Kabanata 4

18 4 0
                                    

"Hi Cassy!" bati ng bisita ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino iyon.

Dali akong lumapit sakanya at yinakap.

"Ate Frances!!! I miss you!" sigaw ko at tumawa siya. At yinakap ako pabalik.

"Balita ko pupunta ka daw bukas sa bahay.." sabi nito.

Tumango ako. "Oo ate gusto daw ni Tita na bumisita ako sa bahay niyo."

"Teka ha? Tawagin ko lang kapatid ko. Nahihiya daw pumasok eh." Sabi ni Ate Frances. Hindi na ako nakapagsalita ng lumabas si Ate Frances.

Omg?! Nandito si Huxley? Kailangan kong mag-ayos! Pupunta pa sana ako sa kwarto ng naramdaman kong pumasok na uliy si Ate Frances at may kasama na.

"Cassy, Si Jon kapatid ko." pagpapakilala ni ate Frances. Pero nanatili akong nakayuko. Jon? Hindi bat si Huxley ang kapatid nito?

Hindi ako nakatiis at tumingin sa taong nasa harapan.

"Hux..Huxley?" dahan dahan kong sinabi? Ngumiti ito saakin.

"Ay magkakilala kayo?" naguguluhan na si ate Frances. Tumango ako pero hindi nagsalita at ganoon din si Huxley.

"Teka ha ibibigay ko lang kay Tita itong pasalubong ha?" sabi ni ate Frances. Naiwan kaming dalawa ni Huxley doon.

"Jon ang pangalan mo?" Hindi ko natiis na natanong.

"Yes. I'm Jon Huxley" Dahan-dahan akong tumango at hindi na nagsalita.

Paanong hindi ko alam na may 'Jon' pa pala sa pangalan nito eh ang tagal tagal na niya akong stalker. Huxley lang naman ang alam kong name niya. At iyon ang tawag sakanya ng lahat sa school namin.

Bumalik na si Ate Frances at nagkwento ito tungkol sa pamumuhay sa US.

"Ate maganda talaga doon? Hindi pa ako nakakapunta doon pero si Papa at Mama ay pumupunta doon minsan para sa negosyo namin at nandoon din ang iba naming kamag-anak" pagdadal-dal ko.

Napansin kong nanatiling tahimik si Huxley. Kaya kung minsan ay tinitingnan ko siya. Hindi naman siguro nila mahahalata na crush ko siya.

At dahil sa mapaglarong tadhana, saktong nakatingin ako sakanya ng tumingin si Huxley saakin.

Kumunot ang noo nito "Why are you staring?"

Ayan nahuli ka Cassy, landi ng mata mo. Ang sungit naman nito. Gwapo pero masungit. Napatigil din sa pagsasalita si Ate Frances.

Magsasalita pa sana ako ng may nagdoorbell.

"Anak pakitingnan kung sino?" Sigaw ni mama na galing sa taas. Tatayo na sana ako ng tumayo si Huxley.

"Ako na.." at lumabas na ito.

Hinayaan ko nalang at umupo ulit.

Biglang bumalik si Huxley ng masama ang timpla.

"Sino iyon?" Tanong ko sakanya.

"Gab..." sagot niya. Kumunot naman ang noo ko.

"Eh bakit hindi mo pinapasok?" Tanong ko. Ngumisi siya.

"Sinabi lang naman ni Tita na tingnan kung sino ang nagdoorbell.." pilosopong sagot nito. Inirapan ko siya at lumabas na. Narinig ko pa ang tawa ni Ate Frances.

Nakita ko si Gab na nakatayo parin sa Gate namin. Ng makita ako ay agad akong sinimangutan.

"Bwisit yang Huxley na yan... Buti nakapagtimpi pa ako. Akalain mo yon. Hindi ako pinagbuksan tapos sinabi na sabi daw ni Tita na tingnan lang kung sinong nagdoorbell. Asar! Bw---" hindi na natapos ni Gab ang pagsasalita ng tinawanan ko siya.

"Anong nakakatawa?" tanong ni Gab at ngumuso. Waaah! Ang gwapo pala talaga ni Gab.

"Halika pasok ka.." sabi ko at hinila ko na ito.

Ng nakapasok kami sa loob ay nagkatinginan sina Huxley at Gab. Iniwas ni Gab ang tingin at tumingin saakin.

"Nasaan si tita?" mahinang tanong nito.

"Nasa kusina na.."  sagot ko. Tumango naman ito at pumuntang kusina na.

"Tita Dianna! May dala po akong pagkain! Maganda hapon nga po pala..." narinig ko pa ang pagbati ni Gab sa aking ina.

"Manliligaw mo?" nabigla ako ng magsalita si Ate Frances. Nakalimutan ko pa na nandito pa pala sila.

"Hindi ate..." napasulyap ako kay Huxley at nagtaas siya ng kilay.

"Kaibigan ko siya.." pagtutuloy ko. Napansin kong ngumiti ng kaunti si Huxley ng narinig iyon.

Nako, aasa nanaman ba ako? May pangiti-ngiti pa eh.

Not YetWhere stories live. Discover now