Chapter 44

2.3K 55 16
                                    

LEIGH's POV

It's been a week simula ng ikasal siya kay jacob. At sa isang linggo na iyon, wala akong ginawa kundi magpakalasing at magmukmok dito sa resthouse ko sa tagaytay.

My families and friends kept calling me but i ignored it all. I just want to be alone. I don't want them to see me in this condition. I don't want them to pity me.

For nth times, nilagok ko ang bote ng beer na hawak hawak ko. Hindi ko na mabilang kung ilang beer na ang nainom ko simula nung umuwi ako ng pilipinas.

"We're worried Sick about you tapos andito ka lang pala" paglingon ko, i saw drew and nicko.

"Ni hindi ka nagyayayang uminom. Alam mo namang andito lang kami para sayo" inakbayan ako ni nicko bago umupo sa bar counter.

"We heard what happened." Panimula ni drew.

"Is it true?"tanong ni nicko bago kumuha ng iinumin.

"Yeah" tanging sagot ko. I didn't hear a word from them. Alam ko din kasing hindi nila alam kong ano ang sasabihin nila.

"Anong plano mo?" Biglang tanong ni drew.

Ano nga bang plano ko?

"I don't know" uminom ako sa beer ko.

"Tol! Tignan mo sarili mo o. Napapabayaan mo na. Hindi na ikaw yong gwapong gwapong leigh. Laki din ng binagsak ng katawan mo" ani nicko.

"I know sobrang mahal mo siya pero insan, hindi mo siya maibabalik sa pag inom ng alak at pagmumukmok. Your mom and dad are so worried about you. Umuwi ka na ng manila" panghihikayat ni drew.

"Alam ko naman iyon e. Na kahit siguro magpakamatay ako, hinding hindi na siya babalik sa akin" again, nilagok ko ang bote ng alak.

"Oh siya! Cheers tol!" Bigla nalang sinabi ni nicko habang nakataas ang bote ng alak.

"Cheers" ngumiti ako bago nakipagcheers.

"Sumasali ka pa e" sabi ni drew kay nicko.

"Bakit? Hayaan mo siyang magpakalasing. Hayaan natin siyang makalimot sa sakit na nararamdaman niya kahit panandalian lang" inakbayan ako ulit ni nicko.

"Oo nga insan, wag kang kj jan" baling ko kay drew.

"Insan, it's been a week na wala kang inatupag kundi ang uminom. Sa loob ng isang linggong iyon, ni hindi ka daw kumakain"

"Paano mo nalaman?"

"Taehna tol! Malamang sinabi ng caretaker mo. Akala mo naman kay drew? Pamangkin ni madam auring" nagtawanan kami sa sinabi niya.

"Pwedi! May pagkahawig naman sila e" tumatawa kong sabi. Binatukan ako ni drew.

"Hanep ah! Kahawig ka jan, sa gwapo kong ito?"

"Wow! Hangin ah! Naka number 3 ba ang electricfan mo tol" sabi din ni nicko. Lalo lang kaming nagtawanan.

Sa loob ng isang linggo, halos mamatay ako sa sakit na naraamdaman ko. Na pakiramdam ko, hinding hindi na ako makakangiti o tatawa man lang pero heto ako ngayon, kasama ang dalawang matalik kong kaibigan na siyang dahilan ng pagtawa ko ngayon.

"Guys, i just want to say thank you. For making me laugh." i smiled.

"Drama king" sabay na sabi ng dalawa at nagtawanan. Wala akong nagawa kundi makipagtawanan na lang din sa kanila.

Lalo lang napasarap ang pag inom namin. Ni isa sa kanila, walang nagbanggit sa pangalan niya o kahit sa nangyare sa aming dalawa.

Mga kalokohan at payabangan lang ang napag usapan namin hanggang sa maubos na namin lahat ng alak sa counter.

SWEET REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon