, what's happening?

Hindi ako kumain ng lunch dahil wala akong gana. Naguguluhan parin ako sa inaakto ni Gab. At dahil inaantok na ako ay ipinikit ko muna ang mga mata ko at sumandal sa pader.

Nagising nalang ako ng may kumalabit saakin. I expected na si Gab iyon. Hindi niya ako matitiis.

"Sorry na kung ano mang kasalanan ko, sor---" Damn, It's Huxley at nakakunot ang noo dahil naguguluhan sa sinabi ko.

"Nakasalubong ko si Gab kanina, at sinabing padalhan ka ng pagkain dito.." mahinang sabi ni Huxley. Ngumuso ako. Iniiwasan ba ako ni Gab?

"Nag-away ba kayong magkasintahan?" tanong ni Huxley at nagulat ako sa tanong niya. Magkasintahan? Nagjojoke ba ito?

"He's... he's not my boyfriend." nakayukong sabi ko. Kumain nalang ako at tahimik rin siya sa harapan ko.

Pagkatapos kong kumain ay itinapon na ni Huxley ang pinagkainan ko at nagpaalam na ito. Nagpasalamat ako sakanya at ngumiti lang ito.

Ng oras na sa aming susunod na klase ay saktong pumasok na si Gab.

"Gab.." pagtawag ko dito. Sumulyap siya saakin at iniwas ang tingin.

"What's wrong?" tanong ko sakanya.

Tumikhim siya "Gusto ko lang naman na mapalapit kayo ni Huxley... diba crush mo?" sa wakas sumagot na siya.

"Yes, crush ko siya. Pero hindi mo naman kailangang umiwas. What the.." hindi ko ito naituloy dahil pumasok na si Ma'am. Binigyan kami ng quiz at ako naman ay naggigigil parin.

Ng dahil doon iiwas na si Gab? No way! Oo, crush ko si Huxley pero hindi ko naman ipagpapalit iyon sa pagkakaibigan namin ni Gab.

Ng matapos ang klase ay hinila ko si Gab para makapag-usap sakanya.

"May pupuntahan ako.." sabi ni Gab pero halata naman na wala.

"Wala ka na bang irarason na iba? Yung maniniwala ako?" tanong at umiwas siya ng tingin.

"Crush ko siya pero hindi ko hahayaan na ipagpapalit ko ang pinagsamahan natin para lang makaclose ko siya Gab.." naiyak na ako at mukhang hindi inaasahan ni Gab iyon. Agad niya akong yinakap.

"Sorry.. sorry. Sa tingin ko kasi iyon ang dapat gawin." nginitian niya ako.

"I need to go home. Mag-ingat ka" sabi ni Gab at umalis na.

Lumabas na ako sa room at nakita kong naghihintay si Huxley doon.

Damn, ngayon pala yung dinner sa bahay nila.

"Cassy.." napatikhim ito tsaka nagsalita ulit. "Sabay na daw tayong pumunta sa bahay, nandiyan na sa labas si Mang Roel na susundo saatin."

Tahimik kaming naglakad papunta sa gate. At noong sumakay na kami sa sasakyan ay akala ko tahimik parin kami.

"Bati na kayo?" Hindi ko inaakala na magsasalita ito. At ang tinutukoy niya ay ang naganap saamin na hindi pagkakaintindihan.

"Oo, nagkausap na kami"  sagot ko at tumingin sa labas ng bintana.

"Bakit kapag magkasama tayo, ang tahimik mo? Nahihiya ka?" tanong ni Huxley saakin. Napansin niya iyon?

"Nahihiya naman kasing makipag-usap sa iyo" sabi ko at sumulyap ako sakanya. Kumunot ang noo nito dahil sa sinabi ko?

"I mean, sikat ka sa school, Grade 9 palang tayo ang dami ng naghahabol saiyo." pagpapatuloy ko. After kong sinabi iyon ay tumawa siya. Pati sa pagtawa ang gwapo.

"Anong mali doon? Ikaw din naman sikat ka ah" sagot nito at ngumisi. Ngumuso ako. Hindi ko naman maitatanggi iyon.

Hindi sa pinagyayabang ko pero totoo naman. Tuwing nasa school ako ay may tatawag nalang sa aking pangalan o kaya naman babatiin nila ako.

"Tsaka wala namang problema doon, hindi ba? Pantay-pantay padin naman tayo sa tingin ng Diyos. Sikat man o hindi pwede naman tayong makipagkaibigan hindi ba?" tumango ako bilang pagsasang-ayon. Sabagay nga naman.

Huminto na ang sasakyan at sinalubong kami ni Tita Marifel. Yinakap ako at pumasok na kami sa bahay nila.

"May nobyo ka na ba iha?" biglang tanong ni Tita Marifel habang nagkwekwentuhan kami.

"Ha? Wala po" magalang na sagot ko.

"Eh sino iyong kasama mo noon at nakayakap sayo?" tanong ulit ni Tita Marifel.

Pati si Huxley ay natigilan sa pag-aayos sa kusina ng narinig ang sinabi ng mama niya. At tila tumingin ito saakin at parang hinihintay ang aking sagot.

Not YetWhere stories live. Discover now