Chapter 29

2.8K 54 19
                                    

AMBER's POV

Yes!

Yan ang unang salitang pumasok sa isipan ko ng sabihin niya ang salitang oo.

Now! I can easily hurt him and i know na magagawa ko iyon. Paiibigin ko siya sa loob ng isang linggo and after that, the next thing he knew, hindi na niya kayang mawala ako sa buhay niya. Paghahabulin ko siya like he used to do to me before.

"We're here!" Naputol ang pag iisip ko ng bigla na lang niyang sinabi iyon. Iginala ko ang paningin ko at nasa resthouse na nga kami. Tatanggalin ko na sana ang seatbelt ko ng pinigilan niya iyon.

"Amber? A week lang diba?" Seryoso siyang nakatingin sa akin.

"Oo. Ayaw mo ba?" Alinlangan kong tanong.

"Hindi naman. Kailan ang simula?" Ibinaling niya sa labas ang tingin niya.

"Ngayon na!" I smiled. Huminga siya ng malalim.

"Pwedi bang pagbalik na lang natin ng manila" alinlangan siyang ngumiti.

"Bakit pagbalik pa? Why not now?" Kunot noo kung tanong.

"I don't want to spoil your hapiness" tinignan ko siya ng nagtatanong.

"I mean, you love the beach, wearing sexy swimsuit. Kung sisimulan natin ngayon, ibabalot kita sa tela dahil ayokong lumabas ka ng naka swimsuit lang" nangingiti siya. How possesive he can be.

"Kailan ka pa naging madamot?" Nangingiti din ako.

"Ngayon lang, pagdating sayo and i wish, noon pa sana" lumamlam ang mata nito.

"What do you mean?" Nalilito akong tumingin sa kanya.

"Wala babe!" He smiled at me so sweet.

"Babe?"

"Endearment natin yan dati, remember?" He held my hand and kissed it.

Babe huh! Yeah! How could i forget that damn endearment. Kasama iyan sa mga larong ginawa mo. Well, that was before and now this is my play and i'm gonna win this game.

"Of course! It sounds so sweet when you say it" i plastered a smile. He smiled back bago bumaba sa kotse at pinagbuksan ako. Hinawakan niya ang kamay ko para alalayan ako.

Gentleman ang mokong

"Thank you" sabi ko pagbaba ng sasakyan at pumasok na sa resthouse. Nadatnan namin sina drew at nicko sa sala.

"Where's dawn?" I asked them

"Kitchen. She's preparing foods for the bon fire later" sagot ni Drew.

"Aww. Sounds great. I'm gonna help her" bumaling ako kay Leigh.

"Okay" he smiled at me bago ako pumunta sa kusina.

LEIGH's POV

"Bakit ganyan mga tingin niyo?" Tanong ko agad sa kanila pag kaalis ni Amber.

"May dapat ba kaming malaman?" Si drew.

"May nangyare ba sainyo kanina?" Tanong naman ni Nicko.

"We have a deal" umupo ako sa tabi nila.

"Deal?" Sabay sila at sabay lapit din sa akin.

"Anong deal iyon?" Tanong ni Drew.

"I agreed to her 1 week rule"

"1 week rule!" Sabay ulit sila.

"Alam niyo tama si Dawn, para kayong b1 at b2" naiiling ako.

"Tol seryoso, anong 1week rule na iyon?" Inakbayan ako ni nicko.

SWEET REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon