Chapter 2

5.9K 83 44
                                    

AMBER's POV

Umaga na naman!

Ano pa nga bang bago sa routine ko? Pagkatapos kong mag breakfast, pumunta na ako sa school. Diretso agad ako sa greenhouse. Akala ko andun na ang mga ka R.S ko kaso ako palang.

Napaaga ata ang dating ko.

"Goodmorning" may biglang bumulong sa akin na ikinagulat ko. Maaout balance na naman sana ako buti na lang maagap yong nang gulat sa akin.

Uhhmm.. Pamilyar ang amoy.

Pagtingala ko, ang nakangiting mukha niya ang bumungad sa akin.

"L-leigh" tanging sambit ko.

"Goodmorning" bati ulit niya sabay halik sa noo ko.

Whaaah!! Ito na naman po ang puso ko. Ang lakas ng kabog at ang init ng pisngi ko. Walanghiya naman! Ano ba ito.

Narinig ko siyang tumawa.

"I really like seeing you in that reaction everytime I kiss you" tumawa ulit siya.

Ano ito, pinaglalaruan ako?

Kumulo ang dugo ko at hindi ko namalayan na nasuntok ko ang mukha niya. Kung nabigla ako sa ginawa ko, mas nabigla siya.

Haaah! Akala niya hindi ko siya kaya ha.

"Wag ako ang pagtripan mo, dahil hindi ako interesado." naiirita kong sabi. Iniwan ko siyang nakatulala pa din.

Serves you right, jerk!

Dahil sa sobrang pagkainis ko sa kanya, pinuntahan ko tuloy ang mga barkada kong pangkaraniwang studyante ng school.

"Look who's here" bungad sa akin ng isa kong tropa nung pumunta ako sa room nila. Actually, mga boys sila.

Oo na, boyish na kong boyish pero anong magagawa ko, ganun talaga e.

"Anong masamang spiritu ang nagdala sayo dito?" Ani Bryan.

Inilibot ko ang paningin ko sa room nila. Konti pa lang ang studyante, yong ibang babae na classmates nila namamangha na andun ako sa room nila.

"Here!" Sabay abot sa akin ni Nicko ang in can cold mocha. He really know if i'm pissed off. Cold mocha ang nagpapacalm sa akin e.

"Thank's" sabi ko sabay bukas at inom.

"Pissed off?" Tanong niya sabay upo sa tabi ko.

Hay naku! Hindi talaga ako makakapag lihim sa loko na ito.

Actually, childhood friend ko si Nicko. Mayaman ang family niya kaso wala siyang pakialam dun. And one more thing, kung gugustuhin niya, qualified siya na maging R.S, sila ni Bryan at Ruz kaso ayaw nila. Boring daw ang pagiging R.S.

"What's the matter?" Tanong ulit ni Nicko sabay akbay sa akin.

"Nothing. I just miss you guys"

"Drama Queen" sabay na sabi nila. Tumayo ako bigla at pinagbabatukan ko silang tatlo.

"Masama na bang mamiss ko kayo? Ayaw niyo pa kasing sumama sa R.S e"

"Boring" sabay na naman sila. Ano ito, choir lang?

"Pero hindi na iyon boring kapag andun kayo. Lalo na kapag andun ang mokong na ito" inakbayan ko si Nicko.

"Mokong ha" sabi ni Nicko sabay kiliti sa akin.

"Aaack! Jo-joke lang. St-stop it!" Habang pinipigilan ko ang kamay niya.

"Sinong mokong?" Tanong niya sa akin.

SWEET REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon