Kabanata 7

17 3 0
                                    

Naglalakad ako ngayon papuntang school na lutang. Wala akong tulog! Hello! At kasalanan ni Huxley ito! Naalala ko nanaman ang text nito at napatingi nanaman ako. Hindi ko namamalayan ay dumaan na ako sa gate namin ay may nabangga ako.

"Sorry Cassy... sorry" mahinang sabi ng nakabangga ko. At ng tumingin ako sakanya ay hindi ko naman kilala.

"Uh okay lang. Kilala mo ako?" tanong ko at tinulungan ko narin siya sa pagpulot ng gamit nito.

"Sino nga naman yung taong hindi ka kilala..." at ngumiti ang babaeng ito saakin. Wow. Ang simple lang nito pero ang ganda niya ha.

"Meron pa naman." bigla akong nahiya sa ganda nito.

"I'm Melody nga pala. Sige una na ako ha?" mabait na sabi nito tsaka umalis.

Naglakad na lang ulit ito at pumasok na sa classroom namin.

"Good Morning!" bati ni Gab sakanya. Tumango naman ako tsaka ngumiti.

"Nandito nga pala sina Sophia kanina. Kaso wala ka pa naman. Miss na miss ka na daw nila eh." sabi ni Gab.

"Tatawagan ko nalang siguro sila mamaya." sagot ko sakanya. Napansin kong hindi siya mapakali.

"Anong meron?" tanong ko at napatingin ito saakin.

"Ah sabay tayo maglunch ha?" tanong ni Gab.

"Hindi ako kakain sa lunch, diet" sagot ko naman at sa tingin ko ay aangal pa ito kaso inirapan ko nalang.

"Ikaw bahala, may sasabihin ako." sabi nito. Kinabahan ko sa sinabi niya at hanggang sa dumating na ang lunch.

"Ano yung sasabihin mo?" tanong ko habang umuupo kami sa damuhan.

"Huwag mo akong tatawanan ha?" paninigurado ni Gab saakin.

"Sabihin mo na dali!" sabi ko at magsasalita na sana siya ng lumapit saamin sina Alexa.

"Gab! Hiramin nga muna namin si Cassy, madaming ikwekwento to saamin." pagpapaalam ni Sophia kay Gab.

"Teka may sasabihin pa--" naputol ang gusto kong sabihin ng hinila na ako nina Donna. Lumingon ako kay Gab at ngwave ito saakin. Nginitian ko nalang ito.

"Cassy, yung totoo? Gab o Huxley?" biglang tanong ni Alexa. Napakunot ang noo ko sa tanong na iyon.

"Ano ba kayo? Anong klaseng tanong yan? Ofcourse... Huxley?" parang nainis ako sa sarili ko na parang hindi ako sigurado sagot ko.

"Si Huxley ba talaga ang gusto mo? O kinukumbinsi mo ang sarili mo?" tanong ni Sophia saakin. Naguguluhan na ako.

"Si Huxley naman talaga ng gusto ko eh." sagot ko sakanila at ngumuso.

Napansin kong hindi sila naniniwala sa sagot. Umiling naman si Donna. At narinig ko ang pagtawa ni Alexa. Nagkatinginan silang tatlo...

Natapos ang klase namin at palakad na ako papunta sa labas ay hinarang ako ni Gab.

"Hey.." sabi niya kaya nilingon ko siya. Damn may sasabihin pa pala ito saakin.

"May sasabihin ako." sabi nito kaya binagalan namin ang paglalakad.

"Ano iyon?" tanong ko sakanya. Umangat ang gilid ng labi nito.

"You know Melody?" tanong ni Gab saalin pabalik. Tumango naman ako.

"Liniligawan ko siya!" nakita ko ang kislap sa mata niya. At bakit ganito ang nararamdaman ko. Hindi ba dapat maging masaya ako? Oh, damn you Cassy! You're happy for Gab, right?! Right! Yes, I'm happy!

"Re-really?" nauutal na tanong ko. Ang laki ng ngiti niya. Bakit parang may masakit dito sa puso ko?

"Alam mo ba noong una kong nakita si Melody, nabihag na ang puso ko..." ang dami pang sinabi si Gab pero wala akong naintindihan. Lutang na lutang ako.

"Are you okay?" tanong nito saakin ng huminto na kami harap ng bahay. Napansin niya rin siguro na lutang  ako.

"Papasok na ako, magingat ka!" pinilit kong maging masigla. Hinalikan niya ako sa noo at ngumiti saakin bago naglakad paalis.

Napatakbo siya agad at nagkulong sa kwarto.

Damn! Bakit ganito! Bakit ganito ang nararamdaman ko! Hindi dapat ganito!

Not YetWhere stories live. Discover now