Kabanata 9

12 3 0
                                    

Kumain na kami matapos ang pag-uusap namin ni Gab. Nakita kong pasulyap sulyap si Huxley saakin. Hindi ko nalang pinansin ito at patuloy ang pakikinig sa mga kwento ni Tita.

Matapos kaming kumain ay hinatid na ako ni Gab pauwi. Habang naglalakad ay walang imikan. Hanggang sa nasa tapat na kami ng bahay.

"Happy Birthday ulit kay mama mo..." mahinang sabi ko. Tumango lang ito at parang may sasabihin pa pero hindi na itinuloy.

"Mag-ingat ka." sabi ko at pumasok na sa loob. Hindi ko na siya muling tiningnan pa.

Naabutan ko si Mama na nanood ng TV.

"Ma.." pagtawag ko ng pansin sakanya. Tumingin ito saakin.

"May problema ka?" tanong niya ng maupo na ako sa tabi niya. Tinitigan niya ako kaya umiwas ako ng tingin.

"Ma... paano mo masasabi na gusto mo na ang isang tao?" nahihiyang tanong ko. Ngumiti naman siya.

"Gusto mo siyang makasama, masaya ka kapag nakikita mo siya. Kapag gusto kasi anak, parang crush din yon pero mas malalim din yung feelings ganoon. Sino ba iyang lalaki na iyan?" tanong nito saakin. Ngumuso ako at nahihiya kay mama.

"Ma naman eh.." tumawa ito at yinakap ako.

"Dalaga ka na talaga eh." yinakap ko siya pabalik. Kumalas na ako sa yakap at nginitian si Mama.

"Ma punta muna ako sa kwarto ko." tumango ito kaya dali akong pumunta sa kwarto ko.

Siguro nga gusto ko na si Gab. Siguro nga hinahangaan ko lang si Huxley. Pero hindi pwede eh. Kaibigan lang ang tingin niya saakin. Ayokong lumalim na itong nararamdaman ko para sakanya. Bata pa kami. Madami pang mangyayari.

Kinabukasn ay nagising ako ng maaga kahit wala kaming pasok. Sabado na pala ngayon.

Nagpaalam ako kay Mama dahil magbobonding kami ng mga barkada ko.

Nang matapos akong mag-ayos ay dali na akong pumunta sa bayan.

Nakita ko si Sophia na naghihintay doon sa gilid ng simbahan. Dali-dali akong lumapit sakanya at namg mapansin ako ay agad akong yinakap.

"Bruha!" sabi nito at tinawanan ako. Ngumisi ako sakanya at inayos ko ang buhok ko.

"Nasaan na ba sina Alexa?" tanong ko sakanya at kinuha ko muna ang aking cellphone at inaliw ang aking sarili.

"Hala..." mahinang sabi ni Sophia kaya napatingin ako sakanya. Nakita kong gulat na gulat ito kaya tiningnan ko ang direksiyon ng kanyang mga mata.

Napasinghap ako sa kung ano ang nakita ko. Donna at Huxley?

"Ah ano kasi Cassy.." panimulang sabi ni Sophia saakin na tila kinakabahan. Alam nilang crush ko si Huxley pero ang nakakainis ay iyong hindi nila sinabi saakin.

"Ano?" Naiinip kong sagot. Gusto kong umirap pero pinigilan ko.

Hindi ko napigilan na lumapit na kina Donna at Huxley. Mukhang gulat na gulat pa sila ng makita ako.

"Oh..." iyon lang ang nasabi ko sakanila at muli akong tumingin kay Sophia na nasa likod ko.

"Uuwi na ako... medyo masama na ang pakiramdam ko." agad akong umalis at umuwi na.

Ng dumating ako sa bahay wala ng tao. Siguro may pinuntahan si Mama.

Nagbihis na ako ng pambahay at agad na umidlip.

Pagkagising ko may narinig akong mga boses sa baba. Kaya agad akong pumunta sa kusina at nakita ko si Mama, Donna, Alexa at Sophia. Napatingin silang lahat saakin.

"Cassy..." sabi ni Alexa saakin. Pero hindi ko pinansin. Tumingin ako kay Mama na sa tingin ko ay may sasabihin saakin.

"Tumawag ang Papa mo saakin." Sabi ni Mama. "May sakit ang lola mo doon sa America at gusto niyang tumira ka doon hanggang sa huling hininga niya."

Napatingin ako sa tatlo at nakita kong naiiyak na sila.

Agad akong nagdesisyon. Tumango ako kay mama na ikinagulat nilang lahat.

"Okay ma." Sagot ko sakanya. Tumalikod na ako ng magsalita si Donna.

"Cassy iiwan mo kami? Pag-isipan mo muna. Huwag kang magdesisyon agad." Sabi nito. Ngumisi ako sakanya.

"Bakit? Pinag-isipan niyo ba muna bago kayo naglihim saakin?" Tanong ko ito. Agad naman itong napatahimik.

Dali akong pumunta sa kwarto ko at nagkulong.

Wala eh. Nasaktan ako. Pinilit kong matulog ulit.











(Don't forget to vote darlings! Love ya!!)

Not YetWhere stories live. Discover now