Kabanata 3

24 5 3
                                    

Hindi ko napigilan ang ngumiti pagkasabi ni Gab yon. Aba napakabolero naman.

Pagkatapos kaming kumain kanina at tumambay nalang kami dito sa park. Malapit na ring mag 12:30 kailangan na naming pumasok dahil may pasok daw kami ngayong hapon.

"Tahimik mo..." malambing na sabi ni Gab kaya napatingin ako sakanya. Nagkibit-balikat ako at ipinagpatuloy ang pag-iisip.

Umakbay siya saakin. "Anong iniisip mo?" tanong niya saakin.

Linaro ko ang aking mga daliri at piniling huwag na munang magsalita. Minsan talaga ganito ako. Hindi ko alam kung bakit bigla bigla nalang akong malulungkot.

Biglang nataranta si Gab ng tumulo ang mga luha ko.

"Hey... stop crying..." inalo ako at yinakap ko naman siya.

Kumalas siya sa yakap at hinarap ako sakanya. Hinawakan niya ang aking balikat.

"May problema ka ba? Come on, i-open mo lang. Makikinig ako.." mababang sabi niya. At pinunasan ang aking tumutulo na mga luha.

"Minsan kasi... hindi ko maramdaman na may mga kaibigan ako.." panimula ko.

Hindi siya nagsalita kaya itinuloy ko na.

"Yes kilala niyo ako bilang masayahin. Or should I say nakikita niyo akong laging masaya... pero may problema din ako. And oo, i have many friends pero parang hindi ko kayang i-open sakanila... feeling ko lagi akong mag-isa. Na walang makakaintindi saakin. Bakit ganoon?"

Yinakap niya akong mahigpit ng hindi na ako nagsalita.

"Kung hindi mo kayang i-open ang mga problema mo sa mga kaibigan mo... nandyan ang Panginoon. Pwede mo siyang makausap kahit kailan, kahit saan. Magdasal ka. Hindi ka nag-iisa. Ang Panginoon ay laging nasa tabi natin Cassy. At nandito rin naman ako. Handa akong makinig..." malambing na sabi niya.

Pinunasan ko na ang aking luha at tumango. Tumayo na ako at hinila ko siya.

"Ang drama natin tara na late na tayo!" natatawang sabi ko. At ginulo niya ang buhok ko. Gosh! Ano nalang itsura kong papasok sa school?! Hinampas ko ito pero siya, nakangisi lang.

Pagkarating namin sa classroom ay napatingin ang mga kaklase namin.

"Magkasama kayo kanina?" tanong ni Maddy saamin. Hindi ko naman itatanggi iyon kaya tumango ako.

"Jusko po!" nang-aasar na ngayon ang aming mga kaklase saamin.

"Hala ka Gab, selos 'tong si Clara.." biglang sabi ni David. Napatingin naman ako kay Clara at sumulyap ito saakin. 

Si Clara ay crush ni Gab. Iyon ang sabi ni Gab saakin noon. At parang may feelings din si Clara kay Gab.

"Magkaibigan lang naman kami..." sabi ko at umupo na.

Hindi ko napansin na tapos na pala ang klase namin. Tumayo na ako at nag-ayos ng gamit ko.

"Cassy! May naghahanap sayo!" sigaw ni Jonna. Dali-dali akong pumunta sa labas at nakita ko si Huxley.

"Hey.." lumapit ito saakin at nginitian ako.

"Sabi ni Mama bumisita ka raw sa bahay.." nahihiyang sabi saakin. At agad namang kumunot ang noo ko. Sinong Mama niya? Ipapakilala na ba niya ako? Nako po! Liligawan na ba ako ni Huxley?!

"Ha? Ipapakilala mo ako sa nanay mo?" Sa lahat ng mga gusto kong itanong eh ito ang lumabas sa aking bibig. Nakakahiya ka Cassy!

Napansin kong pinigilan ni Huxley na huwag tumawa at pinilit magseryoso. Kinagat ni Huxley ang kanyang ibabang labi.

Agad akong umiwas ng tingin. Jusko po. Inosente po ako. Ang gwapo! Damn!

"Marifel ang pangalan ng mama ko..." sagot nito saakin. At agad akong napanganga.

Si Tita Marifel ay kaibigan ng Mama ko. Noon eh lagi akong tumatambay sa bahay nila Tita Marifel pero bakit hindi ko nakikita si Huxley noon? Wala namang nakwento si Tita na may anak pa sila ni Tito Rom maliban kay Ate Frances.

"Bakit hindi kita nakikita noon?" tanong ko sakanya.

Nag-ayos ito ng buhok. "Nasa probinsya ako noon. Kasama sina lola..."

"Saan?" hindi ko mapigilang magtanong.

"Sa ilocos..." sabi nito at tumango nalang ako.

"Pakisabi kay Tita bukas ako pupunta ha? Pakisabi rin na miss ko na siya... bye" sabi ko at hindi ko na hinintay na magsalita siya. Nagsimula na akong maglakad ng hinabol niya ako.

"Teka.. ano... number mo nga para ano..." paputol putol na sabi ni Huxley.

"Matext kita kung... ano ang sagot ni Mama sa pinapasabi mo." pagtutuloy niya.

Bigla akong napatawa ng malakas. Sa dinami dami ng palusot para makuha niya number ko iyon pa! Tsaka totoo ba to? Kinukuha ng crush ko yung number ko?

"Hey.. what's funny?" nahihiyang sabi ni Huxley. Napakunot ang noo nito.

"Wala wala..." patuloy akong tumawa at kumuha ng papel at ballpen. Isinulat ko ang number ko.

"Salamat Cassy, bye ingat!" sigaw niya at biglang tumakbo. Ay may fun run te?

Habang naglalakad ako ay sumulpot bigla si Gab.

"Selos ako ha. Tumawa ka noong kinausap ka ni Huxley tas ako kanina hindi ka man lang tumawa." nagtatampong sabi nito.

"Drama mo! Baliw!" Sigaw ko at tumakbo narin pauwi. Nang lumingon ako ay nandoon parin si Gab sa pwesto nito at kinindatan ako.

Pagkauwi ko sa bahay ay pumasok ako sa kwarto ko. Magpapalit pa sana ako ng damit ng kumatok si Mama.

"Anak may bisita ka!" sigaw niya. Agad akong nagbihis at baka si Gab ito.

Bumaba ako sa hagdan at nagsalita.

"Gab! May nakalimutan ka? O baka uu----" napalingon ako sa bisita ko at hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko. Hindi si Gab ang nandon.

Not YetWhere stories live. Discover now